"Pagkatanto"
Habang magkaharap tayo sa lamesang yun.
Nagtatama ang mga mata sa bulong ng mga sandali.
Nabasag ang puso ko ng sabihin mo ang isang pangalan.
Pangalang alam ko pero hindi akin.
Sa paraan ng iyong pagbigkas at ang kislap ng iyong mga matang tumatakas
Napagtanto ko sa pagkakataong iyon, nakapagpasya na ako.
Yun ang huling salita ng puso ko para sayo.
"Tama na, bitaw na."
Saka tinalikuran ka.
All Rights Reserved
SaveAndPublish