CHAPTER I
"El, I know you're strong. Kahit anong mangyari I want you to stay brave di man madali para sa iyo ang lahat but all you need to do is to be strong." Tulala ako habang ang direksyon lamang ng aking paningin ay nakatuon sa kabaong na sa aking harapan.
"El kanina ka pa pala walang kain. Kanina ka pa nakabantay dito. Hayaan mo muna kami nila Brian ang maghandle dito." Tinignan ko si Mia na sa likod niya si Mia at Brian. Walang emosyon ko silang tinignan. Ilang araw nila akong sinamahan at walang araw silang pinalagpas para damayan ako nanatili silang nasa tabi ko. Pinapakita lang nilang nakangiti sila para di ako maging kaawa-awa sa paningin nila. Hindi ko na napigilan ang pagtula ng luha ko. Umupo si Mia sa harapan ko para mayakap ako habang humihikbi sa kanyang balikat habang niyayakap din ako ni Lia at Brian sa aking gilid.
"Ang hirap. Sobrang hirap" Halos di ko mailabas ang mga salitang 'yun dahil sa paghikbi ko. Alam kong maraming tao ang makakapansin sa pag iyak ko dito pero hindi ko na kayang pigilan pa kailangan kong maibuhos ang mga luhang ito.
"Alam naming nahihirapan ka pero wag mo din sanang pahirapan ang sarili mo. Wala sa atin ang may gusto sa nangyari, El." At mas lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni Mia. Sila ang mga tunay kong kaibigan nandiyan sila sa mga panahong masaya ako at kailangan ng karamay.
"Damn that accident! Bakit hindi na lang ako 'yung namatay? Bakit kailangang dalawang magulang ko pa ang mabawian ng buhay? Bakit?" Hindi ko na muli ako nakapagsalita at iniyak na lamang. Patuloy parin sila sa pagtatahan sa akin. Unti unti akong kumalma at kumalas sa yakap ni Mia. "Maraming salamat sa inyo kung wala kayo dito hindi ko na siguro alam ang gagawin ko." Pilit akong ngumiti sa gitna ng pagdadalamhati ko. Ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko. Ito na siguro ang resulta ng pag iyak ko madamag.
"We are friends, El. Anytime or anywhere if you need our help we are just one call away, okay? Don't hesitate." Ani ni Brian.
"El, cheer up. Malalagpasan mo din ito." Napangiti ako sa sinabi ni Lia. Lahat naman sila ay parang nagulat at nagkatuwaan pa. "Yes! You are smiling now" biro pa ni Lia.
"Basta salamat talaga sa inyo" sabi ko ulit at tinapunan sila ng ngiti isa isa.
"Oo na basta kumain ka muna kanina ka pa hindi kumakain kasi di ka din naman makausap." Tinataboy nila ako papalayo para piliting kumain. Hindi na ako umangal pa.
Ngayon ko lang napansin na madami palang tao karamihan ay mga business partner nila Mommy at Daddy at ang mga iba naman ay mga kaibigan nila habang ang iba ay di ko na masyadong kilala. Ngayon ko mas napatunayan na tunay na mabait ang mga magulang ko sa sobrang dami nila kaibigan.
Naging maayos ang huling araw ng burol nila Mom at Dad. Dumating na ang araw, ang burol. Ito na ang huling araw na muling makikita ko sila at 'yung kaisipang 'yun ang sumasaksak sa puso ko.
May ilan sa mga kaibigan niya ang nagbigay ng speech na dumudurog sa puso ko ngayon. Mas pinatunayan nilang ang mga magulang ko napakabait na tao. Hanggang sa akin na ibinigay ang mikropono. Tumayo ako at pumunta sa harapan.
"Si Mom at Dad sila yung pinakamabait na taong nakilala ko" panimula ko sa aking speech. Ang iba ay nagsisimula ng maluha habang ay iba naman ay nanatiling tahimik at nakikinig. "They are into business pero di sila nagkulang sa pagmamahal at pag aaruga nila sa akin. Wala silang ibang ginawa kundi ang ibigay ang mga bagay na gusto ko pero..." Nahinto ako at huminga ng malalim. "Isang hiling ko lang 'yung di nila pinagbigyan at 'yun ang tumagal pa sila dito." Bumagsak ang mga luha ko. Ang mga tao ay nagsisiiyakan na din.
"Mom. Dad" Tinignan ko muli ang kabaong nila. "No words can't express how much I love you both. Thank you for all your sacrifices to me. Thank you because you are my parents. Thank you for loving me. Thank you for teaching me how to be brave. Now that you are gone I will promise you I will always be brave. I love you both." Doon natapos ang speech ko dahil hindi ko na kayang ipagpatuloy pa dahil sumisikip na ang dibdib ko sa pag pigil ng iyak. Pinagpatuloy ng pari ang pag mimisa sa libing hanggang sa ibaba na ang kabaong ni Mommy at Daddy.
BINABASA MO ANG
Stay With Me, David( On-Going )
Teen FictionHindi man tayo ang itinadhana, nagkatagpo naman tayo.