Jade's POV (Ate ni Chandria)
Dinala na namin si Chandria sa hospital
Ewan ko anong nangyayare sakanya
Bigla nalang sya nagsusuka, dumudugo ang ilong, at meron pang high fever
Worst pa dun, ang dami niyang pasa
Ano ba nangyayare!?
Kadating namin sa hospital ay inasikaso na siya ng nurse
Meron isang nurse ang lumapit sakin
Sinasaksakan na siya ng dextrose
"Ka ano ano niyo po ang pasyente?" tanong nung nurse
"Kapatid po" sagot ko
"Ano pong pangalan niya?" sabi naman niya
"Chandria Lopez" mabilis kong sabi
"Meron na po ba siyang doctor?" tanong ng nurse
Mabilis ako umiling
Kaya umalis na muna ang nurse sa harap ko, at may tinawagan
Maya maya ay may dumating na doctor
Chineck up niya si Chandria
"Nagsusuka ba siya?" tanong sakin nung doctor
Tumango lang ako bilang kasagutan
Umabot ng 42° ang lagnat niya
"Nagnonose bleed ba?" tumango din ako
"Napansin ko din na marami siyang pasa, kailangan natin ipa check ang blood niya, kukuhanan na siya ng dugo" sabi ng doctor
"Sige po doc, gawin niyo po ang lahat para lang maligtas ang kapatid ko" sagot ko
Tumango nalang siya at umalis na
Dinala na din sa kwarto si Chandria
Ang nakakalungkot pa ay naka oxygen ito
"James? Jaica? Pwede ba kayong umuwi saglit at kumuha ng gamit sa bahay?" tanong ko
"Sige po ate" sabi naman ni Jaica
Ang laking tulong din ni Jaica
Since grade school kasi sila ni Chandria ay magkakilala na sila
"Ate naman! Can i stay here nalang?" maarte na tanong ni James
"Sige po ate, ako nalang po kukuha ng mga gamit" sabi ni Jaica
"James! Ikaw nalang maiwan diyan! Sasamahan ko na si Jaica! Umayos ka ha" sabi ko
Tumango lang siya at naglaro na
Ang sarap ng tulog ni Chandria
"Be? Chandria? Pagaling ka ha? Hindi ka susukuan ng ate. Kukuha lang kami ng gamit" sabi ko sakanya at hinalikan ang noo niya
"Tara na Jaica" sabi ko kay Jaica
Sumama lang siya
At ng makasakay na kami ng kotse
"Jaica, salamat sa lahat ng tulong mo ha?" sabi ko
"Wala yun ate. Si Chandria pa?" sabi niya
Nginitian ko nalang siya
Nang makadating kami sa bahay
"Chandriaaaa!!! Ate Jadee!!! James!! Jaicaaaa!!!!" sabi ng isang lalaki
YOU ARE READING
One Last Time Please
FanfictionSi Mark ay isang simpleng mag-aaral na sobra umibig, mabait na bata at matulungin na kaklase. Ano nga ba ang dapat niyang gawin kapag nangyare na ang hindi niya inaasahan? Paano nalang kapag bumalik ang dati niyang minahal? Iibig na ba siya sa iba...