Chapter 1

796 16 11
                                    

Mark's POV

Gising nanaman

Tumayo na ako at pinatay ang alarm ko

7:30am na at 9:00 ang pasok ko

One week nalang foundation week na

Pumunta na ako sa cr at naghilamos

Pagkatapos ko nun ay bumaba na ako at naabutan ko si mama na naghahain na ng pagkain namin

"Good morning ma!" sabi ko at hinalikan sya sa pisnge

"Good morning din anak. Kain na tayo. Baka ma late ka sa school mo" sabi ni mama

Nag tatrabaho si mama sa isang mall, sa administration office

Even tho na may company kami mas gusto ni mama na nagttrabaho siya sa iba

Pero kapag kailangan ng pera lapit lang kay lola agad agad meron na

Yung papa ko nasaan?

Wala na

Kinuha na ng may kapal

Namatay siya dahil sa lung cancer sabi ni mama

Limang taon lamang ako noon at only child lang ako

"Anak, mauna kana ha? Liligpit ko pa to! Sige na maligo na" sabi ni mama

Ang swerte ko kay mama

"Sige po, salamat po" sagot ko at dumeretso ng banyo para maligo

****

Andito na ako sa school

Naka black hoodie, jeans at white shoes

"Mark! Mark!" sigaw ni Kim

"Oh? Napano ka Kim?"

"Wala lang. Foundation na kase next week, balak ka ata ilaban ni Miss sa pageant"

"Ha? Asan si miss? Ayoko ng mga ganyan, Kim" tanong ko agad

"Andun siya sa faculty. Tara samahan na kita" sagot naman niya

Habang papunta kami sa faculty hindi ko maiwsan na isipin ang gusto ni miss

Hindi ko forte humarap sa ibang tao

"Ayan na Mark, tawagan mo na si miss" sabi sakin ni Kim

Kumatok na ako sa faculty at lumabas si Dorothy

"Hi Dorothy! Andyan ba si ms. Nolasco?" sabi ko

"Ay wait lang, tatawagin ko lang" sagot niya

Umalis siya upang puntahan si ms. Nolasco

Ilang segundo lamang ay lumabas na si miss

"What brings you here mr. Reyes?" sabi ni miss

"Miss, sabi po ni Kim, balak niyo daw po ako isali sa pageant this coming foundation week?" tumango naman si miss

"Ms. Sorry po ha? Hindi ko po talaga kaya. Maraming beses na po ako gusto isali ng ibang teachers pero ayaw ko po talaga" pagpapaliwanag ko

"Mr. Reyes? Sure ka bang ayaw mo? Baka mag sisi ka?" tanong naman niya agad

Tumango lang ako para malaman niya ang sagot ko

"Osiya kung yan ang gusto mo, sige pag bibigyan kita. Sayang ang gwapo mo pa naman" sabi ni miss

"Opo miss, hindi po ako mag sisisi na hindi ako sasali. Gusto ko lang po ienjoy ang foundation week. Salamat po at pasensya na po" sabi ko

One Last Time Please Where stories live. Discover now