Kabanata 92 Pangaral, Pangako, Pagpapala sa mga Matuwid at Babala at Kalungkutan para sa mga Makasalanan
1 Ang aklat na isinulat ni Enoch para sa lahat ng aking mga anak na siyang maninirahan sa lupa. At para sa kinabukasang kapanahunan na siyang magmamatyag ng paggawa ng matuwid at kapayapaan.
2 Huwag mong hayaang mabahala ang iyong espiritu sa kabilangan ng panahon;
Dahil ang Banal at Isang Mabuti ay nagtalaga ng mga araw sa lahat ng bagay.3 At ang mga matuwid ay babangon sa kanilang pagtulog,
At lalakad sa landas ng mga katuwiran,
At lahat ng kaniyang landas at pakikipag-usap ay magiging pang walanghanggang kabutihan at biyaya.4 Siya ay magiging magiliw sa mga matuwid at bibigyan siya ng walanghanggang pagkatuwid,
At Siya ay magbibigay ng kapangyarihan nang siya ay magkaroon ng kabutihan at katuwiran.
And siya ay lalakad sa walanghanggang liwanag.5 At ang kasalanan ay maglalaho sa kadiliman magpakailanman,
At hindi na makikita mula sa araw na iyon magpakailanpa man.Kabanata 91
1 At ngayon, aking anak Methuselah, papuntahin sa akin ang lahat ng iyong mga kapatid, at magtipon-tipon sa akin lahat ng anak ng iyong ina; dahil ang Salita ay tumawag sa akin, at ang espiritu ay nabuhos sa akin, nang aking ipakita sa inyo ang lahat na babagsak sa inyo magpakailanman.
2 At doon si Methuselah ay nagtungo at ipinatawag sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga kapatid at nagtipon-tipon ang kaniyang mga kamag-anak.
3 At siya ay nagsalita sa lahat ng anak ng gumagawa ng matuwid at sinabi: “Makinig, kayong mga anak ni Enoch, lahat ng salita ng inyong ama, at maririnig nang tama sa tinig ng aking bibig; dahil aking hinihikayat ka at sabihin sa iyo, minamahal:
4 Mahalin ang paggawa ng matuwid at lumakad doon. At huwag lumayo sa paggawa ng matuwid nang may pag-aalinlangan, at huwag sasamahan nang ganoon pag-aalinlangan, ngunit lumakad sa katuwiran, aking mga anak. At ito ay magbibigay ng mabuting landas, at ang katuwiran ay ang iyong makakasama.
5 Dahil alam kong ang kaguluhan ay darami sa lupa, at isang malaking pagkastigo ang magaganap sa lupa, at lahat ng kabuktutan ay tatapusin: Oo, ito ay bubunutin mula sa ugat nito, at lahat ng mga gawa nito ay wawasakin.
6 At ang kabuktutan ay muling tatapusin sa lupa, at lahat ng mga gawa ng kabuktutan at ng kaguluhan at pagtalikod sa tungkulin ay mangingibabaw nang dalawang beses na antas.
7 At kapag ang kasalanan at kabuktutan at kalapastanganan at kaguluhan sa lahat ng uri ng mga gawa ay darami, at pagtalikod sa pananampalataya at sa tungkulin at karumihan ay darami,
Isang matinding pagkastigo ang magmumula sa langit sa lahat ng ito, at ang banal ng Panginoon ay bababa kasama ang poot at pagkastigo na magaganap sa paghuhukom sa lupa.
8 Sa mga panahong iyon ang kaguluhan ay puputulin mula sa mga ugat nito, at ang ugat ng kabuktutan kasama na ang panlilinlang, at sila ay mawawasak mula sa ilalim ng langit.
9 At lahat ng mga hinahangan ng hindi kumikilala sa tunay na Diyos ay maiiwan, at ang mga templo ay masusunog ng apoy, at sila ay aalisin mula sa buong kalupaan, at sila ay itatapon sa paghuhukom ng apoy, at maglalaho sa poot at madalamhating paghuhukom magpakailanman.
10 At ang matuwid ay babangon sa kanilang pagtulog, at ang kaalaman ay babangon at ibibigay sa kanila.
[At pagkatapos niyon ang mga ugat ng kabuktutan ay dapat alisin, at ang mga makasalanan ay dapat na wasakin sa pamamagitan ng tabak . . . dapat na alisin mula sa mga mapangutya sa Diyos sa bawat lugar, at silang nagsasagawa ng kaguluhan at silang nakagawa ng pangutya sa Diyos ay dapat naglaho sa pamamagitan ng tabak.]
BINABASA MO ANG
Book of Enoch (Tagalog Version)
SpiritualAng Aklat na Isa sa mga dapat na nalaman ng mga tao noon pa man upang kanilang malaman kung tama ang kanilang mga ginagawa o nagawa, dahil sa aklat na ito nakasulat ang mga dahilan kung bakit sinabing ang mga susunod na henerasyon ay mas magiging ma...