MASAYANG-MASAYA ang ambiance sa buong paligid. Pulos nakangiti ang mukha ng bawat taong nakakasalubong ni Althea.
Naroon sila ni Gabriel sa El Palacio, ang tanyag na mansiyon ng mga magulang nito. Nakatayo ang mansiyon sa pinakaunang bayan sa San Marcelino na ang tawag ay Consolacion. Iyon ang pinakamayaman at pinakamaunlad na barangay sa buong San Marcelino o baka sa buong Zambales. Sila ni Gabriel ay sa Buenavista, Castillejos pa nanggaling.
Si Gabriel na lamang ang anak ng mag-asawang Vasquez na nakatira sa Pilipinas. Ito ang bunso sa apat na magkakapatid. Ang lahat ng kapatid nito ay may-asawa na at nasa ibang bansa nakatira.
Halos isang oras din silang nagbiyahe. Isa ring maunlad na bayan ang Castillejos. Hindi na nakapagtataka na mga may-sinasabi rin sa lipunan ang mga nakatira doon.
Ginanap ang magarbong pagdiriwang sa enggrandeng hardin ng El Palacio.
Tiningala niya ang mansiyon. Animo hari iyon sa pagkakatindig. The mansion was a mixture of Spanish and American architecture. Tinatampukan ng isang napakalaking fountain ang gitna ng garden.
Tila talagang pinaghandaan ang okasyon. Nagpapatalbugan ang lahat ng bisita sa bihis at pustura, mapababae o lalaki man.
Of course, not everyone had the luck to be invited to that kind of gathering.
Hindi na niya matandaan kung sino-sino ang mga taong nakasalubong niya at bumati sa kanya. Her mind was focused solely on Gabriel's hand that tightly clasped her own.
Ilang saglit pa ay magkakasama na silang lahat sa presidential table—siya, si Gabriel, ang mga magulang niya, at sina Mr. at Mrs. Vasquez.
Pulos niceties at business ang naririnig niyang usapan ng mga kasama niya sa mesa. Hindi pa rin binibitiwan ni Gabriel ang kamay niya. Kahit hindi niya gusto ang mga ganoong uri ng pagtitipon, hindi pa rin niya maiwasang matuwa. She looked forward to that kind of occasion because it was the only time that Gabriel showed affection towards her. Kahit arte lamang iyon, labis pa rin siyang natutuwa.
Mayamaya ay tumayo ang mommy at daddy ni Gabriel. They stepped up to the makeshift stage as they held each other's hands. Kinuha ni Daddy Rod ang mikropono.
"Good evening, everyone. Maraming salamat sa pagdalo ninyo ngayong gabi. Before I propose a toast, gusto ko munang magpahayag ng aking damdamin. Everybody knows that this occasion is a celebration of golden anniversary." Tumikhim muna ito, kapagkuwan ay masuyong ngumiti sa esposa nito. Love was visible in his eyes. "Happy anniversary. I love you so much, sweetheart. I'll never, ever get tired of loving you."
Mommy Ivy turned misty-eyed. She was misty-eyed, too. The old couple kissed and hugged each other. Everybody made a toast to the couple.
She also wanted that. She wanted that kind of love.
Napatingin siya kay Gabriel na nakatingin din pala sa kanya. Mabilis na nag-iwas ito ng tingin. Hope filled her heart. Maaari pa rin sigurong maging maayos ang pagsasama nila.
NAPATINGIN si Althea kay Gabriel nang bahagya siya nitong tapikin sa braso.
"Baby, mom's talking to you." May kislap ng pagbabanta sa mga mata nito.
Bumaling siya sa ina ni Gabriel at nahihiyang ngumiti rito."Yes, Mom?"
Puno ng pagsuyo ang ngiting ibinalik nito sa kanya. "Wala pa ba ang inaasahan naming apo, hija?" Nanunukso ang ngiti nito.
Nag-init ang mga pisngi niya. "Ahm... Kasi po..."
Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil biglang sumingit ang daddy ni Gabriel.
"Ang hina mo naman, hijo. 'Wag n'yong sabihing bigo pa rin kami sa pangarap namin na magkaroon ng apo sa inyo hanggang ngayon?"
Tila naiilang na tumikhim si Gabriel. Ngunit bago pa ito makapagsalita ay sumabat na ang papa niya.
"Ikaw naman, kumpadre. 'Wag mo namang masyadong i-pressure ang mga bata. Sigurado akong kaunting panahon na lang ang kailangan nating ipaghintay."
"Hindi mo ako masisisi, kumpadre. Hindi na tayo bumabata."
"Kalabaw lang ang tumatanda, kumpadre," sabi ng papa niya.
Nagtawanan ang mga nasa mesa.
Hindi niya naiwasan na matawa rin. Napatingin siya kay Gabriel. Nakangiti ito ngunit hindi umabot iyon sa mga mata nito.
She would give anything just to see his smile back on his handsome face once again. It was priceless. Everything about him meant everything to her.
"Althea, you look thinner. Inaalagaan ka bang mabuti ng asawa mo?" tanong ni Mommy Ivy kapagkuwan.
"Oo nga naman, hija. Parang matamlay ka," segunda ng kanyang mama.
Napatingin siya kay Gabriel. Nakatingin din ito sa kanya. He was smiling but she knew very well what was behind that smile. A dangerous glint was visible in his eyes.
Naramdaman niyang tinapakan nito nang mariin ang paa niya sa ilalim ng mesa, urging her to answer. Inaasahan na niya iyon. Mula pa noon ay ganoon na ang ginagawa nito sa bawat okasyon na may nagtatanong tungkol sa estado ng pagsasama nila.
"Inaalagaan po akong mabuti ni Gabriel. I couldn't be happier. It's him that I love and would love for the rest of my life. Wala na po akong mahihiling pa." It came out as a whisper.
Natahimik ang mga kasama nila sa mesa. Mukhang kontento naman ang mga ito sa sagot niya.
Palihim na tiningnan niya si Gabriel. Wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito.
Inalis na nito ang paa nito sa ibabaw ng paa niya. Bahagyang sumakit ang paa niya dahil sa sobrang diin ng pagkakatapak nito roon. Ang totoo, hindi naman na nito kailangang gawin iyon. She would still say those words over and over. Hindi dahil iyon ang nararapat kundi dahil iyon ang totoo. Iyon ang nararamdaman niya.
Qؒ
BINABASA MO ANG
More Than I Feel Inside COMPLETED (Published by PHR)
RomanceMore Than I Feel Inside By Jelaine Albert "Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang i...