"Umasa"

23 0 0
                                    

"Umasa"


Hating gabi ngunit nakatunganga pa rin ako

Nakatitig sa pangalan mo at nagdadalwang-isip kung tama nga ba ang gagawin ko

Sabi ng utak ko,"wag na baliw, hindi ka na gusto nun."

Pero sabi naman ng puso ko, "malay natin diba?"

Kaya ayun si tanga, binisita siya

Bumilis ang kabog ng puso ko ng mabasa ang mga sulat mo

Ni isa walang tungkol sa akin

O meron nga ba pero hindi ko lang alam

Magscroll ka pa nga pababa

Kaya ginawa mo naman

Wala pa rin,

Pababa

Pababa,

Uy, natigilan ka nang matitigan ang mga salitang nasa harapan

"Nakatabi ko si crush ngayon, naging tahimik ako bigla,"

Ayun naman pala

May gusto nang iba 

Tanga, umasa ka pa talaga


All Rights Reserved
SaveAndPublish

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙱𝚒𝚐𝚔𝚊𝚜 𝙽𝚐 𝙿𝚞𝚜𝚘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon