Chapter 8.

4.8K 333 29
                                    

"Welcome to Boracay!" a hotel attendant loudly  greeted us habang buhat-buhat ni RJ ang aming bagahe. 


Nginitian ko ang babae at nagpasalamat.


Nandito kami ngayon sa Boracay para sa aming...errr... Honeymoon. Though hindi ko alam kung honeymoon ba ito dahil kasama namin si Sam at Kris.


"Maine! Let's swim later ah!" Paanyaya ni Sam habang tinatanggal ang kanyang wayfarers. Paakyat na kami sa aming mga kwarto at si RJ ay halos hindi maipinta ang mukha.


"Anyare sa asawa mo, Maine?" bulong sa akin ni Kris.


Umiling ako. "Kanina pa 'yan paglapag. Hindi pa kami nagkakausap."


Siniko ko si RJ dahil wala yatang balak bumaba ng elevator. Andito na kami sa tamang palapag at hanggang ngayon, nandito pa rin kami sa loob.


"Labas na." I simply said. Tinatantiya ang kanyang attitude.


Tumalima naman ito kaagad at binuhat na ang bagahe namin papasok sa isang kwarto. "Bakit kasi hindi na lang nagbook ng ibang room." he muttered angrily to himself.


Agad na din kaming pumasok sa kwarto. Yes, honeymoon namin pero kasama namin sa kwarto si Kris at Sam. Nauna silang pumasok at binuksan ang bintana. Namangha kaming lahat sa view. Ang ganda!


"Ayos lang ba talagang dito kami, pre?" Tanong ni Sam kay RJ. "Honeymoon niyo 'to pero napasama kami."


"Why don't you book for another room, then?" Simpleng tanong ni RJ. Agad akong sumenyas kay Sam na huwag na. 


"Uh," sabi ko nga bro dito na lang kami sa living room ni Kris. Tumango naman si Kris at inakbayan si RJ. 


"Kalma lang, Richard. Trabaho ang ipinunta namin dito." He winked and RJ glared at him.


"Mga istorbo." RJ whispered and went inside the room.


Agad nagsipagtawanan si Sam at Kris. "Kaya pala bwisit si Manong. Malabo makaiskor."


Umiling ako sa kanila at pumasok na sa kwarto para sundan si RJ. Nasa balkonahe siya at tinitignan ang kabuuan ng Boracay.


"RJ..." I called him softly. "Wag ka na magalit. Alam mo namang fully booked yung hotel na 'to. Last minute din itong meeting nila kaya inalok ko nang dito magstay..."


Mataman niya lang akong tinignan at bumuntong hininga. "What do you want to do today?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baywang ko.


Ngumuso ako. "I just want to go to the beach."


"Alright, whatever my wife wants." I shivered at the word wife. Hindi pa rin ako makapaniwala! Sobrang bilis ng mga pangyayari.


"Sasama ba yung dalawa?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot itong muli at sumagot.


"No. They need to work."


Tumango ako at kumalas sa pagkakahawak niya. "Magbibihis lang ako tapos alis na tayo." 


"Wear something long..." he replied.


"Huh? Beach? Mainit pag mahaba." Sagot ko sa kanya.


Umiling siya sa akin at may inabot na paper bag. "Binili ko 'yan kanina sa airport. Ayan na lang suotin mo." Pagbukas ko ay halos sapakin ko siya.


"Daster to, RJ." Sinabi ko sa kanya. 


Tumango naman siya agad. "The color looks nice on you."


Binulatlat ko ang damit at halos mainis ako sa nakita ko. Lampas tuhod ang damit at may manggas.


"RJ, mainit nga." Sinabi ko sa kanya ulit. "Sigurado ka bang gusto mong ipasuot to sa akin? Magmumukha akong nanay." Pinamaywangan ko siya. "Hindi ko susuotin 'to."


"Tsss... nagtry lang." Aniya at binawi ang binili niyang damit. "Fine. Choose your dress." anito at lumabas na ng kwarto.


Agad akong dumiretso at nagpalit ng romper. Sinuotan ko ito ng dilaw na swimsuit sa loob at lumabas na din ng kwarto. Nakita kong nakaopen ang laptop ni Kris at may sinusulat naman si Sam. Probably work?


Nakita ko ring nakabihis na si RJ. Nakashorts lang siya at tinernuhan ng isang manipis na blue polo. Nagpaalam kaming aalis na at lumabas na ng kwarto.


"Sabi ko sa'yo suotin mo yung binili ko eh." Bulong niya sa akin habang pababa kami ng elevator. May kasama kaming dalawang babae na walang pakundangang tinitignan si RJ.


"Ayoko nga." Sabi ko.


Agad kaming dumiretso sa beach at kinuhanan ang mga turistang naliligo. Nagulat ako when an arm snaked on my back at pinirmi ang kamay sa akng tiyan.


"What are you doing," puna ko kay RJ.


"Marking you." he grinned and guided the way.


Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon