Chapter 1

30 2 1
                                    

Hindi ko alam kung ano na ang uunahin ko. Marami ng tao sa classroom namin. Hindi pa ako tapos sa mga gagawin para sa susunod na subject. Wala pa akong assignment at hindi pa ako nakapagrereview. Sa bilis kong magsulat sa aking notebook ay halos hindi ko na maintindihan ang mga letra at salitang nakasulat. Sobrang kabado na ako.

Tiningnan ko ang oras at limang minuto na lang bago magsimula. Katatapos lang ng recess. Hindi ako nakapagsulat agad dahil sumama ako sa mga kaibigan kong pumunta sa canteen.

I don't usually go on the school's canteen. I have my own food dahil masyadong magastos sa oras kapag pupunta pa ako doon.

Bago pa man ako makatapos ay dumating ang isang guro. Kinabahan ako nung una dahil akala ko na ito ang guro namin sa subject na susunod. Pero hindi pala. Teacher ito sa Arts. Ang susunod kong subject ay Health.

I'm a Grade 9 student. Hindi masyadong halata dahil may katangkaran ako. Inaakala minsan ng ibang tao na ako ay nasa Grade 10 na.

I have a fair white skin. My face is small. I also have a pointed nose, a thin lips and an expressive eyes. Kahit na ganito ako at maraming manliligaw ay hindi pa rin ako nagkakaboyfriend. Hindi sa ayaw ko kundi dahil hindi pa ako lubos na naiinlove. Nagkaroon na ako ng crush pero hindi umabot sa punto na mahal ko na.

Tumigil ako sa pagsusulat at nakinig sa teacher.

"Sorry for the interruption. Narito ako para sabihin na hindi papasok ang MAPEH teachers ngayong week. Gaganapin na ang intrams next week so we have to train all of our players. Isa lang ang paalala namin. Kahit hindi kami magturo try to study on your home. Thank you." para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Ms. Gomez.

Huminga ako ng malalim at padabog na sinara ang mga libro at notebook ko. Hindi na naman pala kailangan. Dapat sinabi nila ng mas maaga para hindi ako nagkukumahog na magsulat at magreview rito. Napatingin ang iilan kong kaklase sa akin dahil sa ingay na nagawa ko.

Kunot noong lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan. Patuloy kong inayos ang mga gamit ko at nanatiniling nakanguso dahil sa pagkakainis.

"Anong problema mo, Prielle?" agap na tanong sa akin ni Kleine nang makalapit ito.

"Parang ang dami mong problema sa buhay," humalakhak pa si Autumn nang sinabi iyon.

"Dapat naman kase inagahan nila ang pag announce para naman hindi na ako parang ewan na madaling madali sa mga to!" naiinis na sambit ko kay Autumn at Kleine habang sinasarado ang bag ko.

"Hay!..Nako forget about it Prielle.Samahan mona lang kami ni Autumn sa cr" malambing na sabi ni Kleine.

"Sige na nga. Tutal kanina parin ako naiihi." natatawang sagot ko naman.

Habang naglalakad patungo sa cr nadaanan namin ang covered court na sobrang ingay. Tunog ng pito mula sa coach ng basketball team at  nakakairitang tilian ng mga grade 8 at grade 7.

"Ang gwapo talaga ni fafa Zach!"

"Fafa Zach akin kana lang, please!"

"Zach ligawan mo naman ako oh!"

Sigawan ng mga babae at mga bakla na nanonood ng basketball practice ng grade 9.

ZACH YVAN CRUZ ay isa sa mga famous na lalaki sa school. Sino ba namang hindi mapo - fall sa lalaking matalino,captain ball,math wizard,at marami pang iba. Oo grade 9 din sya transfer lang sya sa school namin nung grade 8.

He's handsome. No one can change that fact about him. Sporty at matalino. Lahat ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay nasa kanya na ata.

Isa sya sa mga naging manliligaw ko. Hindi ako naniniwala sa love at first sight kaya hindi ko sya sinagot. Wala rin namang spark sa aming dalawa kaya hindi ko sya pinayagang maging boyfriend ko. Siguro sa ayaw kona rin munang mag karoon ng boyfriend dahil satingin ko mapapabayaan ko ang studies ko.

Nang makarating na kami sa cr nila Kleine at Autumn. Naunang pumasok sa magkabilang cubicle ang mga kaibigan ko.

Naunang lumabas si Autumn kaya naman pumasok na ako sa cubicle.Pagkalabas ko wala na dun ang mga kaibigan ko. Siguro ay nauna na sila sa labas. Nang matapos akong maghugas ng kamay at magsuklay ng kaunti sa buhok ko lumabas na rin ako.

Nakita kong nakikipag usap ang mga kaibigan ko sa ibang ka batch namin.

"What's new, huh!?" masiglang tanong ko sa kanila.

"Ay! Rielle alam mo ba may mga taga private school daw na pupunta dito sa intramurals natin?" nakangising sagot ni Kleine.

"I wonder kung may gwapo kaya sa kanila." dagdag pa ni Autumn.

"Bakit? Ano namang meron kung may gwapo sa mga rich-kid na yon?" pagtataray ko sa kanila.

"Kahit kailan bitter ka talaga Rielle." nakabusangot na sagot ni Autumn.

Pagbalik namin sa klase back to normal na ang pakiramdam ko dahil last subject na naman namin ito.

Natapos ang TLE ng puro discussion.Kahit kailan talaga nakakaantok ang subject na yan.

Dahil uwian na nagpaalam na si Kleine na mauuna na daw siya dahil may mga tatapusin pa siyang report.Kami naman ni Autumn napag isipan muna namin na dumaan saglit sa National Book Store para tumingin ng mga bagong libro at gamit para pang paint.

"Hays! Wala namang bago sa mga 'to," inaantok na sambit ko kay Autumn.

"Oo nga e." Sagot ni Autumn habang tumitingin sa book shelf.

"Tara na. Doon na tayo sa mga acrylic paint," dagdag pa nito.

Habang tumitingin ng mga gamit na pang paint halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko.

Kuya Blake calling...

"Autumn labas lang ako tumatawag si Kuya e," paalam ko kay Autumn pero parang hindi nya naman ako narinig dahil busy sya sa ginagawa nya.

"O, Kuya napatawag ka?" Masigla kong tanong kay Kuya Blake.

[Ahh. Pauwi na kasi ako. Gusto mo ba daanan na kita?]

"Ah. Sige ba Kuya nandito kami ni Autumn sa National Book Store nag hahanap lang ng paint para sa project namin."

[ Ahh. Ganon ba sige iintayin kita sa entrance, huh?]

"Sige po Kuya. Bye!"

"Oy!? Rielle kanina pako salita ng salita sa loob wala ka pala sa tabi ko." Nakasimangot na sambit ni Autumn pagkalabas ng National Book Store."Sino ba kaseling tumawag sayo ha?" dugtong pa nito.

"Ahh. Si Kuya Blake nasa entrance sya sunduin nya daw ako ngayon e," sagot ko.

"Ayy. Ganon ba? So... sa kabilang entrance nako lalabas para dun narin ako makasakay ." Malambing na sabi nito.

"Sige.Bye Autumn kitakits bukas chat mona lng ako mamaya pag may kailangan ka." Paalam ko sa kanya.

Naglakad na si Autumn papunta sa kabilang entrance kaya naman naglakad na rin ako papunta sa main entrance.

Nang makalabas ako agad kong nakita ang montero ni Kuya Blake kaya agad kong tinungo iyon.

Sa paglalakad patungo kay Kuya Blake
may ilan akong nadaanang mga tao patungo sa entrance marami rin ang nakabangga sa akin,habang patuloy na naglalakad, may naamoy akong sobrang bango. His perfume makes me look back. Naptingin ako sa taong pinagmulan non,Ngunit paglingon ko maraming tao ang nakita ko sa likod ko.

"Hays.Ang bango naman non."bulong ko sa aking sarili.

"Stir ano pa bang inaantay mo,uwing uwi nako!"halos ma tumba ako sa malakas na sigaw ni kuya.

"Nandyan napo kuyaaa!"Nakangising sigaw ko kay kuya.

Pagka uwi sa bahay nag beso muna ako kay mommy na nadatnan ko sa sala na nonood ng tv,saka ako dumiretso sa kwarto at nag bihis.

After kong mag bihis humiga na ako sa kama. Muling pumasok sa isip ko ang mala victoria secret na pabangong naamoy ko kanina.

"Saan kaya ako makakahanap ng ganong pabango"

***

Unwanted FeelingsWhere stories live. Discover now