Minsan hindi natin napupuna kung gaano kaganda ng buhay na tinatamasa natin.
Marerealize mo nalang bigla ang lahat ng ito kapag dumating na sa panahong nawawala na ang pamahalaan, kung kailan lahat ng lugar na tinitingnan mo may maraming patay na katawan naklatay, kung kailan may humahabol sa iyo para gawin kang pagkain, at kung kailangan mo nang lumaban para mabuhay.
ZOMBIE
Ito ang tawag nila sa kalaban namin.
Si Papa at Mike nalang ang kasama ko. Patuloy kaming lumalaban mula sa mga zombie para mabuhay.
Nakakatakot ngunit dapat harapin.
Ngunit isang araw, nadatnan naming nakagat si Papa.
Sa pakikipaglaban mo sa kanila, bawal ang makagat. Dahil kung makagat ka magiging katulad ka nila.
Hindi ko lubos maisip na nakagat si Papa, ang lalaking nagturo sa aming lumaban sa nakakatakot naming kaaway ay magiging katulad ng kinakatakotan namin.
Sa kabila ng kalunos-lunos na pangyayaring iyon, si Papa pa rin ang nagbigay sa amin ng pag-asa para patuloy na lumaban.
Bago siya ngbago ng anyo, ipinagtapat niya na may lunas na maaaring makatulong sa pagpigil ng virus na kumakalat sa buong Asya.
Isa itong malaking hamon para sa amin ni Mike.
Totoo bang may lunas ang krisis na ito o susuung kami sa kapahamakan.
Ano ba ang maidudulot ng paghahanap namin sa lunas na ito, magtatagumpay ba kami o sa huli ay mapupunta sa wala ang lahat.
May tutulong ba sa amin.
Basta ang alam ko ngayon
Pag makakita ka ng Zombie,
TUMAKBO ka.
ok lang po negative feedbacks
wag lang umabuso *pout*
MAMINTAS ka pa !!
-PrincessKim-