Ako si Samantha, lumaki ako sa Manila, pero ngayon lumipat na kami dito sa Cavite simula nung naghiwalay yung parents ko. Yung Mama ko, hindi ko na alam nangyayari sakanya sa ibang bansa, wala ng paramdam, mukha naman siyang masaya sa posts niya sa facebook. Napunta nga lang ako dito sa Tatay ko, sa mga kapatid kong walang alam kundi ang saktan ako. Buti nalang meron isang taong nagmamahal saakin...
"Ate, okay ka lang ba?" Tanong ng kapatid kong si Pat.
"Oo naman. Ano ka ba, pasa lang naman to. Hindi masakit." Sabi ko sakanya habang may luha yung mata ko ng nakangiti.
"Kukuha kita ng yelo para bukas magaling na yan, para pag nakita ka ni Kuya mahal, maganda ka pa rin ate." Napangiti ako sa sinabi niya. 5 years old palang tong kapatid ko pero napakabait. Sana hindi siya lumaki agad.
*kinabukasan*
"Anong nangyari sa mukha mo? Sino gumawa niyan?!" Eto yung bungad sakin ni Mahal. Hindi ako makaimik sakanya. Umiiyak lang ako.
"Sumagot ka nga. Sorry nasigawan kita, sumagot ka mahal ko. Sino may gawa niyan?" Hinawakan niya yung baba ko para mas makita niya yung pasa, nandito kami sa school, canteen. Ang daming nakatingin samin. Halos lahat, babae.
"Si Papa." Tugon ko.
"Ba-bakit? Dahil nanaman ba sakin?" Tanong niya. Napatingin ako sakanya kasi nag-iba tono ng boses niya. Parang may pagsisisi.
"Nako. Mahal hindi. Nasunog kasi yung sinaing, alam mo naman yun napaka mainitin ng ulo." Sagot ko.
"Tara, iuuwi na kita sainyo." Sabay niyang tayo at kinuha niya yung bag ko.
Hindi na ako umimik tutal lagi naman niya akong hinahatid saamin. Walang umaaway sakin kapag kasama ko siya, ang bait nila papa sa harap niya, pero pag wala siya, bugbog sarado ako. Ayaw nila sakanya, masyado raw kasi siyang palaaway at napakatapang, itsurang hindi katiwa-tiwala. Pero hindi nila siya kilala.
Siya yung tipong lalaking lagi akong pinagtatanggol kahit kanino, hindi niya ko pinapabayaan, lagi siyang nasa tabi ko. Hatid, sundo. Aawayin niya sinomang lalaking tumitig sakin, mambastos o kahit anong hindi kanais nais sa mata niya. Lagi niya akong hinahatid. Pero sa bawat pag hatid niya, bugbog ang abot ko sa Tatay ko. Hindi ko lang sinasabi sakanya dahil ayokong mawala siya.
Hanggang isang araw...
"Nasan kaya siya? Hindi ko pa siya nakikita." Sabi ko sa sarili ko. Wala akong kaibigan, siya lang ang meron ako. Mahal? Nasaan ka? Pauwi na ako. Hindi mo ba ako ihahatid?
Natatakot akong umuwi mag-isa. Mahal. Nasan ka?
Malayo palang ako, natatanaw ko na yung laging nakaabang pag umuuwi ako. Si Agatha, Sandra, at Lora. Nakatingin lahat sila ng masama ng malapit na ako sakanila. Yumuko ako at tatakbo na sana ngunit bigla akong hinila ni Lora.
"Wala kang Armor ngayon Bitch! Layuan mo siya! Amin lang siya!" -lora.
"Hahahaha kawawang pussy! Wala si Daddy! Layuan mo siya kung gusto mo pang mabuhay bukas." -Agatha.
Pinagsasabunutan nila ako. Sipa, sampal, at binuhusan pa ng napakalamig na tubig. Iyak na ako ng iyak. Mahal? Nasaan ka? Bakit wala ka ngayon?
Hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko ng makauwi. Alas dyis na ng gabi.
Parang... may sumusunod sakin.
Binilisan ko ang lakad ko.
Takbo.
Hanggang sa..
*insert tears*
Tama na.
Pagod na yung katawan ko.
Wala akong magawa kundi umiyak.
Ambababoy niyo...
"Ang sarap mo pala! Di ko akalain na virgin ka pa. Hahahaha diba tol? Ang sarap neto ni Samantha kaya siguro sobrang mahal ni kumag to e. Hahahaha."
Mahal? Nasan ka?
Nawalan ako ng malay.
Pag gising ko...
May lalaking umiiyak sa harap ko.
"Mahal ko, patawarin mo ko. Wala ako sa tabi mo. At hindi ko pa ulit magagawa yun, sumigaw ka kapag kailangan mo ng tulong para may tutulong sayo. Igaganti kita. Gagantihan ko sila. ." Buhat buhat niya ko, pauuwi saamin. Hawak hawak ko kamay niya. Ayoko siyang umalis, hinalikan niya ako sa noo at pagkarating saamin, iniabot niya ako sa tatay ko sabay alis.
Nalaman ng tatay ko lahat ng nangyari. Nakulong yung mga nang rape sakin, dahil sila mismo yung pumunta sa bahay at sumuko. Hindi ko alam kung bakit. Pero nagpapasalamat akong sumuko sila.
Ilang taon na rin yung nakakalipas. Wala. Hindi ko na siya nakita. Tinigilan na rin ako ng tatay ko sa pambugbog simula nung hindi na niya ako hinahatid. Ilang buwan din akong walang kain nung nawala siya sa buhay ko, minsan iniisip kong sana mapahamak nalang ako.
Pauwi na ako ngayon galing trabaho. Naaalala ko parin siya. Nasan ka na kaya Mahal? Hindi ka na ba babalik?
Merong grupo ng lalaki ang lumapit sakin.
Natakot ako agad, at sumigaw ng...
"MAHAAAAAAAAL!" Biglang...
Bigla siyang dumating. Binubugbog niya yung mga lalaki sa paligid ko. Tumakbo na sila. Siya nalang nakikita ko.
Iyak ako ng iyak. Niyakap ko siya. Sobrang higpit. Namiss ko siya. Sobra. Ang ayos ayos na ng itsura niya. Napaka elegante. Pero napakalakas parin niya.
"Sabi ko sayo, sigaw ka lang e." Sabi niya sabay ngiti.
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
"Mahal? Saan ka ba galing? Ang hirap mong hanapin, kontakin, hindi ko alam saan ka makikita. Mahal bakit ngayon ka lang dumating? Ang hirap nung wala ka, ang hirap pag wala ka. Wag ka na aalis ha. Mahal na mahal kita."
THE END.

BINABASA MO ANG
My Armor.
RomansaHe is every girls dream. He was my knight in shinning shimmering armor. You know what is the bad thing? he WAS.