The beginning of Leewon

72 1 1
                                    

Sa first day ng mga klase ako iyong tipo na, wala lang. uupo makikipag usap sa kakausap (kahit may mga close na, well lalo na pag may close na talaga). 2nd year iyon, daming napalitan pero okay lang kasi masaya naman at hindi pa din nahiwalay sa mga kaibigan ko nung 1st year. (teka baka makuwento ko na buong highschool life ko :D)

_______________________________________________________________________________

Sabi nila ang 2nd year ang pinaka masayang year nang high school(nang una wala akong pakialam. haha taray lang?hehe kasi para sa akin nasa saiyo naman iyan kung liligaya ka. motto ka nga nun eh, kahit ang pinaka boring na bagay kung titingnan mo sa isang magandang anggulo ay sasaya) first day ng 2nd year h.s, kausap mga close and all pero parang wala lang. hindi pa feel ang klase (oo nga pala, sa taong to din halos lahat ng teacher namin ay nag walk out nang dahil sa amin, iyong hindi nag walk out pinalayas kami sa room hehe pati adviser. sa sobrang gulo at ingay daw namin. pero love na love naman kami).

Kabilang kami sa special science class, we were lucky enough to be a part of a section which is filled with the best students in the whole Urdaneta City, pangasinan(ang kokontra may batok) well actually kami ang last section sa tatlong section pero okay na iyon! huli man at magaling naihahabol din. tsaka wala iyan sa rank, nasa performance iyan! iyan ang sinasabi namin madalas.(hindi ko na mabanggit si Leewon eh noh? kinabahan ako bigla baka mabasa niya ito at sabagay sa tingin ko naman alam na niya nun, ano pa bang mababago nun?xD)

What: first time na nag exist siya sa mundo ko

When:july 27 (di bale na year baka mahulaan pa taon ko hehe)

Where: CB Mall(mall of choices DAW, pero wala namang choices!)

How: sakay ako ng escalator pataas tapos siya nasa taas sa hagdan kalaro kapatid niya nagtatakbuhan sila.

Our eyes met and then.. boom.. pero hindi agad ako na fall sakaniya. not even a crush pero alam ko, na feel ko na may magiging part siya nang buhay ko. and he did, he played one of the most important role in my high school life, my kilig giver(nagpapakilig). tapos dahil magkalapit ang apelyido ko sa apelyido niya madalas nagiging mag ka group kami. iyon ang naging kasunod.

naging leader namin siya sa math pero madalas na ako ang gumagawa ng work niya kasi hindi siya ganun kasipag

(ako sipagsipagan para di siya mapagalitan wahaha) mag ka table, magkausap...

nang malaman ko na aalis ang crush ko, siya ang naging hingahan ko. siya ang kakulitan ko sa text. alam mo iyon simpleng bagay lang ang kulit kasi niya. hindi naman siya guwapo, he's just charming and mabait and sweet and adorable... yeah so adorable lalo na pagngumiti may dimples kasi!

tapos i can remember siya ang unang lalaki na nag compliment ng cute sa buong parte ng mukha ko! as in inisa isa, hindi pa sinabi na cute ako hehe and he likes my smell pag nakatabi siya sa akin, (no cologne or perfume used yan!).

teka nasabi ko na ba na naging sila ng kaibigan ko? oo, pero hindi siya sineryoso ng friend ko.. nakonsensya pa ako.

sabi ko pa sa kaibigan ko "huwag mo siyang sasaktan, kung hindi..."(gusto ko na siya nang time na un :'()

teka mamaya na yang sad story.. nakakatawa muna.. iyong text niya na "eh di makipagtanan ka" iyon iyong pinaka hindi ko makakalimutan na text niya sa akin (ung time na lilipat ng lugar ung crush kong isa, oo madami akong crush xD manhater aq sa lagay na un haha)

tapos isa pang di ko makakalimuta iyong..

"bakit ngayon ka lang nagtext? miss na kita"

"galit ka ba sa akin?"

hindi makakalimutan na moment.

praktis ng cheering(break na sila ilang months na din pero ako ay may rule, boyfriend or ex ng kaibigan ay bawal magustuhan pero paano iyon before pa maging bf gusto mo na?)

isang araw nakaupo sa bleacher, magkatbi kami, as usual ginawang patungan ng ulo ang balikat ko. magkatabi lang kami nang ganun tahimik. kakausapin niya iyong iba habang ako tahimik ngalay na (xD)

tapos siya.

"alam mo bagay kayo ni Larbie" gulat naman ako, kasi madalas na maka eye to eye ko iyon pag nakakasalubong lang.

"ako bagay din kayo ni ano"kahit sino nalang.. tapos ako tinesting ang sinuggest ng pinsan ko

"sana ikaw nalang crush ko para di na ko nahihirapan no?"

"oo nga sana ako nalang" sagot naman niya! (tapos nakita pala kami ng pinsan ko xD huli sa akto hehe)

i decided to confess my love for him(love daw eh! xD) november 14 :D

nagmeryenda kami ng sabay hindi sumama mga kaibigan kong nag sulsul na magtapat ako(letse ung araw na un!)

tapos ayun nga. nag lalakad tinanung ko siya.

"gusto mong malaman kung sino ang crush ko?"

"ayoko" sagot niya

ako naman nakayuko binilisan ang paglakad saka tumakbo at sinabing

"ikaw ang crush ko" di daw niya narinig! or wala lang siyang sinabi..

after nun iniwasan ko na siya dahil nahiya ako at hindi ko din alam ang gagawin ko..

tinanong niya ako kung galit ba ako? lumalapit siya umiiwas ako.

until one time nang dalhin ko si barney ko na tumutunog sa school..

i love you

you love me

we are a happy family 

with a GREAT BIG HUG

yes what a big hug. he hugged me! pero itinulak ko siya, nagulat ako eh. my heart raced like nuts at that time. as in.. wew tapos di pa nakita nitong yahnie ko na katabi ko lang nun. after niyang yumakap sumandal siya sa akin, nakadikit hindi umalis. ako di nag sasalita. hanggang sa umalis na siya at hindi na kami kasing close nang dati.. di na din siya madalas mangulit..

Teen Age Diary:Akala ko siya na 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon