Apat na buwan. Apat na buwan lang ang nakalipas ngunit lubusan nang nagkalat ang virus sa buong Asya.
Huwag kang makagat.
Kung hindi ka nakagat, naswerte ka.
Pagnakagat ka, magiging katulad ka nila.
Minsan mahahalintulad ko sila sa mga zombie, ngunit iba sila.
Mas maliksi sila at mabilis kaysa sa tipikal na zombie.
Nasakop na nilang lubusan ang Asya at unti-unti nilang sinisira ang lugar na dati'y tirahan ng mga tao.
Nakatayo pa rin ang iba't ibang gusali, ngunit may iilang natupok na.
Nakalatay sa daan ang maraming patay na katawan. Matatagpuan din ang iba't ibang parte ng katawan na itinapon sa gilid ng mga kalsada.
Karamihan sa kanila ay manilawnilaw na may pagka berde ang kulay at ang iba naman ay nangingitim na, resulta na rin ng matagal na panahong pagkabilad sa araw. Mula noon, hindi na dumadalaw ang ulan.
Natuyo na ang mga ilog at sapa.
Dapat hindi ako mag-ingay. Nilalapitan kasi nila ang lugar kung saan maingay. At ang nais nila ay sariwang dugo at laman ng isang tao.
Ang amoy ng mga patay na katawan dito ay normal na para sa akin. Sa loob ng apat na buwan, ang amoy ng nabubulok na bangkay ay pangkaraniwan, sabagay nakakatulong nga ito sa pagtatago ko. Kung amoy kang patay, mas malayo ka sa posibilidad na mahanap nila. At kung malayo ka sa posibilidad na mahanap ka nila, mabubuhay ka pa ng matagal. Iyan ang itinuro sa akin ni Papa.
Parang ngang tuluyan ng nakalimutan ang nakaraan, dahil wala ng batas na pinapairal. Winasak nila ang pamahalaan na sanay tutulung sa amin. Ninakaw nila ang buhay na sanay matiwasay na tinatamasa namin ngayon.
Noong simulang kumalat ang virus, hindi ko labis maintindihan kung ano ang nangyayari, unti-unting bumabagsak ang pamahalaan at marami ang namatay.
Maraming doktor at scientist ang nag-aral ng maaring maging lunas sa virus na ito, ngunit naging malala ang nangyari.
Naalala ko pa noon, napanood ko sa TV ang balitang nakahanap sila ng lunas na makakabalik sa mga taong naimpeksyon sa normal.
Alam kong marami ang natuwa sa balitang iyon, isa na ako. Ngunit sabi ni Papa na hindi daw totoo ang nasa balita.
Isa si Mama sa mga doktor na nag-aral ng maaring maging lunas sa virus. Ang nahanap nila na lunas ay ang naging dahilan kung bakit nahawa si Mama ng virus.
Dali-dali kaming ipinalabas ni papa mula sa aming bahay at ipinasok sa kotse.
Nasaksihan ko rin kung paano nag-ibang anyo si mama, epekto ng virus na galing sa chemical na naimbento nila. Nag-ibang ang kulay ni Mama, naging berde siya at sinimulang kalmutin ang sarili niyang katawan. Unti-unting nabulok ang katawan ni Mama.
Hindi namin mapigilang umiyak ni Mike sa nakita namin. Alam kong nakilabotan din ang kapatid ko gaya ng pagkatakot ng buo kong katawan.
Mas lalo akong umiyak nang papalapit si Mama sa amin, suot pa niya ang labgown na puno ng dugo. Buti na lang at dumating si Papa at umandar na ang kotse.
Iniwan namin si mama doon. Lumipat kami sa karatig bayan. Mula noon hindi na namin nakita si Mama ulit.
Tuwing pipikit ako, hinihiling ko na sana pagdilat ko magbalik ang lahat at masamang panaginip lang ang nangyayaring ito.
Ngunit bawat pagdilat ko mas lalo akong nasasaktan dahil totoo ang sitwasyon ko ngayon.
Sa apat na buwan, masasabi kong ng-iba na ang mundo. Naging mapanganib ito. Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang naging dahilan ng mga pangyayaring ito.
Biglaan ang pangyayari, at walang sino man ang naging handa sa mga maaaring mangyari sa amin.
