Panimula

213 25 2
                                    

Panimula

Masama ba talagang ibigin ang isang taong may mahal ng iba? Paano pala kung pwede pang maagaw hindi ba?

Hindi ba nila naiintindihang nagmahal lang naman kami, hindi namin ginustong mahulog sa taong mahal ng iba. Pero anong magagawa ng katulad niya? Marupok na ba talaga sila?

Hindi na maintindihan ni Mary Rose ang sarili, sobrang dami nang tanong ang hindi niya magawan ng sagot.

Tama nga ba ang mga kaibigan niya na mali siya dahil pumatol siya sa lalaking pag mamay-ari na ng iba?

Mali nga bang agawin ang taong mahal niya sa taong mahal ito? Pero kahit anong sabihin ng mga kaibigan niya ay wala pa ring pumapasok na matinong sagot sa utak niya lalong lalo na sa puso niya.

Basta ang alam niya, hindi niya bibitawan si Nathan Guevarra.

Ang kauna-unahang lalaking nag patibok ng puso niyang pag-luluto lang ang mahal na mahal na gawin dati.

At ang kagagahan niya ngang iyon ang naging dahilan kung bakit silang nag aaway at nag-iiringang magkakaibigan ngayon.

Halos murahin na siya ng kaibigan niyang si Jhonelly nang malaman nitong nobyo niya si Nathan na nobyo ni Sheena. Isa rin itong mahusay na chef katulad niya pero mas gusto nitong manilbihan at madistino sa ibang bansa.

Hindi niya inagaw ang binata rito dahil pag mamay-ari niya si Nathan.

Naalala niya pa ang pagtatagpo nila ng binata sa restaurant niya ang Bust's Restaurant na hango sa apelyedo niya.

Kumakaing mag-isa ang binata at naagaw ng atensyon niya ang maamong mukha nito, at ang mga matang kulay kahel. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Mary Rose ang mabilis na pagtibok ng puso niya na tila na nakikipagkakarerahan.

Dahil doon, hinatidan niya ang binata ng dessert nang may malawak na ngiti sa labi.

Nagulat pa ang binata sa presensya niya pero hindi nawala sa labi niya ang masayang ngiti, "It's on the house." pagbibigay alam nito sa lalaki.

"Oh, thank you." sinuklian naman siya nito ng isang masarap na ngiti.

At dahil dun, para bang naihatid siya ng binata sa alapaap sa simpleng pag ngiti nito. "W-welcome. Just look for me if you need anything." masayang wika niya pa.

Nangunot ang noo ng binata dahil sa tinuran niya kaya maligalig niyang sinagot ang nagtatanong nitong mata. "I am the owner."

Lumawak ang ngiti ng binata at banayad na itong nakatitig sa kanya, "That's why. Yeah sure. Thanks for this." pagpapasalamat ng binata habang tinuturo ang dessert na binigay niya kaya napatango na lamang si Mary Rose.

"I'll go ahead. " ngiti lang ang sinagot ng binata saka kinikilig niyang tinalikuran ito.

Sabi nga nila, a way to man's heart is through his stomach. Kaya iyon ang first move na ginawa niya sa binata. Malandi na ba agad ang ginawa niyang kilos? I don't think so.

Kilalang magaling at mahusay na  chef si Mary Rose sa Pilipinas maging sa karatig asya.

Proud na proud ang mga magulang niya maging ang mga kaibigan niya sa narating.

Nag patayo siya ng restaurant sa ibat ibang panig ng Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao na sinuportahan naman ng parents at ng mga kaibigan niya. Ito pa nga ang kauna-unahang customer niya sa Bust's Restaurant.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend Series 4: Mary Rose BustamanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon