Chapter 6

16 0 0
                                    

Naglakad lakad lang kami kung saan.

   

Hindi ko nga alam kung nasan na kami eh. Sinusundan ko lang sya.

Ang daming babae ang tumitingin sa kanya. Edi sya na gwapo! Ano ba yan. Para namang wala syang kasama. 

"psssssst. asan na ba tayo?"

"nasa earth."

=_________=

   

"tss. uwi na ako."

"okay."

Okay? Okay -________-

"pano ba umuwi?"

"maglakad ka."

  ANO BA YAN! PILOSOPO KASI EH NOH! >3<

 

"seryoso ako! wag mo nga akong inisin!"

"sumunod ka nalang kasi."

Sabi ko nga susunod nalang ako. Edi ayun, lakad kami ng lakad. Medyo nauuna sya. Nandito ako sa likod  nya.

Tapos hanggang sa nadaan na namin yung school.

Tumigil na sya kaya tumigil din ako.

"sige uwi na ako. salamat sa pagkain!" sabi ko tapos umalis na ako.  

LAKAD.

LAKAD.

LAKAD.

Eh?

"bat moko sinusundan?!" sabi ko sakanya.

   

"huh? ikaw? sinusundan ko? hindi noh! kasalanan ko bang parehas tayo ng dinadaanan?"

"psh." naglakad nalang ako ulit. sus, sinusundan nya parin ako. bahala nga sya dyan. hindi ko sya papansinin.

Medyo malapit na ako sa bahay. Natatanaw ko na si nanay, nasa labas. Ano kayang ginagawa nya dun?

"nay! nandito na po ako!" nagmano ako kay nanay.

"oh ang aga mo yata? asan yung bag mo? ano yang dala mo? sino yang kasama mo?"

   

"nay mahabang kwento."

"iho, pumasok ka muna."

"ay wag na nay, aalis na yan diba?" tapos tiningnan ko si Kurt ng masama.

"ano ba naman anak! minsan na nga lang tayo magka-bisita sa bahay eh." nilapitan ni nanay si Kurt "sige

iho, pasok ka." pumasok naman sya.

 

"pagpasensyahan mo na tong bahay namin ha?"

  "hindi, okay lang po."

 

Po? Po? Marunong sya mag po? O__O

"sige iho upo ka." umupo naman si Kurt. ano bang balak neto ha? -_______-

"iho, matanong ko lang anong pangalan mo?"

"ah, Kurt po."

"Kurt? pamilyar sakin yun."  

"ay nay, sila Nica?"

"nasa kwarto."

"NICO! NICA! HALIKAYO DALI!"

Lumabas naman sila.

"ate ano yan?" tanong ni Nico.

   

"pagkain."

"talaga? *O*" sabi ni Nica.

"oo. dali kuha na kayo ng plato tas kainin nyo na to." kumuha si Nica ng dalawang plato tapos nilagay na nya

yung natirang pagkain sa isang mangkok. napansin naman yata ni Nico si Kurt.

 

"ate, sino sya boyfriend mo?"

"HINDI NOH! wag mo yan pansinin, BWISITA ko lang yan." talagang in-emphasize ko yung BWISITA.

   

"Yumi naman." suway ni nanay "ah Kurt pagpasensyahan mo na tong si Yumi ha?"

"okay lang po. sanay na po ako sa ugali nyan."

ANONG SANAY?

CLOSE BA KAMI? =________=

Bigla namang napahawak si nanay sa dibdib nya tapos ubo sya ng ubo. 

  "oh nay ayos lang po ba kayo?"

 

"ah oo ayos lang ako." sabi nya habang inuubo pa.

Tapos....

"NAAAAAAAAAAAAAAY!!!!!!!!!!!"

End of P.O.V

Kurt's P.O.V 

"NAAAAAAAAAAAAAAY!!!!!!!!!!!"

Ah! Sht! Bigla nalang nahimatay yung mama ni Yumi. Hindi na ako nag-alinlangan pa, binuhat ko yung mama nya

tapos agad akong lumabas.

"pumara ka ng taxi!" sabi ko. sumunod naman sya. yung dalawa nyang kapatid umiiyak na.

Sinakay ko na yung mama nya sa taxi.

"Nico, Nica, dito lang kayo ha? bantayan nyo yung bahay! wag kayong aalis kahit anong mangyari!" utos ni

Yumi. sumakay na din si Yumi sa taxi.  

***

Nandito na kami sa ospital. Okay na din ang lagay ng mama ni Yumi. Biglang pumasok yung doctor.

"doc ano pong nangyari? ano pong nangyari sa nanay ko?"

"iha, malala na ang sakit nya."

"ha? ano pong sakit? wala naman pong sakit si nanay eh."

   

"hindi mo ba alam? she has lung cancer. stage 4. malala na ito. at kapag hindi ito nagamot ng Kemo, maaring

mawala ang buhay nya." umalis na yung doctor. napansin ko si Yumi. maluha luha na sya.

 

"Yumi..."

"okay lang ako *sniff* Kurt *sniff*" umiiyak na sya. anong gagawin ko?

Hindi ko inaasahan ang sunod kong ginawa. Niyakap ko sya.

Hindi ko alam, pero may nagtutulak sa akin na yakapin ko sya. 

   

Tapos, bigla nalang nag ring yung cellphone ko.

Kumalas ako sa pagkaka-yakap sa kanya.

"hello?"

(Kurt! asan ka ba?)

"mommy?"

  (asan ka bang bata ka? umuwi ka na dito! mayroong emergency.)

Love ContactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon