Ikalawang Kabanata

43 1 0
                                    



"Sino si Clark Buenavista?" Biglang tanong ko habang nanatiling nakatingin sa aking phone.


Bigla kasing may nag friend request saakin hudyat na meron nag add saakin sa facebook. Di rin ako basta basta nag aacept

"Ayon oh." Turo ng isa kong seatmate na matagal ng nag aaral dito.

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito.
Halos malaglag ang aking panga ng malaman kung sino ito.

" CJ?!" Bulong ko na lamang nasabi.

Napatango nalang ako at clinick ang accept button.
Biglang nag flashback saakin kung sino ito. Nung una hindi ito pamilyar saakin. Ngayon na nakasama ko na sya dito sa school ng ilang weeks.

Isa sya sa mga naging kaklase ko noong grade 1.
Sya din ang nag aaproach saakin sa hagdan na inisnaban ko lang.

Habang nakayuko ako hawak ang phone sa aking harapan. Naputol ang aking pag iisip at realization ng biglang may pigura ng tao ang nakatayo saaking kaharapan.


"Akemi, pwedeng maghiram correction tape?"

Halos malaglag na naman ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat. Ultimo pati ang aking puso ay kumalabog sa tuwa at nerbyos.

Ngumiti ako dito at tumango.
Saglit kong kinuha ang correction tape aking bag.
Iniabot ko iyon sakanya. Ngumiti naman ito saakin.
Nakakainis parang natutunaw ako sa mga ngiti nya!


Habang busy ang lahat sa pagsusulat ng lecture. Napagpasyahan kong tumayo muna sa aking kinauupuan at kunwari'y magtatapon ng basura sa labas dahil di ko kinakaya ang aking nararamdaman.


Bakit ka ba ganito? Ang daming tanong ang dumaloy sa aking isipan.

Pero sa aking pagtayo bigla naman nahulog ni CJ ang kanyang notebook.

Pinulot ko ito para maiabot sakanya ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.

Nang makatayo nako at nilahad ang notebook sakanya.

Hindi nya ito kinuha bagkus dumapo ang kanyang dalawang kamay sa aking pisngi.

Pinagtitinginan kami ng aming mga kaklase. Nakakahiya!


Di ko na kaya to! Bakit ka ba ganyan CJ!

Paniguradong kasingkulay ng kamatis ang aking pisngi ngayon.


Di ko din inasahan ang sumunod na pangyayari.


Marahan na pinisil nito ang aking magkabilang pisngi at ang sumunod na sinabi nito ang mas lalo pang nakapangatog sa aking tuhod.
"Ang cute cute mo!"
Parang naging jelly-ace na ang aking mga paa.

Mabuti nalamang nakayanan ko pa din tumayo. Kahit na ang bigat na ng bawat paghinga at dinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang lapit ng kanyang mukha saakin.


Ang masasabi ko nalang...
Panginoon, maari nyo na po akong kunin sa mga oras na ito.

ShanawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon