Chapter 1

32 1 0
                                    

Leisha's P. O. V.

Oh my gosh! I kennatttt! Ba't ba ganito na 'to?! Ba't ang hirap?! Ayoko na! Suko na ako! Sumasakit na ulo ko dito sa accounting na'to! Huhuhu!

Nakaupo ako ngayon sa cafeteria habang sinasagutan ang assignment ko sa accounting. 1 hour nalang at magsisimula na class ko pero hindi ko pa ma-balance to!

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Aargh! Nakaka frustrate! I love Math pero bakit ganito?!

"Miss, panyo oh." Napatingin ako sa nag-abot ng panyo sa akin at napatulala nalang ako nang makita kong si Trek yun, ang long time crush ko. Ohmygod! Ang gwapo niyaaaaa!

Napabalik ako sa huwisyo ng maramdaman kong pinupunasan niya ang pisngi ko ng panyo niya kaya napaiwas tingin ako. Gahdddd nakakahiya telegeee ehh!

Nginitian niya ako at naupo siya sa tabi ko. Kinilig naman ata ang lola niyo dun. Hahaha!

"Ba't ka umiiyak? May problema ka ba?" Dun lang bumalik sa isipan ko ang problema ko sa Math. Nako! Nakakahiya pala ang pag iyak iyak effect ko dito sa cafeteria.

"Uhm.. Kasi itong accounting eh... " sagot ko at napatingin nalang ako sa yellow pad ko na puro solvings. Mauubos ko na ata ang isang pad neto kaka solve. Hays...

Napangiti na naman siya ulit na nagpalaglag ng panty ko. De joke lang! Hahaha. Kinuha niya ang ballpen ko at pati na rin ang papel ko, "Tuturuan nalang kita. Madali lang 'to."

"Gets mo na?" Napakagat labi ako nang maibalance ko na iyon. Ohmygod! Ba't talo niya pa ako? Engineering student pa naman siya!

"Ang galing. Ba't marunong ka mag solve nito? Engineering naman kurso mo ah." Tanong ko.

Nagtatakang tumingin siya sa'kin. "Ba't alam mo kurso ko?" Kinabahan ako sa tanong niya. Halaka!

"Uhh.. Ayan sa ID mo oh, engineering student ka. Hehe." Napangiwi ako sa sagot ko. Mabuti nalang at nakita ko yung ID niya!

"Ah kaya pala, marunong ako kasi tinuruan ako ng Ate ko nyan noon." Grabe! Ang galing talaga niya at ang talino kaya crush ko siya eh!

"Salamat sa pagturo ah? I owe you this." Sabi ko while smiling sweetly.

"No problem. O sige na, aalis na ako ah? May klase na kasi ako maya-maya eh." Paalam niya.

"Sige. Salamat ulit." Sagot ko.

Tumayo na siya para umalis nang lingunin niya ako ulit. "Uhm... Wala ka pa bang class?"

"Meron nga rin eh, aalis na din ako."

"Sabay na tayo?" Napangiti ako, "Sige ba." Sagot ko.

Habang naglalakad kami palabas ng cafeteria ay wala kaming imikan. Ang awkward ng atmosphere ah. Haha.

"Ako nga pala si Trek." Alam ko po. Tagal na kitang kilala. Yun sana ang gusto kong sabihin pero nakakahiya kaya Besh. Mwuhahaha.

"Leisha." Sabay ngiti ko sa kaniya.

Tapos tahimik na naman ulit. Ehhh! Feeling ko tuloy nagb-blush ako kasi magkasama kami!

"Sige bye na, dito na building ko eh." Sabi ko.

"Uh, ano kasi, pupunta din ako sa building nyo. Pupuntahan ko barkada ko. Kukunin ko phone ko sa kaniya eh. " sagot niya. Kyahhhhh ayoko na! Kinikilig na talaga ako!

"Ba't accounting kinuha mong course?" Tanong niya. Napaisip naman ako kung bakit nga ba. Bakit nga ba?

"Hmm.. Hindi ko nga din alam eh. Basta ang alam ko lang, mahal na mahal ko ang subject na Mathematics. Gusto ko sanang maging architect kaso di ako binayayaan ng talent sa art." Sabay tawa ko na tinawanan niya rin. "Eh ikaw? Ba't nag engineer ka?"

"Kasi may nakapagsabi sa'kin noon na kapag mag-aasawa siya, gusto niya Engineer yun kasi gusto niya raw na yung asawa niya ang gagawa ng bahay nila." Sabat ngiti niya pa at parang may inaalala siyang magandang ala-ala.

"May gusto ka dun no?" Tanong ko. Ohmy! Why? Bakit? Hays... May iba na pala siyang gusto eh.

"Mag e-engineer ba ako kung hindi?" Nakangiti niya pa rin na sabi. Halata nga sa ngiti niya na gusto niya yun.

"Ang swerte nung girl." Komento ko nalang. Hays.. Ang sakit lang sa feeling na sabihan ka ng taong mahal mo na may mahal siyang iba.

"Mas maswerte ako sa kaniya. Yun nga lang, hindi na niya ako kilala siguro ngayon. Nakalimutan na niya yata." Lumungkot ang boses niya nang sabihin iyon. Bakit nalulungkot din ako? Nakakahawa naman 'to.

"Hala bakit naman?"

Nginitian niya ako. "Andito na tayo sa room mo, mamaya niyan lumagpas ka." Napatingin ako sa may pintuan at tama nga siya. Nasa tapat na kami ng room ko.

"Bye. Ingat ka. See you when I see you." Sabi niya.

"Same here." At nginitian ko siya.

Pumasok ako sa room at naglakad na siya palayo. Pero lumabas ako ulit para makita siya.

At nagulat ako sa nakita ko...

"Hello Lance? Nagka-klase na ba?" Dinig kong tanong niya sa kausap niya sa phone niya.

Akala ko ba wala sa kaniya yung phone niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon