CHAPTER THREE-The Stain

104 4 8
                                    

Dedicated to @MichaelaBVintayen, One of my dearest friend her in wattpad. :"> And Marc at the side! Enjoy reading. 

"Sige na Bff! Pumunta kana sa rooftop. Baka magalit pa sayo yung monster este master mo." sabe ni Kim at nagsmile siya saken

"Sure ka? Wala kang kasama kumaen. Okay lang naman na hindi ko muna puntahan yung monster na yun e. Samahan na lang muna kita kumaen." Hinawakan ko siya sa pulso.

"Ano kaba!! Okay lang! Naiintindihan naman kita e! Kahit naiinis ako dun sa Marc na yun. Pero okay na talaga ako. Magpapasama na lang ako kay Camille. Itetext ko na lang siya para pumunta sa fields" Kahit kelan talaga ang bait netong bestfriend ko.
I'm si lucky to have her 

"Osige. Magkita na lang tayo sa library" Ngumiti ako at nagbeso na kame.

Hays. Pumunta na ako sa rooftop. Nakakainis kase e!

Pagtapos kong akyatin ang 103840572 steps. (O.A Much?) Nakarating na din ako sa tuktok ng bundok! Alam niyo bang walang pumupunta dito. Tanging ang janitor lang at sila Marc ang madalas na pumunta sa rooftop dahil nga sa taas. Ewan ko ba kung bakit pa nila ginawa 'to!

Bago ko buksan yung pinto, pinakinggan ko muna kung may tao ba sa loob. Mamaya may multo pala dito e. Takot pa naman ako sa multo!

Mukha namang walang multo sa loob kaya pinihit ko na yung doorknob.

*Creeeeek*

Pagpasok ko, walang tao.

"Asan na kaya yung unggoy na yun? Mamaya pinagtitripan lang ako nun e!" Nilibot ko ang tingin ko para tignan kung nasaan yung unggoy na yun! Ang epal talaga ever!

"Mukhang wala na sila dito. Hihihi. Bababa na lang ako para makakain na ako" Naglakad na ako papunta sa pinto para bumaba. Mukhang nagkasalisihan kame and good thing narin para makakain na ako. Yung babies ko sa tyan kanina pa nagwawala! -____-

"At bakit ka bababa, aber?"

"AY KINALBONG UNGGOY!" Napasigaw ako ng biglang may magsalita. Haluuuuuh! Mamaya may multo dito! Lumingon lingon ako para hanapin kung saan nang galing yung boses. Mamaya marape ako dito. Lord, wag naman. O baka naman may alien dito? Baka sasakupin na yung mundo tapos kakainin yung utak. Ano ba kaye! Umayos ka nga! Ayan napapala mo kakabasa ng wattpad e! Magisip ka ng maayos, okay? Shit! Mukha akong tanga! Nakikipag away ako sa sarili ko!

Mukhang wala namang tao kaya bababa na ako. Sinasayang lang oras ko nung Marc na yun!

Humarap na ako sa pinto para bumaba.

"Bakit ang tagal mo?"

"AY UNGGOY NA KINALBO." Nasa likod ko na pala si Marc! 

"Bakit ba bigla bigla kana lang sumusulpot! Tsaka wala ka naman dito kanina ah. San ka galing?" Nakatayo siya sa harap ko habang nakalagay yung kamay niya sa bulsa ng pants niya. Pacool e hindi naman bagay! Mukha pa rin siyang unggoy!

"Tss. Bulag kana nga ang bagal mo pa! Kanina pa ako naghihintay sayo dito! Sadyang tanga ka lang talaga kaya hindi moko nakita!" Tumalikod siya at pumunta sa sulok para humiga. "Atsaka late kana ng 30 minutes!" Nilagay niya yung dalawa niyang kamay sa batok niya

"Tanga ka rin e! Ang taas kaya neto! Atsaka ano bang kailangan mo? Bat moko pinapunta dito? Pwede naman kaseng sa baba na lang kailangan pa talagang dito. Ang daming arte!" Nag crossed arm ako habang nakatingin parin sakanya

"Sasamahan mokong matulog! Sila Seb at Colby bumaba na."  Umayos siya ng higa at pumikit.

"WHAAAT? Sasamahan lang kitang matulog dito? Kanina pa ko nagugutom tapos sasamahan lang kita matulog! Tsaka may klase pa tayo! Ayokong mag cut ng class!" Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto

"May stain ka!" O____O

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Stain? Tagos? Menstruation?

HOLY SHIT!

"Pero bahala ka kung gusto mong bumaba. Ikaw naman ang mapapahiya hindi ako." Tinignan ko. At oo nga! Ang Lake pa! Pwede ng mapa ng pilipinas! =____=

Anong gagawin ko? Light blue pa naman yung skirt ko kaya kitang kita! Ang tanga mo kaye!

Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan.

"Tara na. Sasamahan na kita bumaba" Magsasalita pa sana ako pero tinignan niya ako ng masama na sign na hayaan ko na lang siya.

Success kameng nakababa ng hagdan pero ang problema ang daming tao sa corridor at nasa dulo pa yung c.r! Alam niyo namang heartthrob tong kasama ko! Edi yari ako sa mga babae neto! Naku!

"Tatakpan ko yang stain mo. Wag kang magpapahalata. Umayos ka ng lakad" Bulong niya saken. Hindi niya pinapansin yung mga babaeng nakatingin samen.

Mga impakta tong mga babae na 'to! Hinding hindi ko naman papatulan tong unngoy na to noh!

N E V E R

"Sila na ba?" Girl1

"Ang pangit naman nung girl!" Girl2

Kung pwede lang makapatay yung tingin. Kanina pa ko pinaglalamayan dito!

"Bakit sa nerd siya pumatol e andito naman ako?" Girl3 na halos lumuwa na yung boobs niya. Tss

"Echosera ka! Akin lang si Papa Marc noh!" Girl 1

"Walang sayo Andrea! Akin lang si MARC!" Girl 3

Mga bulungan pero rinig na rinig! Ang galing din e! -_- Inyong inyo na 'to! Kung di ko lang naman kailangan 'to, wait let me correct, siya ang nagprisinta na tulungan ako kaya wala akong utang na loob sakanya, okay?

Ang tanga ko kase e! Bakit hindi ko naramdaman na meron ako? KATANGAHAN talaga! Wala pa naman akong dalang extra. Fuck!

Pero buti nalang may dala akong extrang skirt sa locker ko.

--------

A/N: sorry kung bitin hahahahaha just leave comments for suggestions or violent reactions hehez

^Lycaplor

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im Inlove With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon