Chapter 11

17 0 0
                                    

"We will make love" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Siraulo ka! Siraulo ka!" sabi ko at pinaghahampas ko siya.

"joke lang. Bumaba ka na kasi diyan" bumaba na nga ako at laking gulat ko ng pagbaba ko eh halos puro lapida, puno at damo ang nakikita ko. "Kung gagawin ko sayo yun sisiguraduhin ko na hindi sa sementeryo. Atsaka kailangan nasuot na natin ang pinakaimportanteng bagay sa mundo dahil ayokong gawin yun ng wala yun." whuuuut?! hindi ako ipinanganak kahapon lang kaya alam ko yun!

"What the?-- Is it condom?" sabi ko agad. Gagong ito ang halay ng utak.

"What the Fuck?! I'm talking about the Ring." sabi niya. Anong ring? singsing? 

"Kailangan ba may singsing para di mabuntis?" tanong ko sa kanya at bigla siyang tumawa ng malakas. 

"Pasalamat ka mahal kita" sabi niya ng makarecover na siya pagtawa niya. "Ano ka ba? What I mean is kailangan muna kita pakasalan bago natin gawin yun" Oh!! Medyo pahiya ako dun ahh?! At anong---

"Woy! anong papakasalan?" sigaw ko. Wala akong paki kung bumangon mula sa hukay yung mga patay dito dahil aminado akong masakit sa tenga ang boses ko.

"Wala ka pa nga talagang naaalala" sabi niya at hindi ako binge para hindi marinig yun pero hindi ko na lang pinansin. "Hindi ako ang dapat magsabi neto sayo or hindi talaga dapat sabihin sayo."

"Ano yun?" sabi ko sabay pitik niya sa noo ko "Araaay!" tinignan ko siya ng masa.

"Chismosa" sabi niya. "Pero hindi talaga Elizalde ang apelyido namin." Hanudaw?

"Woooy! Wag mo ko iprank!" hindi daw sila Elizalde ano yun gawa-gawa lang? trip lang nila? Mga unggoy!

"Seryoso ako. Yung totoo naming apelyido magkakapatid ay Mendoza. Hindi mo dapat sabihin kahit kanino yun. Tara" sabi niya sabay hatak saken. Pumunta kami sa isang lapida na nakalagay ay Danzel Mendoza namatay siya October 23 2003 pinanganak noong November 14 1960.  at may katabi pa itong isang lapida na kalagay ; Janelaila Mendoza namatay rin siya nung October 23 2003 at ipinanganak noong January 4 1961. Sino naman kya sila? "Sila ang parents namin" namatay sila dahil sa car accident. Dapat kaming apat ang mamamatay pero mas pinili nilang sila na lang." Ibig sabihin magulang nila yun? "Oo parents namin ang may ari ng La Mendoza Company"

"Eh bakit Elizalde apelyido niyo?" tanong ko.

"May sinusundan kasi kaming babae. Pinatay ni Dainiel ang alaala. Yung babaeng mahal ko." at sa pagbanggit niya ng pangalan ng kambal ay may galit sa kanyang mata. Sino kaya ang babaeng yun?

"Oh! Anong kinalaman niya sa pagpapalit niyo ng apelyido? at bakit kayo ang ipinakilalang anak ng Elizalde" tanong ko. Duh?! di niya nasagot yung tanong ko.

"Tara sumama ka sakin." hinila niya ulit ako.Tumapat naman kami sa isang lapida na parang pamilyar sakin, sa kakaisip ko rito ay medyo kumirot ang sentido ko. Maria Erza Elizalde. "Pinalabas na kami ang anak nila Mr. Elizalde, hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi sila pinapakilala? Patay na si Mrs.Elizalde. At si Mr. Elizalde ay comatose" whuuuut?! wait-- ansakit sa ulo. at sumakit talaga ulo ko. parang may kumikirot. sinubukan kong labanan. "At ang unica hija nila ang babaeng pinaka mamahal ko. Sabi samin ni Mr. Elizalde kami muna ang mga Elizalde at malalaman lang ng lahat na patay na si Mrs.Elizalde pag gumising na siya. o kaya nakaalala na si Agatha."

Sumakit ng matindi yung ulo ko. Parang binabatak na hinihiwa. "Ahh--Ahh---Araaay!" hindi ko napigilang sumigaw habang nakahawak sa ulo ko. At wala na akong maalala kundi ang pag-sigaw ni Sebastian "AGATHA" at bigla akong bumagsak.

Humangin ng malakas at nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na bakanteng lote. Inilibot ang aking mata, agad kong nakita ang babae at lalaking nag-uusap at tingin ko 8th grade na sila dahil sa ID lace.

"Agatha... I promise someday I will marry you..." sabi ng isang lalaki.

"Talaga Sebby? Papakasalan mo ako?" sabi naman ng isang batang babae at talagang tuwang-tuwa ito.

"Sabi mo kasi sakin na gusto mong maging surname ang Mendoza.Tutuparin ko yun. Pero sorry ahh?! I'm not Railey." sagot  ng batang lalaki at tila kutsilyo ang sinasabi niya dahil halatang nasasaktan siya, Pero kahit nasasaktan na siya ay nagagawa parin nitong ngumiti.

"Sana nga sebby ikaw na lang minahal ko."  sabi ng babae at yung mukha niya parang kahit anong oras ay iiyak siya.

"I love you Agatha... Aantayin ko yung time na mahal mo na rin ako"

Bigla nanamang humangin ng malakas at everything comes black. Mag-isa lang ako sa dilim walang ibang kasama.

"It was all your fault Sebastian! Kung saan saan mo kasi siya dinadala" sigaw niya. kahit nasa labas pa siya ay naririnig ko siya. At kilalang-kilala ko ang boses na yun. Kahit nananatiling nakapikit ang mata ko ay alam ko kung sino ang may-ari ng boses na yun. Railey...

"I'm sorry okay?! sabi naman ng Doktor gigising siya eh" sagot naman ng kausap niya na alam kong si Sebastian.

"Alam mo namang ayoko siyang saktan diba?" sigaw ulit niya.

"Wow! Coming from you? Pinapatawa mo ba ako?" sagot naman nung isa.

"Asan siya?" sabi ng isang babae.Unti-unti kong iminulat ang mata ko. "Sean! Thank God gising kana" nakita ko si Belle a parang tarantang-taranta

"Sean!" biglang pumasok  ang dalawa.

"Sean I'm sorry pero kasi di ko naman alam at sinasadya" sabi nito at halata ang tensyon sa kanilang dalawa. "May masakit pa ba sayo?"

"okay lang ako. Salamat. Wala ng masakit sakin, Puso na lang" sabi ko. Agad nagtama ang tingin namin ni Dainiel at masama ang tingin nito saken at umiwas siya sa akin ng tingin.

"Sa susunod kasi wag ka sumama sa di mo naman kilala" biglang sabi nito habang wala sa akin ang tingin.

"So anong sinasabi mo na wag siya sumama sa akin?" sagot naman ni Sebastian.

"Kung ayun ang pagkakaintindi mo edi yun na nga" sagot naman niya. 

"Hep-hep! Doon kayo sa labas mag-away!" sabi ni Belle. "Kagigising lang nung tao eh." Tumahimik naman ang dalawa pero patagalan sila ng tingin parang konting galaw lang sa kanila ay magrarambol na sila.

hindi ko alam na 3 days pala akong tulog. What the? tsaka ano ang meaning ng panaginip ko? Sino si Agtha? Bakit magkasama sila ni Sebastian? yun ang mga tanong bumabalot sa akin ngayon wala akong ibang sinabihan baka sabihin nila ang weird ko. Well di naman totoo yun. nuh/! sabi nga ang panaginip ay kabaligtaran. hindi ko na lang iniisip yun sa ngayon dahil lalabas na ako ng hospital baka pag may nasabi ako ay pag-stayin ako dito. bantay sarado ako nila Sebastian at belle lagi tinatanong ko kung wala ba silang pasok pero lagi lang nilang sagot ay alam ng school na nasa hospital ako. Minsan ding dumalaw si Dainiel at lagi lang siyang nakatingin sa akin at parang laging may sabong sa kanila ni Sebastian. Kambal sila pero hindi sila magkasundo. parang ang bigat-bigat ng loob nila sa isa't-isa. Pero sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw parang may iba sa sarili ko. Parang hindi ako ito. Parang ibang katauhan dito sa loob loob ko.

Sino ba si Agatha?...

Unhappy EndingWhere stories live. Discover now