Chapter 11

22.3K 341 3
                                    


NAGISING si Gabriel sa silaw ng liwanag. Pagmulat niya ng mga mata, nakita niyang bukas ang veranda. The sunlight filtered past the open door. Nasapo niya ang ulo niya nang biglang kumirot iyon. Akmang babangon siya sa kama nang mapansin niyang wala siyang suot kahit ano.

Tumayo siya at naghalungkat ng damit sa closet. Nang makakita ng boxer shorts ay agad na isinuot niya iyon. Then he slowly walked towards the veranda.

Dere-deretso siya sa barandilya at kumapit doon. He closed his eyes and felt the mixture of heat and cold—lamig na dulot ng hangin at init na hatid ng sikat ng araw. It had been so long since he had the chance to do this, ever since he got married.

Nahaluan ng bahagyang iritasyon ang vehemence na nararamdaman niya. Nag-iba siya ng posisyon at sumandal sa barandilya. Natigilan siya sa nakita. Althea lay on the wooden couch. Mukhang himbing na himbing ito sa pagtulog.

Napakunot-noo siya nang mapansin ang hitsura nito. A bedsheet was wrapped around her body. He doubted whether she wore anything underneath.

Did something happen between them last night? As if in a trance, he walked towards her. Tumalungko siya sa harap nito.

She looked so peaceful and so serene in her sleep. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at hinawi niya ang ilang strand ng buhok na naligaw sa magandang mukha nito. She possessed the most innocent face he had ever seen in his whole life. Her lips were as red as the petals of a rose.

Hindi niya naiwasang maalala noong unang beses na nakita niya ito. She was in the middle of a gathering. With her outstanding looks it was impossible for him not to notice her. The first time their eyes met he felt something awkward. Ito ang naunang nagbaba ng tingin.

Hindi na uli niya ito nakita nang gabing iyon. nagbigay iyon sa kanya ng bahagyang panghi-hinayang.

At their next meeting, he got the chance to kiss her hand. He had that awkward feeling again. He was sure it wasn't attraction he felt because he had Genevieve at that time. Hindi rin niya alam kung bakit hindi niya nakalimutan ang pangyayaring iyon...

They were introduced to each other by his parents. He was so surprised to see her but he managed not to show his feelings.

"'Nice to meet you, Señorita Althea." He took her hand and kissed it. He felt so awkward again. This time, talagang ayaw niyang limiin kung ano iyon.

Bigla nitong hinila ang kamay nito sa labis na pagtataka niya. Tila may bahagi ng pagkatao niya ang nais tumutol. Pero nakatingin nang masama si Genevieve kay Althea kaya nagkibit-balikat na lang siya. He took his girlfriend's hand instead.

Nang mag-angat siya ng tingin kay Althea, may nabanaag siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Something like hurt? Bago pa niya matiyak kung ano iyon, inakay na ito ng mama nito at mommy niya palayo. Nagkasya na lamang siya sa pagtanaw rito habang papalayo ito. Nahiling niyang sana ay lumingon ito. Ngunit bago pa iyon mangyari ay kinabig siya ng kasintahan niya at mariing hinagkan sa mga labi...

Hinaplos niya ang buhok ni Althea. Lahat ng bahagi ng mukha at ugali nito ay nagsusumigaw ng kainosentihan. Agad na binawi niya ang kanyang kamay.

She was far from being innocent. Her beautiful and innocent face was very deceptive.

Bahagyang gumalaw ito dahilan upang bumaba ang tapi nitong kumot, exposing part of her bare breasts.

Galit, frustration, desire—sabay-sabay na naramdaman niya ang mga iyon. Sa kabila ng galit niya, hindi rin niya napigil ang sariling katawan. The desire he felt for her was so overpowering. Tulad na lang ng nararamdaman niya ngayon. The desire to kiss her was almost painful.

She moved again. This time, talagang bumaba na nang husto ang kumot na nakatapi rito exposing her whole breast. He groaned inwardly. Hinawakan niya ang kumot upang itaas iyon. Sa bahaging iyon ito nagmulat ng mga mata. Agad na binitiwan niya ang kumot.

Daklot ang kumot, sumiksik ito sa dulo ng couch. Isa pa iyon sa mga labis na ikinagagalit niya. Palaging punong-puno ng kalituhan ang mga mata nito at tila hindi nito malaman kung ano ang sasabihin.

Tila namamaga rin ang mga mata nito. Did she cry last night? Why in the hell did he care about it, anyway? Wala siyang pakialam kung umiyak man ito nang isang drum. Heck, he couldn't get all soft-hearted with this woman! Not now. Not ever.

"Don't you know what time it is?" Pinabagsik niya ang tinig at mukha niya.

Tila hindi ito makaapuhap ng sasabihin.

"Oras na para maghanda ka ng almusal. Oras na para gawin mo ang mga dapat mong gawin!" pasinghal na sabi niya upang mapagtakpan ang mga damdamin na bumangon sa puso niya.

Tila natauhang napatayo ito. Halos lumipad ito papasok sa loob ng kuwarto.

Naiwan siyang natitigilan.

mQP

More Than I Feel Inside COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon