Entry Number 2: Dead or Alive by Raytch

1.3K 6 5
                                    

VOTING STARTS: JUNE 1 AND ENDS JUNE 30, 2014

Note: Only sneak peek is available for this story. Tapos na itong na-review ng editor and it will depend on the author kung mag-ko-comply sa edition para ma-publish siya. PLEASE COMMENT of what you think about sa sneak peek so far. VOTE if you think it is worth to be in a book. Thank u!!

========

Teaser

Isang kaso ang matagal nang iniimbestigahan ni Atom, isang secret detective. Ang kasong iyon ay ang pagkamatay ng kanyang ama tatlong taon na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lead sa kaso. Ang tanging impormasyong hawak niya ay ang pangalang Black Wind. Ipinangako niya sa kanyang sarili na igaganti niya ang kanyang ama sa taong nagngangalang Black Wind. Makuha niya kayang tuparin ang kanyang pangako sa ama kung makilala na niya ang mukha sa likod ng maskara ni Black Wind?

CHAPTER 1

ISA ISANG yumuyuko ang bawat empleyadong madaanan ni Atom. Ang iba naman ay sinusundan siya ng tingin. Bawat matapatan niya ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. Alam kasi sa buong kumpanya ang pagkaistrikto niya sa lahat ng bagay. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng mga babaeng humahanga sa kanya. He has the darkest eyes at tinging tumatagos hanggang sa pagkatao ng isang nilalang. Siya ang naging tagapagmana ng kanyang ama mula nang mamatay ito tatlong taon na ang nakakaraan. Ang Guidotti Corporation ay naiwan sa kanyang pamamahala buhat noon. Nag-iisa siyang anak at ni minsan ay hindi niya nasilayan ang mukha ng kanyang ina dahil ayon sa ama niya ay namatay ito nang ipinanganak siya. Tanging mga litrato lamang ng ina ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang mukha nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa kanyang opisina na nasa pinakaitaas na palapag ng building. Sinalubong naman siya ng kanyang secretary at magiliw siyang binati. He greeted back. Pagkapasok niya ng kanyang opisina ay nagulat pa siya nang makita si Rex na prenteng nakaupo sa mahabang sofa doon. Nakataas pa ang mga paa nito. Waring hinihintay siya ng binata.

“What brought you here?” tanong niya rito habang isinasampay niya ang kanyang coat.

Tumayo si Rex at iniabot sa kanya ang isang folder. Napakunot naman ang noo niya sa folder na ngayon ay hawak na niya.

“That folder contains all your needed information.” Sabi ni Rex sa kanya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at binuklat ang laman ng folder. Naglalaman ito ng mga impormasyon ng mga taong pinaslang ni Black Wind. Kasama sa mga ito ang kanyang ama.

“It’s been three years since mamatay si Don Rafael.”sabi nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. Si Rex ay kasamahan niya sa trabaho. Maliban sa pagiging CEO ng Guidotti Corporation ay nagtatrabaho rin siya bilang isang detective sa Zero, isang secret agency. Walang sinuman ang nakakaalam ng kanyang pangalawang trabaho maliban kay Rex.

“Pero hanggang ngayon ay hindi pa natin matukoy ang kinaroroonan ni Black Wind o kung sino ba siya sa likod ng maskara.” Patuloy ni Rex.

Isinara niya ang folder na hawak at hinarap ang kaibigan.

“Puro mga matataas na tao sa lipunan ang target ni Black Wind. I won’t stop until I find her.” Seryosong sabi niya kay Rex.

“I don’t care how clean she works and I don’t care about other people who were killed by her. I just want to avenge my father’s death.” Tila mas lalo pang naging itim ang kanyang mga mata dahil sa tindi ng galit niya kay Black Wind.

“Easy bro. Don’t worry, I’ll help you with that.” Tumayo ito at naglakad na papuntang pinto.

“For now, I have to go to Zero. Kailangan ata ako ni boss.” Kumaway ito sa kanya bilang paalam.

Nang makaalis si Rex ay napasandal naman siya sa kanyang upuan. Tila biglang sumakit ang ulo niya dahil sa mga nangyayari. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang isang itim na papel. Nakasulat roon ang mga salitang “Black Wind”. Nakita niya ang papel na ito sa kanilang mansion noon nang umuwi siya. Katabi nito ang kanyang amang naliligo sa sarili nitong dugo. Tinago niya ang papel na ito at ipinangako niya sa kanyang ama na hahanapin niya ang may-ari noon at igaganti ang kanyang ama.

TRE 3rd Anniversary Writing Contest!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon