Chapter 4

18 2 0
                                    

Day past at intramurals na namen.Lahat ata ng istudyante sa campus excited. Well Not me,Bukod sa naiingayan ako sa mga fangirls ng basketball team naiirita din ako sa mga booth na ang iingay makahanap lang ng costumer.

"Myla,punta muna akong powder room" Paalam ko sa Nag aasikaso sa Booth namen.

Habang nag lalakad marami akong nakaka salubong na mga Grade 7 at grade 8 na tuwang tuwa sa mga booth na nakikita nila,dahil nadin siguro sa first itramurals nila sa campus..

After kong mag ayos ng sarile ko, naisipan ko ng bumalik sa booth namen pag labas ko ng cr biglang may humablot sa dalawa kong kamay..

"Ano baaaa?"

"Anong problema nyo?"

"San nyo ko balak dalhin ha"

Sigaw ko sa Dalawang ka batchmate  ko na humihila saken.

Habang Nakikipag hatakan ako sa dalawang epal nato na naka maskara at black t-shirt pa 'which is mukang kidnappers ... napansin ko yung id na suot suot nila.."WEDDING BOOTH" Napalakas ata ako ng pagka basa sa naka sulat sa id nila kaya yung ibang chismoso  at chismosa sa paligid napatingin sa gawi namen.

Dahil sa malakas at mas matangakad yung humila saken wala akong nagawa kundi sumama na lang sa kanila..

"Grrrr" Ines na sabi ko habang sinusuotan nila ako ng dress na props sa booth nila.

"Hays Rielle dika padin nag bago" Bulong ng taong nasa likod ko.

Narinig ko nanaman ang nakakairitang boses ng pinsan kong si Sky,palagi niya na lang akong pinag titripan . palibhasa daw napaka killjoy kong tao.

"Sky,You know me better right? So Ikaw nanaman ba ang may pakana nito?" Si Sky ang leader ng wedding booth last year at ngayon. Trip ako ng babaeng to,kaya sa 3 years kona dito sa school parati niya kong pinapahila sa booth nila.

'Pag ako hindi makapag timpi wawasakin ko tong booth nila e.'

"Rielle.. Hindi ako ang may pakana nito" Matawa tawa nyang bigkas. "Ang nabunot lang kase namen sa Mahiwagang Bowl,Ang susunod na ikakasal daw ay ang Unang babaeng Lalabas sa Cr. At lalaking unang papasok sa Gate2 Ng school."

"So? Anong gusto mong sabihin may forever sa cr at gate ha!?" Medyo irita kong Sabi sa kanya..

"Maki join kana lang kase Rielle" Tawa nya sabay talikod..
She's my cousin..Matalino,palaban,maldita,well maganda den.

Habang nag aantay. Sa may Altar ,Oo Sa altar daw. As in wow ,if i know lalaki ang nag aantay sa altar hindi babae? What hell is that?.

"Sino ba papakasalan ko jan" Sigaw ng lalaking for sure ang unang pumasok sa gate2 ng school.

"Siya ba?" Nakakairita yung Pabiro niyang Tawa.

Nang nilingon ko sya.. He looks Familiar.. San koba Nakita Yang lalaking yan?

"Ingay mo! kung pumupunta kana lang dito ng matapos nato!" Singhal ko sa makulit na lalaking to.

"Ahh ikaw pala asawa ko!" Ngiti ng Lalaking nahila din sa booth nato.
Naka jersy siya 'well baka basketball player' Matangkad din sya,At May itchura naman,Kaso napaka ingay at mukang Magaso.

"Bat parang mali?"Pagtatakang bigkas ng lalake."Diba Dapat Ikaw Yung nandito wifey?" Sabay turo sa kinatatayuan nya."Tapos Ako yung nag aantay jan sayo" Dugtong pa nya.

Grrr.. Lalong nagiinit ang dugo ko. Gigil na nga ako sa Booth nato,Pati ba naman Sa taong makakapartner ko.Eh kung isa isahin ko kayang kutusan ang mga tao dito,isama mopa yung pinsan kong maldita.

Laking gulat ko ng tumakbo sya papalapit sakin at hinila ako.  Dahil sa pag hila nya nabitawan ko ang flowers na hawak ko which is props din sa booth...

Well malakas siya, kaya hindi ko nagawang hilain siya pabalik.Hinila nya ko hanggang maka labas kame ng room kung saan yung wedding booth.

"Hoy lalake! San moba balak akong dalhin ha!Kanina kapa natakbo jan hindi kaba napapagod,?" Medyo irita konang sabi sa kanya. Nakalayo na kame sa Booth at diretso parin siya sa paghila saken.

"Itatanan na kita miss" Nakangiti niyang sabe.

Kung kanina Halos Hindi ako makagalawa dahil sa dress na suot ko,ngayon Nagawa kong hilain siya dahil nadin sa pagka gulat ko sa sinabi nya.Hinubad ko ang naka patong na dress sa uniform na sout ko . tyaka ulit hinarap si kuya.

"Kuya adik kaba?" Nag hahabol padin ako ng hininga habang kinakausap sya.

"Hindi.. Pero malapit na,Malapit nakong maadik sayo" Pabirong sabi nito.

'wtf '

"Hibang kaba kuya?"Medyo ines nako sa pinag sasa sabi niya.

Napansin ko yung id nyang sout at dun ko nalamang hindi siya taga dito sa school namen.

Dahil hindi narin naman siya nag sasalita ,Tinalikuran kona lang siya at naisipan kong mag lalakad na lang ako pabalik sa booth namen at mag paalam na uuwi nako

Nakakailang step palang ako ng marinig ko nanaman ang boses niya makapabasag pinggan.

"Hey miss!" Sigaw nito na alam kong makaagaw atensyon sa school namen,Kahit na maingay sa school ngayon sobrang lakas talaga ng boses nya na for sure mawiwindang ang buong paligid niya pag sumigaw siya.

"Ano ba?" Iritado kong singhal sa kanya.

"Im Jacob by the way,Nice to meet you wifey" Naka ngiti nyang sagot sabay kumaway at tumalikod.

'Adik ata yung lalaking yon'Nasabi kona lang sa aking sarili.

***

"IM HOME!" sigaw ko ng makapasok sa Bahay.

"Mukang ang ganda ng araw mo nak ah."Salubong sakin ni mommy at nag beso.

"Huh? pano mo naman nasabi my?"
Tanong ko .

"Ang sigla mo kase,May ng yari bang maganda ngayong araw ?" tanong ni mommy.

"Wala naman po my,Pero nakakabatrip na ng yare meron po" Sagot ko kay mommy,tyaka umapo sa sofa at nag cellphone.

"Ano naman yon?"Nag tatakang tanong ni mommy.

"Pano napag tripan nanaman ako ni Tricia Mommy"nakabusangot kong sagot.

"Eh bat pangiti ngiti ka jan ha" Pangungulit ni mommy.

"My wala nga po" Pag tanggi ko .

"Eh bat napapangiti ka jan mag isa ha?" tanong nya ulet.

"May nakilala lang akong guy kanina my,and nakakairita sya ,Pero..."

"Pero Crush mo siya?" Pag putol ni mommy sa sinasabi ko.

"Hindi mommy,Familiar kase yung face at scent nya." Sagot ko

---

Unwanted FeelingsWhere stories live. Discover now