Ang mahihina ay patay na, at patuloy na nabubuhay ang mga malalakas.
Simula nang nawala si Mama, tinuruan kami ni Papang lumaban. Sa edad na labing-anim, natuto akong humawak ng baril. May sarili kaming kutsilyo ni Mike na palagi naming dala-dala. Tinuruan ako ni Papang magiging anino, makisama sa hangin at maging tahimik. Si Mike, labing-isang gulang, ay kabaliktaran ko. Siya ay matatakotin, natataranta at minsan ay padalus-dalos. Dahil sa mga katangian niya, maraming bisis na niyang nailagay ang sarili sa panganib. Kaya sabi ni Papa dapat palagi kaming magkasama ni Mike para maprotektahan ko siya.
Ang kalaban namin ay mga nilalang na walang ibang iniisip kundi maghanap ng pagkain. Ang habulin kami dahil kami ang kanilang pagkain.
Sabi ni papa na ang takot ang magbibigay sa amin ng pag-asa. Sa bawat takot na nadarama mo, nanaisin mong lumaban para mabuhay.
Hindi ninais ni Mama na magkaganuon siya, gusto niyang makatulong sa masamang sitwasyong hinaharap namin.
Ang gustong ipaabut palagi sa amin ni Papa ay dapat mabuhay kami dahil iyon ang gusto ni Mama.
Totoo ang sabi ni Papa, hindi ginusto ni Mama na maging ganito.
Naalala ko pa noong gabi bago nahawaan si Mama ng virus, nagkausap pa kami.
"Gagawin ko ang lahat para makahanap ng lunas" malumanay na sabi niya.
Napangiti ako, niyakap ko siya.
Nakita ko sa maganda niyang mga mata ang pag-asa. Hinalikan niya ako sa noo.
"Mira, huwag kayong mawawala ni Mike sa buhay namin ng Papa mo."
"Oo, mama."
At nginitian ko uli si Mama.
Iyon ang huling pag-uusap namin ni Mama.
Magdadalawang linggo na mula nang kumalat ang virus at tuloy parin ang pagpasok ko sa paaralan.
Pinagpatuloy ng pamahalaan ang pag-aaral ng mga estudyante dahil para sa kanila nakasalalay sa amin ang magiging lunas ng virus. Kung mapagpapatuloy namin ang pag-aaral may posibilidad na matuklasan namin ang magiging tamang lunas ng virus. Naging kulungan naming mga estudyante ang paaralan. Matataas ang pader na pinalilibutan ng mga pulis. Tuwing pumapasok kami at umuuwi may kasama kaming pulis upang maisiguro ang aming kaligtasan.
Nakakainis nga dahil wala silang pakialam sa kaligtasan ng mga magulang ng mga estudyante dahil para sa kanila kami lang ang makakatulong sa krisis na nangyayari.
Dahil sa prinsipyong pinapalaganap ng pamahalaan, mas lalong lumala ang sitwasyon.
Pagkaraan ng isang buwan, mas dumami ang bilang ng naimpeksyonan ng virus. Naging tanga ang gobyerno, sa amin inaasa ang maaring maging lunas ng virus. Masyadong stupido ang pamahalaan, kung bakit hindi nalang pinag-aralan ng mga kasalukuyang scientists ang magiging lunas, bakit pa iaasa sa amin. Kailan ba sila kikilos. Ngunit huli na ang lahat.
Dahil sa pagkakamaling ito, kalahati ng mamayan sa a
Asya ay naimpeksyon na rin ng virus.
Masakit man isipin, ngunit mas lalong napahamak ang mamamayan dahil sa desisyon ng pamahalaan.
WALA ITONG LUNAS.
Iyan ang katotohanan.
Ang kailangan mo ay lumaban upang mabuhay at hindi ang umasa sa iba. Kung maswerte ka maliligtas ka, kung malakas ka mabubuhay ka.
Kung makakakita ka ng "zombie"
Tumakbo ka at ipanatag mo ang iyong loob. Kung makaharap mo sila, lumaban ka. Huwag mong hayaan na makalamang sila.
Sa ngayon, dapat kaming lumaban. Lumalaban ako dahil gusto ni Mama na mabuhay ako. Para kay Papa at Mike lalaban ako.