Entry Number 3: An Ordinary Affection by Dojayi

866 4 0
                                    

VOTING STARTS: JUNE 1 AND ENDS JUNE 30, 2014

Note: Only sneak peek is available for this story. Tapos na itong na-review ng editor and it will depend on the author kung mag-ko-comply sa edition para ma-publish siya. PLEASE COMMENT of what you think about sa sneak peek so far. VOTE if you think it is worth to be in a book. Thank u!!

=============

Teaser:

Monica is a busy single mother of two children. One of her children got troubled. Despite of this big problem she is facing, all of a sudden, she found herself being in love with her daughter’s Teacher.

Sneak Peek

Hindi pa man tumutunog ang alarm clock ay nauna na akong nagising. Kinuha ko ang phone ko na nasa mesa sa may gilid ng kama ko at ini-off ang 3:00AM alarm. Bumangon ako at lumabas ng aking kwarto. Ini-on ko ang ilaw sa sala at dumiretso sa kusina. Ini-on ko din ang ilaw doon at nagpakulo ng tubig. Habang nasa kalan pa ang boiler ay pumasok ako sa banyo para maligo. Hindi ko na inalintana ang lamig ng tubig at sanay naman ako dahil araw-araw ko na itong ginagawa.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Paglabas ko ng kwarto ay saktong gising na ang bunso kong anak. “Arvin, tingnan mo nga ‘yun kung kumukulo na ba. Pagkatapos ay magsaing ka na din at ‘yung ate mo na lang ang palutuin mo ng ulam,” utos ko sa kanya habang nag-aayos ako sa harap ng salamin dito sa may sala habang siya nama’y naka-upo lang sa sofa at parang inaantok pa. “May isda diyan sa ref at prituhin niyo na lang.”

Pumasok ako sa kusina at kinuha ang dalawang balde na paglalagyan ko ng mga isda. Tumingin ako sa suot kong relo at 4:15 na pala, malapit ng mag-alas 5, kailangan ko ng umalis. Bumalik ako sa sala para kunin ang helmet ko, babalik ulit sana ako sa kusina ng tawagin ako ni Arvin. “Ma~”

“Oh, bakit?” tanong ko at humarap sa kanya.

“Yung project ko.”

“Kailan nga ba ulit ‘yun?”

“Bukas na ‘yung deadline.”

“Sige. Mamayang tanghali, pupunta ako sa paaralan niyo at ikaw na ang bahalang bumili ng project mo. Iyong ate mo, gisingin mo na.”

Dali-dali akong pumasok sa kusina at inilabas ang scooter na sasakyan ko. Itinali ko na ang dalawang balde sa scooter ko, nagsuot ng helmet at bumiyahe na patungo sa porte. Ang lamig lamig ng panahon dahil nagsimula ng umulan-ulan. Medyo mala-late ako ngayon sa porte at siguradong mga low quality na isda ang makukuha ko. Pagdating ko sa porte ay pinuno ko agad ng isda ang dalawa kong balde. Bumili na rin ako ng hipon at seaweed, may naghahanap kasi nito kahapon.

“Aling Monica naman, alam niyo naman pong mahirap din ang buhay ko,” sabi ni Gardo nang tumawad ako sa kanya.

“Lagi naman akong bumibili sa’yo~ sige na,” hirit ko pa sa kanya.

“Lagi nga po kayong bumili sa akin, lagi din kayong tumatawad.”

Napangiti ako kay Gardo at ibinigay ko na lang sa kanyang ang saktong bayad. “Ayan. Sa susunod ha, patatawarin mo na ako ng malaki-laki.”

“Maliit lang,” sabi niya at nagtawanan kaming dalawa.

Tinakpan ko na ang balde at itinali sa scooter ko. Dumiretso na agad ako sa palengke at malapit na palang mag-alas-sais. Malapit na sana ako sa palengke ng makakita ako ng binatang naglalako ng pandesal. May naglalako pa pala ng pandesal ngayon? Huminto ako sandali at agad kong tinawag ang binata. Huminto naman siya at dali-daling lumapit sa akin. Bumili na ako ng pandesal dahil siguradong hindi na naman ako makakain ng almusal ngayon. “Lima lang,” sabi ko sa kanya.

TRE 3rd Anniversary Writing Contest!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon