1

3.2K 10 0
                                    

THIS IS PURELY FICTIONAL.

Names of the characters are just borrowed. Pwede namang kayong mag-imagine ng ibang mukha kung ayaw niyo sa mga casts na ginamit ko dito. Okay?

Happy Reading! xx

----------------------

[HER]

Mag-isa ko dito sa dorm at sobrang bored na ko. Wala kasi yung mga kadorm ko, umuwi sila so mag-isa ko talaga dito sa dorm. Saklap fre.

Dahil wala naman akong load para itext mga kaibigan ko, naisipan kong magbukas na lang ng laptop. Magtwtwitter na lang ako or FB or what.

Habang nagbrbrowse ako sa twitter ko, may nabasa akong tweet na "Hahaha. Laftrip naman itong lalaki sa omegle. Shit. Hahahahaha." tweet siya nung kaibigan ko.

"Omegle? Tagal ko na ring hindi nag-omegle ka. Mabuksan nga." sabi ko sa sarili ko.Naghahanap nga kasi ako ng magagawa diba? 

Binuksan ko ang omegle tapos nagtype ako ng interest. Yun lagi ko paring gamit syempre. Baka mga kaschool ko lang din naman ang mga ito. Hahahaha.

"Chat." Clinick ko ito at boom.

You're now chatting with a complete stranger. Say hi! You both like asddfghjkl.

You: hi

Stranger: hello

Stanger: m or f?

You: f

*Stranger has disconnected*

Ay leche po. New chat ulit. Hahaha. Maglalandi ako ngayon. Ang tagal ko na 

You're now chatting with a complete stranger. Say hi! You both like asddfghjkl.

Stranger: m here.

You: F

Stranger: hello!

You: hi. anong hanap mo dito kuya?

Stranger: kasama kumain. haha. mag-isa ko kasi ngayon eh.

You: haha. ako rin! mag-isa ko rin ngayon.

Stranger: gusto mo puntahan kita ngayon?

You: HAHAHA.

You: weh?

Stranger: oo. tapos kain tayo. usap lang.

You: luhh. stranger kaya ako. malay mo sindikato pala ako noh.

Stranger: naniniwala akong hindi.

Stranger: oh ano? game na? dito lang ako sa may Dilim street.

You: hala. ang lapit mo pala.

You: hahha!

Stranger: oh saan ka ba?

You: dito sa may Liwanag lang. sa kabilang kanto niyo lang.

Stranger: ayos. sa may Maria Dorm Haus ka ba?

You: haha yup.

You: ang galing mo naman. nahulaan mo.

Stranger: wala lang, minsan nadadaanan ko kapag pumupunta akong McDo.

Stranger: oh puntahan na kita ah? 

You: seryoso ka ba?

Stranger: oo naman. bakit hindi?

You: baka masamang tao ka ha? may guard dito. ipapakulong kita, sige ka.

Stranger: haha ang cute mo naman. hindi ako masamang tao. sa gwapo kong toh?

You: haha ang hangin po.

Stranger: baka magulat ka mamaya.

You: baka ikaw ang magulat. SA GANDA KONG ITO? hahaha ;)

Stranger: oh dali na. pupuntahan na kita.

You: eh baka gusto mo lang akong iDC ah. sarap mo pa namang kausap kuya.

Stranger: kanina mo pa ko kinukuya. 20 lang kaya ako.

You: well 19 lang ako. so sorry ka, kuya talaga kita.

Stranger: isang taon lang naman. wag na. Dj na lang itawag mo sakin.

You: haha. ok dj.

Stranger: ikaw ano name mo?

You: sigurado kang hindi ka sindikato ah?

You: pulis tatay ko.

Stranger: hindi nga. ang kulit mo naman.

You: haha naninigurado lang. Kath.

Stranger: Hi Kath! ;)

You: Hi DJ.

Stranger: pupunta na talaga ko jan. hintayin mo ako ha?

You: Okay.

Stranger: kaw na magDC :)

You: haha sige. bye! see you.

Stranger: see you.

*You have disconnected*

Omg! Pupunta kaya talaga yung lalaking yun? Grabe. Ano kaya itchura niya? Gwapo kaya? Huhu. Ano bang kagagahan ang ginawa mo Kath? Pinapahamak mo ata buhay mo eh.

*Intercom ringing*

"Hello?" sagot ko sa intercom.

"Kath, may bisita ka." sagot ni Kuya Guard. HALA. SHIT. Baka si DJ toh? Hala. Anong sasabihin ko. Hala. Sheeeetmax. Anong gagawin ko? Huhuhu.

"Ha? Sino raw po kuya?"

"Anong name mo, iho?" tanong ni Kuya Guard sa bisita ko raw.

"Dj po." rinig kong sagot nung lalaki. HALA. SI DJ NGA. HALA.

"Dj daw."

"Kuya, pakisabi saglit lang. Bababa na ko."

"Okay."

"Thank you po. Bye."

HOLY SHETBOLS! Kath! Anong gagawin mo?! Huhuhu. Sobra na kong nagpapanic right now. Omg. Huhu.

"Okay. Kath. Chill. Breathe in. Breathe out. HUHUHU. Tangina talaga."

Kinuha ko na yung cellphone ko tapos wallet. Pumunta ko sa harap ng salamin at tinignan anong itsura ko. Okay na yan. Shirt at shorts. Inayos ko konti yung buhok ko at humingang malalim. Woo. Kaya ko toh.

Bumama na ko. Pagkababa ko, nakita ko agad si Kuya Guard. Hala, umalis na ba si DJ? Matagal ba ko masyado sa pagbaba?

"Oh Kuya. San na yung bisita ko?" tanong ko kay Kuya.

"Pinaupo ko saglit jan sa lobby."

"Ay sige po. Thank you. Puntahan ko lang."

Pagkatalikod ko. May nakatayo sa likod ko na matangkad na lalaki. Hanggang shoulder lang niya kasi ako kaya di ko makita mukha niya. Nung titignan ko na dapat siya, bigla siyang nagsalita.

"Kath?"

At saktong nakita ko ang mukha nga niya. At literal akong napanganga.

My Omegle Story (Kathniel SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon