Chapter 14

4.9K 358 25
                                    

"Maine... wake up. Nandito na tayo." I felt RJ's breath in on my right ear. Nagpatuloy akong pumikit at lalong sumiksik sa kanyang gilid.

Our vacation has ended already. Ahh... bitin. Gusto ko pa ng extension.

He chuckled and kissed my forehead. "Gising na, love. Dad is grinning like a maniac outside." 

Pagbukas ng mata ko ay nakita ko si Tatay at Nanay na parehas nakangisi ngayon. Si Dean naman ay may hawak na banner which said: Happy Honeymoon! #Putukan2018

That damned brother of mine. 

Lumabas kaming dalawa sa sasakyan. RJ's hand intertwined with mine. Ang isa niyang kamay ay hawak ang aking maleta. Both of us still had our aviators on. 

Agad lumapit sa akin si Nanay at niyakap agad. Bumitaw ako kay RJ at niyakap siya pabalik.

"How was Boracay, mga anak?" tanong niya sa aming dalawa.

"Ang ganda, Nay!" I replied. "I want to go back again."

RJ nodded and joined the conversation. "I'm planning to buy a property there, Nay. Maine liked it so much."

Tahimik lang na nagmamasid sa amin ang Tatay. Si Dean naman ay kanina pa kumakanta ng Firework ni Katy Perry. I rolled  my eyes at pumasok na sa bahay. Ngayon din ang lipat ko sa condo ni RJ kaya hindi na ako nag-abalang magtanggal ng damit sa maleta ko. Truthfully, kulang na kulang ang dadalhin ko dahil marami akong damit.

Surprisingly, Nico is also here with his wife. Naghigh-five sina ni RJ at nag-usap tungkol sa trabaho. Sumali din si Dean at naiwan kaming magkausap ni Nanay.

"You look tired, anak. What happened?" she asked me worriedly. Agad akong umiling.

"Wala, Nay. Nakakapagod lang. Uminom kami kagabi at medyo masakit pa ang ulo ko."

Nanay nodded and guided me to the kitchen. She gave me an apple and I ate it immediately.

"Sana magka-apo na ako." makahulugang tingin niya sa akin. I sighed. 

"Kay Nico ka manghingi, Nay. Wala pa kaming maibibigay ni RJ." Hindi ko mapigilang mamula sa topic namin!

"Wala pa ba, 'nak? Excited na kami sa little Maine and RJ." Umiling ako ng ilang beses at binilisan ang pagkain. 

Wala pa pong nagaganap na milagro. I whispered to myself. Agad ding naghiwa ng apple si Nanay para ibigay kina Dean. Paglabas namin ay naglalaro na sila ng video game. Nang nakita ako ni RJ ay agad niya akong pinalapit at hinila paupo sa tabi niya. Humilig ako sa braso niya at pumikit. Masakit pa din ang ulo ko.

"I told you not to drink." he reprimanded me.

"Minsan lang naman.." ungot ko. "Thank you for taking care of me last night. I know I'm a mess."

He immediately froze and looked at me, dumbfounded. "You remember everything last night?"

Nagtataka akong bumaling sa kanya at agad umiling. "Nope, sabi lang sa akin ni Kris at Sam. Did I do something last night?"

I should stop drinking, alright.

"Wala naman..." nag-relax na siya at tumingin kina Nico na nagdadambahan na kasama si Dean. "Wasted ka talaga kagabi. Don't drink when I'm not with you. Tatanda ako ng maaga."

Yikes... sobrang gulo ko siguro kagabi. Too bad I don't remember all of it.

Kumain lang kami ng pananghalian at tumulak na sa condo ni RJ. Pagdating namin ay nandoon ang kanyang caretaker na si Nana Delia. Nakangiti akong lumapit sa kanya.

"Na!" I shouted at napatalon ang matanda sa gulat. "Ang tagal niyo pong wala ah!"

"Susmaryosep ka Nicomaine. Ginulat mo ako. Nasaan ang asawa mo?"

"Nagpark po. Siya din ang may dala ng mga gamit ko."

Si Nana Delia pa ang nag-alaga kay RJ at nang nabili niya ang condo na ito ay inaya  niyang tumira dito ang matanda na agad namang sumama. Hindi naman siya pinagtatrabaho ngunit mapilit ito.

"Gumaganda ka, Maine." puna niya sa akin. "Alagang-alaga ka ba ng asawa mo?"

Ngumiti ako at kumuha ng upuan para tumabi kay Nana. "Medyo po."

Makahulugan niyang sinuklian ang ngiti ko. "Masaya ako para sa inyo, anak. Sobrang saya din tignan ni Richard. Sana ay mabuhay kayong masaya at biyayaan ng maraming supling."

Woah.. what's with them wanting us to have kids already. Well... someday. But not now, definitely. I want us to enjoy ang pagiging couple muna. Dahil in-arrange lang naman ang kasal namin ay hindi kami dumaan sa stage ng pagiging mag-jowa kaya mas mabuti munang kami lang sa ngayon.

"Darating po tayo dyan, Nana."

Agad na din akong nagpaalam at pumasok sa kwarto ni RJ. His room is wide and clean. Not a spot of dirt seems present. Wala ding crease ang kanyang kama. Iilang muwebles lang ang nasa loob at isang TV lang din ang naroon. Ngumiwi ako nang nakita ko ang picture ko na nasa tabing mesa ng kanyang kama. This was the picture he took nung grumaduate ako last two years ago. I looked like a mess. Magang-maga ang mata ko kaiiyak dahil akala ko hindi siya makakarating no'n. The photo was captured bago ako magalit sa kanya. He said it's his favorite photo dahil ang cute ko daw. Dinapa ko ang frame at tinignan pa ang iilang picture doon.

The first picture ay picture ng kanyang mommy na karga karga siya. Second was Riza's graduation picture at pangatlo ay ang picture nung kasal namin. He looked so happy. Napangiti ako. 

Nang narinig kong pumihit ang pinto ay nakita kong dala dala ni RJ ang dalawa kong maleta, isang malaking bag at nakasukbit sa likod niya ang aking backpack. Ngumiti ako sa kanya.

"Nakuha mo na lahat?" tanong ko sa kanya and he nodded. Butil butil ang pawis sa noo niya at hindi ko mapigilang hindi tumawa.

My husband looks like a real husband now. I giggled and went to him to plant a kiss on his cheek.

"Thank you, I love you!" I said and I immediately went outside the room.

---

Sorry guys dapat kagabi pa 'to kaso 9PM na ako nakauwi. Hahahaha sorry na

Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon