Chapter 1

59 2 0
                                    

Bianca's POV

"Nakakasilaw naman"

 Nakalimutan ko palang magsara ng bintana kagabi bago ako matulog.

"Nakalimutan ko ?" 

Waaaa ! Pano kung biglang may nakapasok na magnanakaw dito tapos binaril ako tapos namatay ako ,Pano na ang pamilya ko ? Paano na ang aking kinabukasan ? Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong matupad.Gusto ko pang magka-asawa at magkaroon ng sariling pamilya.Bata pa ako at dakilang NBSB.

O-kay ? Medyo OA na ako eh.

Hehehe.

Buti na lang talaga ligtas dito sa amin at tsaka wala namang makukuha yung mga magnanakaw sa bahay namin dahil mahirap lang kami.Tindi kase ng imagination ko eh.

Ay ! Muntik ko ng makalimutan.First Day pala ng klase ngayon.Teka,anong oras na ba ?

Pagtingin ko sa alarm clock ko.

"7:15 palang pala eh"

Wait ! 7:15 ? 7:30 ang pasok ko ah .

"Waaaaaaaaaa! Mala-late na ako!"

Nakalimutan ko palang i-set yung alarm clock kagabi bago ako matulog.

Aish! First Day pa naman ngayon tapos ganito ang mangyayari. >.<

Teka! Ang dami kong nakakalimutan ahh ?

"Nagu-ulyanin na ba ako ? Bata pa ako ah! Oh kaya naman may sakit ako sa utak ? Waaa! Tapos nasa malalang stage na tapos hindi nagtagumpay yung operasyon tapos na-comatose ako tapos hindi na ako magigising tapos-"

Wait.Ang OA ko na naman masyado.

Nagmamadali na akong maligo tapos nagbihis tapos bumaba sa kusina para magpaalam kay mama.

"Ma,alis na po ako ah"

"Sandali lang ! Hindi ka pa nakakapag-almusal !"

"Dun nalang po ako kakain sa school.Sige Ma,Bye na po ! Late na ako eh"

"Sige Ingat Anak!"

 Sumakay na agad ako sa tricycle.Mabuti na lang talaga malapit lang yung school na pinapasukan ko sa bahay namin.Pagtingin ko sa relo,7:25 na.

Meron pa akong 5 minutes.Pagbaba na pagbaba ko sa tricycle tumakbo na agad sa room ko.

Alam ko ang iniisip niyo! Siyempre,nagbayad muna ako bago ako bumaba,baka mamaya habulin ako non hanggang sa room no !

Siya nga pala,4th year section 1 ako.Buti nga kaklase ko yung bestfriend ko na si Gail dahil kundi mao-OP ako doon.Puro kasi mayayabang at maaarte ang nandoon,palibhasa mga mayayaman.Sa isang private school ako nag-aaral.

Alam ko na naman ang iniisip niyo! Paano ako nakapasok sa isang private school eh mahirap lang ako ? Isa kasi akong dakilang scholar kaya dun ako nag-aaral.Kung hindi lang talaga para kina mama,hindi ako mag-aaral dun.Halos lahat ng madaanan mo iba-iba ang pinag-uusapan kesyo kung ano daw ang top designer clothes sa France,mga bagong kotse at kung anu-ano pa.

Alam niyo bang,lagi nila akong binubully.Ang tawag nga nila sa akin eh "Poor Kid" "Poorita" "Dukha" "Hampas-lupa" "Pulubi".

Okay lang sakin yun. HIndi ko nalang sila pinapansin.

Swerte ko nalang at nakilala ko si Gail.Hindi siya scholar katulad ko.Actually,sobrang yaman nga nila eh,maganda sya at matalino.Buti nalang hindi sya nahawa ng masamang ugali sa mga classmates namin.Sobrang bait nga niya eh,kapag kaylangan ko ng tulong andyan sya palagi para tumulong.

Magfo-four years na kaming magkaibigan.

Nakilala ko sya nung first year ako.First Day din yun ng klase at nagkataon na naiirita rin sya sa mga kaklase namin kaya ayun nagkasundo kaagad kami.Simula non,lagi na kaming magkasama.

BFF kumbaga.

Teka nga! Kwento ako ng kwento,Mala-late na pala ako !

Pagpasok ko sa room.Marami na ang nandoon.

Hayyy,Grand Entrance na naman ako !

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King Yabang Meets Queen Eng-engTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon