Ikaw at ako ngayon...
Pero walang tayo mula pa noon...
Kay hirap ng pinagdadaanan...
Mga paghihintay ay nasayang...
Sa bawat oras ika'y naiisip...
Pero ni minsan ba ay ako'y iyong naisip...
Ilang gabi pang iiyak...
Ilang beses pa ang puso'y mabibiyak...
Ilang araw pang mag-aasam...
Sa isang katulad mo na wala namang pakialam...
Ngunit wala namang tayo...
Para ako'y magkaganito...
Tayo, walang ganoon...
Ikaw at siya ang meron...
Pinagmamasdan kang ngumiti kapag kasama siya...
Tumawa habang nakangiti siya...
Umiiyak kapag may kasama siyang iba...
At nasasaktan dahil may mahal siyang iba...
Nararamdaman mo pala iyon...
Akala ko'y ako lang...
Akala ko'y ako lang ang nasasaktan...
Akala ko'y ako lang ang umiiyak...
Akala ko'y ako lang ang nag-aasam...
Nag-aasam na mapansin ng minamahal...
At akala ko'y ako lang ang nagmamahal ng taong hindi ako mahal...
Ako'y lumapit sa iyo upang pagaanin ang iyong pakiramdam...
Natuwa naman ako dahil ako'y iyong pinayagan...
Dati rati'y inaasam na mapansin...
Ngayon ay naging kaibigan na...
Dati rati'y nakadungaw sa bintana para ika'y pagmasdan...
Ngunit ngayon kakatok sa pintuan ng aking bahay upang makipagkwentuhan...
Dati rati'y hindi nagpapansinan dahil sa kadahilanang hindi mo ako kilala...
Ngunit ngayon daig pa ang magulang dahil halos alam mo ang tungkol sa akin...
Dati rati'y nahihiyang lumapit dahil ayaw matanggihan kapag ako'y nangulit...
Ngunit ngayon ikaw na mismo ang lumalapit...
Naging mas malapit tayo sa isa't isa...
Mula paggising, ikaw ang unang kausap...
Pati sa pagtulog, ikaw lagi ang huling kausap...
Asaran, kulitan, tawanan, lahat niyan ay sabay natin ginawa...
Mga memorya, tayo ay gumawa, mga memoryang hindi ko makakalimutan hanggang sa aking pagtanda...
Kay sarap alalahanin bawat segundo, minuto, oras na ika'y kasama...
Isang araw nagtanong ako sayo...
Ako ba'y iyong minahal?...
Ang sagot mo ay oo...
Ako naman ay natuwa...
Mahal mo pala ako ngunit...
Puso ko'y nabiyak nang sinabi mong mahal mo ako bilang kaibigan mo lamang...
Ang sakit pa lang umasa, umasa sa isang katulad mo na nagpakita ng mga bagay na akala ko ayon na...
Iyon pala hanggang kaibigan lang...
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa isang katulad ko na mahal ka ng higit pa sa inaakala mo...
Umasa ako, umasa ako na may magmamahal sa isang katulad ko ng higit sa kaibigan, higit sa kaya kong ibigay na pagmamahal...
Masakit, daig ko pa ang taong nag-aagaw buhay...
Ako'y nagpakalayo dahil akong napagtanto...
Kailanman ay walang magiging tayo...
At ang mayroon na lang ay IKAW AT AKO....
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
PoetryBakit kaya ang mga tao ngayon ay mas ginagamit ang katagang 'ikaw at ako' kesa sa 'tayo'? Ano yun? Pahihirapan mo lang yung sarili mo? Rank #517-Poetry as of 3/13/18 Rank #190-spoken as of 3/31/19 Rank #57-word as of 3/31/19