CO-ED

7 0 0
                                    




Chapter 1

CO-ED


Kinakabahan ako. Ngayon lang kasi magiging CO-ED yung sistema ng school namin. Nasanay na ako sa mga classmates ko na sila-sila lang hanggang last year grade 11 kami.


"Okay ka lang Mac?" tanong ni Crystal sakin habang sinisipsip yung zest-o niya. 2nd day naming ngayon pero hindi pa naman pinagsasama yung girls and boys.


Nginitian ko siya, Yup." Sabay sipsip din ng zest-o ko at kagat sa sandwich na gawa ni mommy.


"Weird dreams nanaman ba?" tanong niya sakin, alam niya ano ang kaya kong gawin.

"Nope, wala lang, natatakot lang ako, you know.. New environment, new secrets again." Sabi ko sakanya while slouching sa table namin.

"Don't stress your mind Mac, there's a lot of positive things na mapagkakaabalahan!" nakangiti siya sakin.


Ganto lang talaga ako, natatakot ako sa Co-ed shit na plano ng school, hindi dahil anti social ako pero may kakaiba sakin hindi ako kagaya ng ibang tao. I mean, normal na tao. I was born when the moon collides with the sun and darkness reign across the world. That was last February 29 and I am different from others.

I have this ability na hindi ko alam kung blessing ba maituturing o sumpa.
It's about seeing dreams. Dreams na ipapakita ang sikreto ng isang tao.

I discovered it back when I was 8 years old. Yung yaya namin, tinitigan ko siya ng matagal sa mata and nung gabi, napanaginipan kong may plano siyang pagnakawan ang mommy ko. I told mom about this and she didn't mind. After ilang days, ginawa niya nga. And that's not coincidence because I dreamt about my lola. She's planning to leave the country and weeks later she did nga.

Natatakot ako dahil hindi ako sanay na may makakasama akong iba, kinakabahan ako. Anong sikreto ba ang matutuklasan ko? Ayoko. Ayoko malaman nila ang sikreto ko.

Umalis na kami sa canteen para bumalik sa room namin pero sa may announcement board nagkakagulo ang mga students..

"Mac, teka lang ako na ang lalapit tignan ko ano nangyayari." Presinta ni Crystal.

She knows me well kasi alam niyang ayoko makipagsiksikan sa ganyan at baka magkamali ako at may matitigan ako.

"HALA!!!! Ngayon na daw lilipat sa corresponding new section!!"

"Yup! Im so excited!!"

"makikita ko na si Ed di na bawal pumunta sa ibang building!"

"Harot! Pero oo nga halaaaaaa kyaaah!!"

Narinig kong usapan nung dumaan na lower year samin, shit!

Kinabahan ako. Mas lalong kinabahan! Bakit naman ngayon agad jusmeyo!!!

"Mac!!! Mac!!! G-grabe, hindi ko inakala na ngayon na," malungkot na tingin sakin ni Crystal.

"okay lang Crystal. Naiintindihan ko naman rules ng school eh" tinapik ko yung balikat niya.

At nagsalita ulit, "sana classmate parin tayo? Hahaha." Tinignan ko sya, "classmate parin tayo diba?" yumuko siya at inayos yung bag niya.

"Kasi Mac, hindi na eh. Nasa Pilot 4 ako tas ikaw nasa Pilot 1." Kita sa mukha niya na nalulungkot siya.

"baliw! May recess naman and lunch! Magkikita parin tayo. Don't worry. Tara na sa new rooms?" pag cheer ko sa mood.

Habang naglalakad kami nag kwentuhan lang kami sa expectations naming sa mga new classmates namin.

Nagtatawanan kami ni Crystal kasi mga bonjing daw mga classmates niya. And mga GC.

"eh ako? Sino mga classmate ko?" tanong ko sakanya.

"uhm, Si Pineda at tatlo lang kilala ko. Mga classmate natin noon nung elementary." Huminga nalang ako ng maigi.

"Kaya ko to." Bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa new room assigned samin. Kinakabahan ako tumingin sakanila. Nakayuko lang ako, sa dulo ako umupo malapit sa pinto kasi may nauna na sakin sa kabilang dulo na transfer ata, babae din.

Dahan dahan kong inikot ang mata ko sa room ng di tinitignan ang mata nila. Apat lang kaming babae na nandito. Eto na yun? Mas lalo akong kinabahan.

Ngayon lang nag sink in sakin na sa Pilot 1 ako. Shit! Ang pilot 1 ang pinakasikat na section dito samin. Ilang beses ako napamura sa utak ko kasi hindi to pwede. Puro lalaki ang makakasama ko.

Si Naddie Carlos at si Bella Isidro ang babaeng nasa unahan sure ako dun, never silang nawala sa Pilot 1. Mga maldita sila, ayun ang alam ko.
Bulungan sa campus yon. Bakit wala si Jannina Mendez? Lumipat naba sya ng school? Siya ang campus princess sa ganda.

Sabi nila pag angat ka sa school dito ka mapupunta, pero mali! Dapat wala ako dito!

Bumukas ang pinto.


Tumahimik ang paligid. Iaangat ko na sana ang mukha ko ng magsalita si Naddie.


"Oh. Jannina, bakit ka late? At bakit kasama mo SIYA?" halatang nantritrip si Naddie, kaya nanatili akong nakayuko.

"Guys, come on. May Jetlag pa ako, I hate Canada." Padabog siyang umupo. Oo nga pala, wala sakanya na co-ed na kasi sila naman talaga magkakasama sa Pilot 1.

Homogeneous ang section nila, parang lahat ng kilala sama-sama, parang napadpad lang ako dito ah. Pababa ng pilot 2 hetero na, kaya siguro parang kami lang ang naapektuhan ng co-ed shit.


"Hi Max! long time no see!" napaangat ako ng tingin, sinong Max?

"Hi Naddie." Tipid nitong sagot.

Nakaitim na ripped jeans. Naka sweatshirt. Bagsak ang buhok, matangkad, matangos ilong, maputi at may deep devilish awra. Napayuko agad ako nung napatingin siya sa pwesto ko.

Shit! Shit!

"oh san ka pupunta?" narinig kong sabi ni Bella.

"Dito na ako sa likod. Malayo sa ingay niyo." Masungit at prangka na sagot nito.

Nagulat ako ng gumalaw ang upuan ko sa tabi. Desk style ang upuan namin.

Dalawang student sa isang table desk share sila ganon. Nakita ko yung sapatos niya sa gilid ko.


Alam kong siya 'to. "tabe. Umusog ka dito ko sa gilid." Sabi niya sakin.





SHIT! HINDI ITO MAGANDA! HINDI ITO MAGANDA!!








A/N: Hallo ppl, thank you sa pagbabasa I hope ituloy niyo lang and subaybayan niyo ang adventures ni Mac! See you sa next chapter!!! Mwa mwa!!!

ADD ME ON SNAP: Anjpips

FOLLOW ME ON TWITTER: Pipayerz

BE MY ONLINE FRIENDDDDD!!!! :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dreams and RosesWhere stories live. Discover now