**Chapter Two

7 0 0
                                    

Hindi pa din ako makapaniwala na naging ganto ang pamilya ko.

Ano nga ba ang nangyare?

Tara at balikan natin.

Saan ba ako nagkulang?

Hindi ba sapat ang pagmamahal kong inilaan?

Hindi ko ba nalinis ng mabuti ang banyo?

Masyado bang maraming toyo sa adobo ko?

O?

Dahil lang talaga sa isang remote control?

---

Kahit na labag sa loob ko, bumangon pa din ako para harapin ang bagong umaga.

Ikaw para kanino ka bumabangon?

Ako kasi, para sa mga kahabag-habag kong mga anak.

Pagkababa ko ng hagdan dumiretso agad ako sa kusina para tingnan kung may makakain.

Napuyat kaya ako kagabi, hindi ako makatulog sa gutom..

Si Xiumin kasi, lagi na lang kami inuubusan ng pagkain.

Pero mga walang laman na kaldero at balat ng mga chichiria ang tumambad saakin. Nakita ko namang may nakatayo sa harapan ng refrigerator namin, at hindi nga ako nagkamali.

Ang patay gutom at balahura kong anak na may anaconda sa tyan na si Xiumin. Nilalantakan lahat ng pwedeng makain sa loob ng ref.

Hindi ko na lang sya pinansin, sanayan lang naman jan eh. Pumunta na lang ako sa sala. Ichecheck kung kumpleto pa ang mga anak ko, baka sumunod na sila sa tatay nila eh.

Madudumi at malilinis na damit, magugulong gamit ang dinatnan ko.

Ganto ba talaga sila kaburara pag wala ang tatay nila?

Kelan pa sila naging Young, Wild and Free?!!!!

Tinawag ko na lang si D.O ang nag-iisang anak ko na laging bukas ang mga mata sa lahat ng nagyayare dito sa bahay.

"D.O anak, alam mo----" hindi pa ako tapos sa sasabhin ko, nang magsalita na sya agad.

"SiKaisinundongmgabarkadaniyakaninaSiLaytulogpadinSiBaekatChanyeolnasaM.RoxasnamalengkeSiChenayunakaninapakumakantasaharapngelectricfanSiSehunpinagtritripamsiTaoSiTaonamanhinahayaanyunglumulobonyangsipon." paliwanag ni D.O ng diret-diretso.

"May lakad ka anak?" tanong ko sa kanya.

"Wala po ma, bakit po?" sagot nya.

"Nagmamadali ka yata eh. Di mo pansin?"

Umiling iling lang naman sya.

"Wag ka mag-alala, anak. Maayos din ang lahat." sabi ko nang may pag-alala. Teka, naguluhan ako dun. Kayo din ba? Tuliro lang talaga ako simula kahapon. (=_______=")

Remote Control (EXO FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon