Nakatingin sa langit na para bang gustong balikan ang nakaraan, kung saan nabaliwala ang iyong pinaghirapan. Kung kelan ika'y nawala dun ako nahulog ng tuluyan.
Nagtatanong ang aking isipan bakit ba kasi pinigilan kung pwede naman hayaan.
Kung binigyan pansin ko ba dati ang iyong pagmamahal.
Kung sana kasama kita ngayon.
Patawad mahal ko.
"Jozefina?" Sambit ng taong nasa likod ko
"Hmm?" Impit kong sagot
"Iniisip mo parin ba siya?!" Galit na tono niya
"Hindi mo ko masisisi kong bakit iniisip ko parin siya Edwardo!"
"Hindi ba sapat ang ilang taong kasama mo ako? Siya parin ba Fina?" Nanghihinang tanong niya saakin
"Paano kung sabihin kong oo"
"L-lo-la? L-lo-lo? Nag aaway ba kayo?" Tanong ng aking napakagandang batang babaeng apo
"Hindi Bylizima hindi, bumalik ka na lang sa iyong kwarto" nakangiting tugon ko sa aking apo
At mabilis naman niyang sinunod ang aking utos.
YOU ARE READING
Finding Love
RandomJozefina Rivera - Delos Santos ang lola ni Tiara Bylizima na pinakiusapang hanapin si Karlos Legaspi. Laging tinatanong ni Tiara kung sino si Karlos pero ang laging sagot ng kaniyang lola ay "siya ang taong pinagsisihan ko" "Who is he lola? Why you...