How It All Started

685 18 2
                                    

EXO on the side :)

para to sa pamangkin kong nagtatyaga na basahin to.pramis Arlie pupunta tau sa concert nila!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"OMG ang gwapo ni Kai !"

"Mas maganda pa sayo si Luhan eh"

"Sehun i love you!!"

"Ang popogi nang myembro ng EXO no?!

Seryoso ? Nakaka OP na ha. Sino ba yung mga pinagbabanggit nila ? Di ko ata kilala.

"Sila ang EXO. Sikat na sikat sila sa SoKor (South Korea).12 ang myembro nila, kaso nahahati sa 2 sub-groups; ang EXO-K w/c is composed nina Suho, Baekhyun , Kai , Chanyeol , D.O at Sehun. Yung EXO-M naman ay sina Kris, Xiumin , Luhan , Tao, Chen at Lay."

"Seriously Patty, hinihingi ko ba opinyon mo?" =_____= tanong ko sa katabi ko. Siya si Patricia Montez, my bestfriend. Sya lang nakakatiis sa ugali ko. May pagka bipolar kasi ko.

"Nakikita ko kasi mukha mo. Naiinis na ewan . Alam ko naman na curious ka kung sino yung sinasabi nila diba? Sinasagot ko lang." -____- sabi sa akin habang nagsusulat. At kelan pa to naging mind reader?

Nasa school grounds kasi kame. At eto patambay-tambay na lang dahil magbabakasyon na din. Yung mga nagsasalita kanina mga kaklase namin iyon. Sama-sama kaming mga girls palibhasa konti lang kami dahil sa course namin which is IT.

Tawanan pa din sila nang tawanan kaya di na ako nakatiis.

"Aish! Ang ingay ha! Sino ba yang tinitilian nyo at para kayong mga tanga dyan?"

"Yung EXO Mina. Ang gugwapo kasi eh!" *o*

"Tignan mo kaya." at pinakita nila sa akin ang mga pictures ng EXO sa laptop nila.

"Psh .. Hindi naman eh." =___= pero sa loob-loob ko .. KYAAAHHH! ang popogi ! Harem am peg !! >//<

"Uy Mina grabe ka. Ang gwapo kaya nila. "

"Hayaan mo na si Mina, hindi nya kasi kilala ang EXO. " sagot ni Patty na tapos na pala magsulat.

"Bakit Patty? Isa ka ba din sa daan-daan .. no .. libo-libo nilang fan girls?" sabi ko sa kanila at uminom nang shake.

"Maybe. Nagugwapuhan lang ako yun lang . Atleast sila totoong tao di kagaya nang mga idol mu na hindi ngeexist sa HUMAN world" sagot ni Patty habang inaayos yung gamit nya.

"Yah!! May problema ka sa pagiging anime lover ko ?!"

"Wala naman. Kaso Mina , tigilan mo na nga yang pagiging anime lover mo . Malapit kana mag 19 pero para ka pa ding isip bata."

"Wala naman sa age yun ha, at bakit ba?! Kanya-kanya tayong trip! Kung kayo puro KPOP ako sa anime ko!" sabay walkout.

Tss .. Dinamay daw ba pati ang mga anime ko? Eh bakit ba? Sa mas feel ko ang anime, magagawa nila. Gusto ko din naman ang EXO eh, shiniship ko nga sila sa GG eh. EXOSHIDAE fan ako nuh! >//< Its just .. Di ako kagaya nila na bulgaran, kumbaga sa akin .. Nasa loob ang kulo ko about sa EXO. Rookie group pa lang naman kasi sila eh.

Ay nakalimutan ko magpakilala . *le bows*
(_ _)
\(^_^)/
Hi ! Ako nga pala si Mina Kang .. 18 years old at taga **** city ! Ang parents ko half korean at half pinoy. Kaya may alam ako sa Hangul, pero nasa Pilipinas naman tayo kaya di ko na need mag Korean. Im a certified OTAKU!! Yep .. tama nababasa nyo, mahilig lang ako sa anime. Tawag nga sa akin nang mga nakakakilala saken ay Koreanang Otaku .

Diretso uwi na ako sa bahay. Ayaw ko na bumalik sa school bukas. Tsk .. Aawayin na naman kasi ako ni Patty.. (__ __')

"Dito na po ako,"

"Oh anak nandito ka na pala. May sasabihin kasi sayo Daddy mo." at ayun umalis na si Mommy.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagbaba ko nasa sala na si Mom At Dad. Bakit napakaseryoso ata nila?

"Dad may sasabihin ka daw sa akin."

"Anak.. Sa Korea ka magbabakasyon."

"ANO?!? Dad naman! Di ba sabi mo saken sa Tokyo!!!"

Nagsisimula na akong magwala. Nangako kasi sya pag nakapasok ako sa Deans Lister pupunta ako nang Tokyo;lam nyo naman .. Anime stuffs .. Pero mukhang masisira pangako ni Dad sakin . First time lang mangyayari yun. Nagsimula na kong umiyak pero nakatingin lang sa akin si Dad.

"Mina, gusto ka kasi makita at makasama nang Uncle mo. Yung pinsan nang Mommy mo. Remember him? Di ba sabi mo favorite Uncle mo sya?"

Natahimik bigla ako. Naalala ko nga siya, yung pinsan ni Mommy. Pag nasa Korea kami sya lagi kong kasama. Favorite ko nga sya sa lahat nang kamaganak namin dahil sobrang malapit ako sa kanya plus spoiled ako nun. Kasing edad lang sya ni Mom pero pag kasama ko sya parang kasing edad ko lng kausap ko.

"Ano Mina.. Di mo ba pagbibigyan request nang Uncle mo? 2 years na din kayong di nagkikita ha." si Mom naman nagsalita.

Umuwi kami nang Seoul 2 years ago dahil namatay yung Lola ko sa side ni Dad. At simula nun di na kami pumupunta nang Korea.

*sigh* may magagawa pa ba ako ? Si Uncle na nagrequest eh .. Alangan namang tanggihan ko. Magtampo pa sa akin yung matanda na yun.

"Okey payag na ako. Kelan alis ko?"

Nakita kong ngumiti sina Mom at Dad. At si Dad ang sumagot.

"Sa sabado alis mo.."

------------------------

Anyeong chinggus !
Naisip kong gumawa nang fanfic about EXO. Yung ugali nang bida naten, parang ako lang. New fan girl palang kasi ako kaya wala ko masyadong alam tungkol sa kanila, kaya medyo "malayo" yung ugali nang EXO ko sa REAL EXO .. Arasso?

Please bear with the typo and grammar errors .. Newbie pa kasi .. kaya SARREH ok .. SARREH ! (>o<)

Misadventures Of Living With Them (EXO FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon