Tiara's Pov
Si..........
Lola Zoe lang pala
"Bylizima?"
"Uhmm lola I have something to ask po"
"What is it apo?" She said while smiling
"Bakit po Karlina Merie ang pangalan ni mommy? Bakit po parang walang connect sainyo?" Inosente kong tanong
"Dahil kay Karlos" si lolo
"Karlos Legaspi?" Tanong ko
"Maiwan ka na muna namin Bylizima" sambit ni lola at sinara ang pinto
Nag iwan nanaman ng tanong sa aking isipan kung sino ba talaga si Karlos Legaspi,kung bakit galit si lolo sa kanya kung bakit ba sinunod sa pangalan ni Karlos ang pangalan ni mommy.
Hayys
Lola talaga
Bakit ba ganun meron dapat akong gawin hindi imposibleng may sikreto ang lolo't lola ko
Jozefina Rivera-Delo Santo's POV
Matagal na nung napagusapan namin si Karlos
"Edwardo! Hindi mo dapat sinabi sa apo natin ang tungkol kay Karlos!" Giit ko kay Edwardo
"Bakit? Wala bang karapatan malaman ng apo natin kung saan galing ang pangalan ng kanyang Ina? Diba parang unfair naman yun sakanya?" Sarkastiko niyang sagot sa akin
"Kahit pa! Alam nating lahat kung anong meron dati at hindi na dapat iungkat pa" galit kong tugon
"Kahit anong gawin nating tago mauungkat yun Jozefina" at saka umalis na siya sa kwarto
Bigla na lamang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan
Karlos
Miss na miss na kita
----------------------
Naalimpungatan ako ng biglang may kumatok
"Fina?" Si Edwardo pala
"Hmm bakit Ed? Tanong ko na parang walang naging alitan
"Pwede ba kitang kausapin mahal ko?" Napatingin ako sa sinabi niya
"Edwardo" malumanay na tawag ko sa pangalan niya
"Jozefina, ilan taon na ang nakalipas pero parang hindi parin naghihilom ang puso mo" parang may hinanakit sa mga mata niya na hindi mo kayang tignan
"Edwardo alam mo naman kung sino si Karlos sa buhay ko" tumingin siya habang lumuluha
"Hindi mo ba ako minahal kahit katiting lahat? Kahit sobrang konti lang?" Sabay sabay na pumatak ang mga luha ko
"Bakit ba ako nagtatanong alam ko naman na hindi ang sagot mo" atsaka umalis ulit si Edwardo
Sa mga oras na iyo napaisip ako hindi ko nga ba talaga minahal si Edwardo?
Pumunta ako sa cabinet dito sa kwarto,kinuha ko yung isang maliit na box.
"Karlos Legaspi"
Ang nakalagay duon sa box
Naglalaman kasi iyo ng mga alala ni Karlos.
Lagi kong tinatago ang mga bagay na binigay niya.
May mga sulat at mga lantang bulaklak iyon,napako ang tingin ko sa isang sulat na hindi ko pa nabubuksan.kinuha ko ito
"Huling sulat para kay Jozefina"
Yun ang na ka pinta sa sulat na may lagda ni Karlos.
Hindi ko muna bubuksan ito kahit alam ko na pagsisihan ko ang lahat ng nalalaman sa sulat.
---------------------
I'm sorry kung maikli ang mga chapters na ginagawa ko.
Feel free to comment para malaman ko naman ang mga thoughts and suggestions niyo.
And thank you for reading.
- Laysha Louise ♥
YOU ARE READING
Finding Love
RastgeleJozefina Rivera - Delos Santos ang lola ni Tiara Bylizima na pinakiusapang hanapin si Karlos Legaspi. Laging tinatanong ni Tiara kung sino si Karlos pero ang laging sagot ng kaniyang lola ay "siya ang taong pinagsisihan ko" "Who is he lola? Why you...