Yumi's P.O.V
"bruhitaaaaaaaa!" tawag sa akin ni Kyla.
"oh baket? may problema ka nanaman?"
"wala naman. namiss lang kita! haha!"
"tss."
"sungit naman neto. menopause ka dre?"
"sira! eto kasing si Kurt eh! umagang-umaga nangbwi-bwisit nanaman! >3<"
"bakit? ano ginawa nya sayo?"
*flashback*
naglalakad ako papunta sa locker ko nang biglang...
*BLAAAAAAAG!*
"ano ba?! hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" sabi ko.
"sorry miss."
inangat ko yung ulo ko tapos...
"IKAW?"
"ako nga. sorry miss beautiful. sinasadya ko." mapang-asar nyang sabi.
"PAEPAL KA!" tumayo ako "maka-alis na nga dito! bwisit! kainis! grrrrr! >3<"
*end of flashback*
"nabunggo ka lang naman pala eh. bat masyado kang galit?"
"eh kasi naiinis ako sa pagmu-mukha nya! sa tuwing nakikita ko sya, tumataas nalang yung blood pressure
ko!"
"okay...kalma kalma girl. eto naman. ang swerte mo nga eh! ikaw yung inaasar ng heartthrob dito sa buond
school. ikaw nga lang yata kinakausap nya eh."
"psh! pake ko?!"
Ayan, sa sobrang galit ko hindi ko na na-introduce ang sarili ko. Ako nga pala si Yumi. Sayumi Aira Suzaki. Halfjapanese ako. Halata naman diba? Pangalan palang. Isa po akong 3rd year high school student. Broken family kami.
Yung magaling kong tatay kasi eh! Sumakabilang BUHAY este BAHAY. Bread-winner ako ng pamilya. Working
student na rin ako sa edad na 15. Nagtra-trabaho ako sa bakery ng kaibigan ng nanay ko. Kahit pa-paano natutustusan naman ang pang-araw araw na gastusin namin. Isa akong scholar kaya hindi ko na kailangang problemahin
ang expenses para sa tuition. Tapos, sa school na to, isa lang ang pinaka-iinisan ko sa lahat! Si KURT! grrrr!
Nakaka-inis talaga! Simula kasi nang malipat ako sa school na to, naging target range na nya ako. Badtrip talaga!
"tara na nga! baka ma-late pa tayo sa klase eh." sabi ni Kyla.
Sya naman si Kyla. Ang bestfriend ko. Sa lahat ng tao dito, sya lang ang nakilala kong mayaman na mabait at simple
lang. Pang-mayaman kasi ang school na to.
Andito na kami sa room. Nagre-review lang kami kasi may quiz sa science! Badtrip! Pero kailangan ko mag-aral
alang-alang sa scholarship ko.
Okay dumating na si "angry bird"
Yun yung tawag sa kanya ng mga estudyante nya kasi nakakatakot talaga sya. Makuha ka na sa tingin nya, kung