Sumasakit na ang ulo ko sa kaka-kinig nitong foot spa-ng mukha ng terror teacher namin sa Filipino. Inulit ulit ba naman ang mga kamalian niya. Eh ,kung ipaliwanag niya ng maayos eh, maayos din ang kultura!
Haaisst...
Sa gitna ng aking pagmumuni "Young Bachoy!" sigaw ni Mr. Hocuco.
Tamad ko siyang tiningala. Yung batok niya ay napapalibutan ng muntik ng naglalabasang mga ugat. Napuno ng tawanan ang buong classroom. Yumuko ako at tiningala ko ang mukhang paa naming guro.
"Young sir. Yvonne Young ang pangalan ko. Pakiulit ho ng sabi kasi wala akong natandaang may kaklase akong Young Bachoy" sagot ko sa aming gurong nanlilisik na ang mga mata.
"Aba't sumasagot ka ah!" sigaw niya sa akin. "Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo,Young? Nakilalang mayaman at mabait sa lalawigang ito pero ang mga anak ay walang kwenta!"
Oo,alam ko. Wala akong kwenta. Pero wala siyang karapatan na sabihan ang mga magulang ko ng ganyan sa kabila ng aming pagkawalang kwentang anak.
Shiiizzzzz. The Fuzzzzx!
Pigilan nyo akoooooo!
Tumayo ako dahil hindi ko na napigilan ang temperaturang umiinit lalo sa aking kaloob-looban.
"Wal-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang binato ako ng eraser na punong puno ng pulbo ng chalk.
Napuno ng tawanan ang room habang nangingilid na ang luha sa gilid ng aking mga mata.
Agad kong pinulot ang bag ko at dali daling lumabas patungong cr.
Pinagpagan ko ang aking mukhang punong puno ng pulbo ng chalk.Ganito palagi ang nangyayari sa akin araw araw. Palaging may ayaw. At lahat umaayaw. Palaging na bully at palaging tinatakot. Well I can't blame them though. Sa mukha ko ba namang ito.
Naghilamos ako ng mukha at inayos ang magulo ko nang buhok. Pero naalala ko na naman ang mga ginawa nila sa akin. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata.
Halos dudugo na ang aking labi sa kakagat nito upang mapigilan ang paghikbi.
Bigla bigla ay may lumabas sa isang cubicle doon sa cr.