Allen's povNandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Sophia hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon parang may hindi magandang mangyayare.
*diiing dooong**diiing dooong*
Lumabas naman ang kasambahay nila Soph.
"Oh!Ser Allen ano hong ginagawa niyo dito?"
"Manang Nasaan po si Sophia? May sasabihin po kasi ako sakanya."
"Naku! Ser wala ho sila deto nasa hospital ho sila. Hendi ho ba senabi ni Ma'am Elizabeth sainyo."
"Hindi po manang ei"
"Naku ser! Baleta ko ho may malubha daw hong saket si Ms. Sophia kaya nandun sil--"
"Cge po manang aalis na po ako! Salamat po!"at nagmadali na akong pumunta sa ospital kung saan ko nakita si tita
******
"Ms! Saan po yung room ni Sophia Ann Montefalcon"
"Room 143 po sir"
"Thank you!" at nagmadali na akong pumunta sa 2nd floor kung saan ang kwarto ni Soph bawat hakbang ko parang may semento na bumabara sa paghinga ko
Eto malapit na ako sa kwarto ni Sophia 140... 142.... bakit madaming tao? Bakit parang nagkakagulo sa loob? Nurse? Doctor? Ano ginagawa nila sa loob? Nakita ko naman si tito na pinipigilan ang pag iyak habang pabalik balik ang lakad sa tapat ng kwarto at si tita naman na nakaupo lang habang umiiyak
"Tito...tita..."
"Allen...sorry... sorry allen hindi namin nasabi saiyo ayaw niyang malaman mo! Allen! Kailangan ka niya ngayon Allen!"
"Tita hindi ko po maintindihan."malungkot naman siyang napatingin sa pintuan ng kwarto kaya napalimgon na din ako kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paano nila irevived ang babaeng pinakamamahal ko
"Hindi! Hindi yan si Sophia! Hindi siya yan!"pinipilit kong ilagay sa isip ko na hindi siya yan pero fuck!
"Allen! Umayos ka nga! Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon ngayon! Pinapalala mo lang!!"pagpapatigil saakin ni tito
Sakto naman dahil biglang lumabas ang doctor mula sa kwarto ni Sophia
"Maayos na po ang lagay ni Ms. Montefalcon maari niyo na po siyang puntahan"
"Salamat po dok."
Pagpasok ko palang parang hindi ko na nakilala ang babaeng nakahiga sa kama sobrang putla... sobrang payat hindi... hindi yan si sophia ko please kung panaginip ito sana!sana gisingin nyo ako. Ayoko nang ganito 4 na buwan lang ako nawala tapos ganito ang nangyare sakanya pleaaaseee gisingin niyo na ako ayaw ko ng ganitong bangungot! Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko! Damn! Wala akong ibang magawa kundi hawakan ang kamay niya habang paulit ulit na nagsasabi ng sorry kasalanan ko to! Kung sana hindi ako nagpaloko sana maaalagaan ko siya!
"Allen hijo kumain ka na muna.. tanghali na panigurado kung gising na yan si sophia pagagalitan ka niya kasi nagpapalipas ka ng gutom"
"Cge lang po tita. Mas gugustohin ko naman po na pagalitan ako ni soph keysa makita ko siyang nakahiga dito sa hospital at naghihirap"napaiyak na ako habang nagsasalita kay tita hindi ko talaga kaya na ganito ang itsura niya sorry mahal sorry!
Hanggang sa nakita na namin na gumalaw ang mga daliri ni soph. Kaya ganun na lang ang sayang naramdaman namin at tila nabunutan kami ng tinik sa dibdib ng imulat na niya ang kanyang mga mata
"A-al-allen"pilit niyang pagsasalita dahil bakas sakanya na nahihirapan siyang magsalita
"Shhhh... wag ka nang magsalita mahal ko. Kung hindi mo pa kaya wag mong pilitin. Baka mabinat ka pa" nakita ko naman siyang napangiti at masaya na ako dun atleast napangiti ko siya
"S-sa-sal-salamat Allen"
"Ano gusto mo? Gusto mo ba ipagbalat kita ng mansanas, o ponkan alin mamili ka"
Elizabeth's pov
Nakakatuwang makita ang anak ko na masaya ulit at kahit nahihirapan siyang magsalita ay pinipilit niya ,para makausap ang kanyang minamahal. Kahit na alam namin na panandalian nalang ang buhay niya bu-bukas ang ika limang buwan niya at... at hanggang ngayon ay wala paring nagbabago sa kanyang sakit mas lalo lang ito lumalala kaya nung nakita namin si allen na papunta dito at tinanong kung asan si Sophia hindi na ako nagdalawang isip at sabihin sakanya ang totoo .na isa sa mga araw na ito ay baka kunin na saamin si Sophia... pero ang sabi niya hindi mangyayare iyon dahil malakas si Sophia pero ang hindi niya alam maaring mamayang gabi o bukas wala na siya. Masakit saamin bilang isang magulang na mauuna ang anak namin na mawala kahit kami ay hindi namin gusto na mangyare ito pero kapag naiisip namin yung sakit na nararamdaman niya sa tuwing sumasakit ang ulo niya kung paano siya namimilipit sa sakit napagdesisyonan na namin na tanggapin nalang ng buong buo ang mangyayare kay sophia para matapos na ang paghihirap niya at kahit masakit sa parte namin tatanggapin ko atleast alam ko na kahit sa huling minuto ng buhay niya naramdaman ulit niya ang pagmamahal na nagmumula sa lalaking pinakamamahal niya
Allen's pov
Heto ako ngayon nakikipagusap kay Sophia nasabi ko nadin sakaniya yung ginawang panloloko saakin ni Alex nung una medyo nagalit din siya pero habang tumatagal nawala din naman
"Allen..pag nawala ako... wag kang iiyak ahh..."
"Soph naman wag ka nga magsabi ng ganyan hindi ka mawawala okay? Lalaban ka. Lalaban tayong magkasama"
"Pero... mangako ka allen"
"Cge na nga.. pangako hindi ako iiyak"pero ngayon palang naiiyak na ako bakit ganito nararamdaman ko parang nagpapaalam na siya
"Maghanap ka ng babeng hindi ka iiwan Allen. Maghanap ka ng babaeng makakasama mo habang buhay"
"Ano ka ba naman Soph syempre ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko... I love you" Sophia ko"
"I love you din... umuwi kana allen gabi na ohh bukas nalang ulit"
"Cge babalik nalang ako bukas. Goodnight mahal ko!"
Bakit ganito yung nararamdaman ko. Bakit ayaw ko pang umalis gusto ko pa siyang kasama. Parang may mangyayare pag umalis na ako. Pero.... haysss! Babalik nalang ulit ako bukas dito ng mas maaga
°°°°°°°°°°°•••••••••••••°°°°°°°°°°°°°••••••••••••○○♤●●
BINABASA MO ANG
'Til Death
Short StoryLahat tayo ayaw mamatay. Pero paano kung tadhana na ang nagsabing kailangan mo nang mawala Sa mundong minsan mo nang ginalawan....