12th

283 14 29
                                    

This chapter po is always dedicated for my readers na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na binabasa ang kwento ni Ysha^^

My music picture po ako sa taas na kami po ng kaklase ko ang nag-edit^^ (sorry po kung hindi siya maganda para sa iba^^) well ngayon pa lang binibigyan ko na kayo ng facts about the story^^ well ang totoo niyan ang kantang "Unravel" na theme song talaga ng anime series na "Tokyo Ghoul" ang naging dahilan para magawa ko ang kwento ni Ysha. Just by hearing the song there are images that flashing over and over again in my imagination "A bullied girl in a world of hatred peoples and a powerful but unique princess..." ganyan ang naiimagaine ko while listening to the song. Kaya naman nagpapasalamat ako sa kantang 'yon, dahil kung wala po ito ay wala rin ang TBHP^^ ofcourse pati kayo^^

paki-play na lang po ng music picture sa itaas^^ thanks^^

Yes! This is the 12th part! It means...this is it...




The end is really near.
=========================

Karl's POV

Nandito kami...oo tama kayo...sa ilalim ng nagliliwanag na buwan nandito kaming mga bampira sa Garden ng San Isidro High School. Lahat kami ay nakasuot ng itim na cloak na may kasamang hood at isang tao lang ang hinihintay namin at alam kong...siya 'yon.

Nakaamoy ako ng napakabangong dugo o sabihin na nating pinakamasarap na dugo kapag natikman mo. Lahat kami ay naalarma, dahil alam naming lahat na ang amoy ng dugo na 'yon ay nanggagaling sa iisang tao.

Lumabas si Ysha, sa pintuan ng building na malapit sa Garden at naglakad siya patungo sa pwesto naming mga bampira, pero bigla siyang tumigil. Malayo ang distansiya namin sa kanya, pero alam kong lahat kami ay nagtitimpi na huwag inumin ang dugo ni Ysha, dahil isang kasalanan daw ito sa mahal na hari. Ang hirap pigilan ng nararamdaman kong pagnanasa sa dugo ni Ysha lalo na't hindi ako makapaniwalang...isa na talaga akong tunay na bampira.

Nakakaramdam na ako ng pagkauhaw sa dugo ng tao. hindi tulad ng dati mas naging maputla ang kulay ng balat ko, nasasaktan na ako sa sinag ng araw. Hindi ko man lang magawang titigan o magustuhan ang amoy ng bawang, at lalong lalo na ang mahawakan ang isang tunay na pilak.

Naiinis ako sa sarili ko, dahil kanina, ng makita ko si Ysha, na kinukuhanan ng dugo ni Gray. Ay galit na galit ako, pero mas galit ako sa sarili ko, dahil nabasa ko ang iniisip ni Ysha. No'ng oras na nalaman ni Ysha na isa na akong bampira, ay ipinaiinom niya sa akin ang kanyang dugo. Sa totoo lang baliw na baliw, at hindi na talaga ako makapagpigil na ubusin ang hindi ordinaryong dugo na nananalaytay sa buo niyang pagkatao na ngayon ko lang nalaman. Pinigilan ko pa rin ang sarili kong kagustuhan, dahil ayokong makitang nasasaktan si Ysha, ng dahil lang sa akin...nararamdaman ko ang nararamdaman niya, at ang hirap no'n.

Nasa gitna ngayon ang nagsisilbing leader ng mga bampira na si Nightlight. Ang bampirang naging dahilan kung bakit ako naging isang bampira. Nilingon niya kaming mga nagtitimping bampira, at ngumiti ng nakakaloko.

"Calm down Vampires. The princess' blood is not for us. It is for the prince. And once you failed to obey his rules..." tumingin siya sa akin ng napakatalim ng hindi man lang inaalis ang pagkakangiti ng mukha niya. He looks like he's going to murder me. This guy is really a f*ck*ng one.

"Your death will end up like him"pagkatapos niyang sabihin ang babalang 'yon sa amin ay iniangat niya ang kamay niya na may hawak na...

WTF?! B-bakit may hawak siyang ulo na walang katawan?!----sa hindi ko malamang dahilan bigla na lamang ngumiti si Nightlight. Mismo sa direksiyon ko, at sigurado ako do'n dahil habang tumititig ako sa mapupula niyang mga mata na tulad rin ng sa iba pang bampira, ay nakikita at nababasa ko rito ang iniisip niya,...

The Black Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon