Ikalimang Kabanata

18 1 0
                                    

"Akemi, pwede ka bang makausap?"
Pambungad na sabi nya.

Tumabi ako kinauupuan nya. May distansya padin naman saamin.

Umalis na ang mga kaibigan ko at kami lang ni CJ ang nasa hardin.

Tahimik at napaka payapa ng paligid.
Walang padin umiimik.
Ramdam ko na naman ang malakas na kalabog ng puso. Parang gusto na ngang lumabas.

"Ano yon?" Kabado ako pero minabuti kong nasa kaswal padin ang aking tono.






"Akemi, pwede ba kitang ligawan?"


Parang ilang segundo tumigil ang mundo ko. Oras at ang lahat ng nasa paligid ko.


Di ko alam kung panaginip ito. Sana hindi na ko magising sa magandang panaginip  na ito.


Dahil ang dinalangin ko sa Poong Maykapal ay nasa harapan ko at humihingi ng permiso para ako'y mahalin, alagaan at mas makilala pa.

"Akemi?"


Natigil ako sa aking pag iisip ng tawagin ako ni CJ.

Napalingon ako sakanya.


"Kailan pa?"  Tanong ko dito.


"Anong kailan pa?" Balik tanong nya sakin.



"Kailan pa ako naging isang liwanag saiyong paningin?"



"Sa tagal kitang nakasama ng ilang buwan. Hindi ko alam kung bakit o kailan ka naging mahalaga saakin. Pero ang alam ko sa dinami daming babaeng hinangaan ko. Ikaw at ikaw pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Nagkrus ang mga landas natin ulit. Ilang taon ang lumipas. Tayo ay nagkita muli. Sana masuklian ang pag ibig na aking inaalay para sayo lamang. Ang tanga ko na naghanap pa ako ng iba. Ikaw at ikaw lang pala ang babaeng magpapatibok ng puso ko ng husto. Kaya sana bigyan mo ko ng pagkakataon na mas makilala pa natin ang isa't isa at magkasama sa hirap at ginhawa."


Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.


Sa wakas Panginoon, ako'y napansin nya. Ako'y nakita nya bilang ako. Bilang simpleng babae na handang mahalin sya ng buong puso. Ang babaeng tatangpin sya ng buo at kung ano sya.

"Clark." 

Napaiyak na ko sa tuwa.

Pinahid ko sa aking palad ang mga luhang tuluyang umagos sa aking magkabilang pisngi.

"Akemi? Maari ba?"
Tanong nito ulit sakin.

Magkaharap kami sa inuupuan namin.



"Oo. Clark pumapayag ako na ipakita mo na ikaw ay karapat-dapat sa pagmamahal ko sayo."




"YES!" 



Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa pagsigaw nya may galak.




Nakita ko sakanya ang ngiting kay lawak at isang ngiting nagbigay pag-asa saaming dalawa.


Sa sobrang saya nito, hindi nya mapigilan na ako'y inaangat sa ere at inikot.


Pinunas nya sa likod ng kanyang palad ang luhang patuloy padin sa pag daloy sa aking pisngi.


"Salamat Akemi." At naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking noo.

ShanawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon