Chapter 8

9 0 0
                                    

Dainiel's POV

Nandito lang ako sa puno malapit sa Room nila Agatha. Nakatingin lang ako sa kanya, Marahan ko siyang pinagmamasdan. Habang nakatayo siya. Dalawang Taon na ang nakakalipas ngunit nananatili ang ganda niya. Napaka-ganda pa rin niya. Kung hindi dahil sa kanya patay na sana ako. Salamat... Agatha... Utang ko ang lahat sayo. Kaya hindi kita masisisi kung hindi mo ko maalala... Tama nga! Hindi mo man ako maalala hindi mo naman nakalimutan na mahal mo ako... Analakas nga ng tama mo saken eh... MAhal na mahal kita Agatha...  Mahal na mahal. Thank you for everything. 

2 years Ago...

"Agtha?" tawag ko sa kanya.

Hindi ko alam kung tama bang itanong ko ito pero natatakot ako. Ayoko siyang masaktan. Ayokong makita ko siyang umiiyak.

"Hmmm?" kitang-kita ko ang maamo niyang mukha.

"G-gusto mo ba a-ako?" tanong ko sa kanya.

Kinakabahan din naman ako sa isasagot niya. Kung hindi niya ako gusto oh eh ano naman? at kung oo natatakot din ako na baka masaktan ko lang siya dahil si Akira ang gusto ko.

"Hindi!" sagot niya at tila may kumirot sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan ako ngayon? gusto ko ba si Agatha? Pero hindi! kasi si Akira ang gusto ko. "Hindi kita gusto dahil Mahal na kasi kita..."

"Weeeh?! Love agad Agatha? Grade 7 palang tayo oh?!" tanong ni Sammy.

"Oo nga mahal ko na si Railey" sagot ni Agatha. 

Siya lang ang kaisa-isang babaeng hinahayaan kong tawagin akong Railey...

"Agatha what is love?" tanong ni Sammy kay Agatha

"Kung mahal mo, Hahayaan mo siyang maging masaya. Love is willing to sacrifice because love is sacrificing. Love is being selfless. Love is not being forced. Hindi naman tama na kapag mahal mo dapat mahal mo rin. Hindi naman natin maiiwsang masaktan kaya pagnagmahal ka magexpect ka na, na masasaktan ka." sagot ni Agtha...

Kaya ba sinalo mo lahat ng sakit? Ganoon ba talaga ang pagmamahal? Kaya ba kinalimutan mo ko? Ngayon Agatha handa na akong magsakripisyo kaya sana maalala mo na ako.   Kaya ba lahat ng sakit ay sinalo mo? 

Napakabuti mong tao. Nung nagkagusto ka saken hindi mo ako pinilit na mahalin kita pero alam ko na sa sarili kong mahal na kita nung panahon na yun ayoko lang tanggapin dahil ayaw kita masaktan.

"Railey... Wag ka iiwas sakin ahh?! kasi yung iba nakikita ko pag may nagkakagusto sa kanila umiiwas..." sabi niya at halatang malungkot siya. "Mahal kita oo totoo yun pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na mahalin din ako. Alam ko si Akira ang mahal mo at okay lang sakin yun. Ang importante saken wag mo ko iiwasan kahit hindi mo ako mahalin."

"At mamahalin mo si Akira ng gaya ng pagmamahal ko sayo pag naging kayo na. Lagi mong tatandaan na dapat pag nagmahal ka. Dapat selfless ka. at wag mo siya sasaktan"

Agatha... Mahal na mahal kita. Kapag dumating yung araw na naaalala mo na ako, Hinding hindi na kita papakawalan pero ito na yun. Sorry ahh?! sabi mo mahalin ko si Akira yung buong-buo gaya ng pagmamahal mo pero hindi ko magawa kasi ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita... AGATHA.. 

"Bro!" tawag saken ni Bryle. "Tinitignan mo nanaman siya"

"Kailan kaya niya ako maaalala?" tanong ko. "Maaalala niya pa kaya ako?"

"Bro? alam mo kung hindi lang siya si Agatha matagal ko na siyang niligaw--" binatukan ko siya.

"Gago ka ba?" inis na tanong ko.

"Dejoke lang Bro!" sabi niya. "Kasi sabi mo mahal mo siya pero paulit-ulit mo lang naman siyang sinasaktan. Sa araw-araw na nagkikita kayo, Ay araw-araw ko rin siyang nakikitang nasasaktan"

Tama si Bryle, Napakagago ko! Lagi ko na lang sinasaktan yung babaeng mahal ko. Niloloko ko lang yung sarili ko. Parang ang labas tuloy deserve ko ba siya? baka hindi.

"Bro sa susunod na makita ko siyang umiiyak seryoso ako aagawin ko siya sayo!" sabi niya at halatang seryoso siya. "Maawa ka naman sa kanya"

Umalis na siya,natigilan ako doon sa sinabi niya. Seryoso siya doon. Kailangan ko ulit maka-usap si Sammy.

Nag-iinit ang ulo ko ngayon kay Bryle. PUTA! 

"Babe!" tawag sakin ni Akira.

"oh?!" inis na tanong ko.

"Alam mo ba 3 lang mali ko sa quiz namin kanina sa math." sabi niya.

"Wow! ang galing!" sabi ko at kunwaring tumawa. Ang saya-saya niyang tignan habang si Agatha hindi. "Ilang items ba yung Quiz niyo?"

"5 items" sabi niya. Hutek ano ba yan? mas madami pa yung mali niya kaysa sa tama niya? Ano ba itong babaeng to! Kung si Agatha yun...



Unhappy EndingWhere stories live. Discover now