Joy's POV
Kriiiingggg!
"Drinna!!"
Na gising ako hindi dahil sa alarm clock kundi dahil sa sigaw ni mommy.
"Drinna!! Bumangon ka na dyan! Tanghali na!" Yan talaga ang kadalasang tawag sakin ni mommy.
"Hmmmm." Nag unat lang ako pag katapos ay bumangon na.
"Opo mom!" Sabi ko.
"Bilisan mo, dahil uutusan kita."
Hay nako si mudra talaga. Uutusan na naman ako niyang mag grocery! O Di kaya mamalengke! Psh.
"Opo!" Sigaw ko. Dumeretso na ako ng banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako. Di nga ako nagkamali dahil binigay sakin ni mommy ang listahan ng mga dapat kong bilhin.
Pumunta ako sa pinakamalapit na Super market. Walking distance nga lang eh kaya naglakad lang ako. Pagkarating ko ay tinignan ko muna ang listahan na binigay sakin ni mom.
One tray of eggs
Fresh milk
Cooking oil
Sugar
Margarine
Salt
3 canned of Fruit cocktail
Spaghetti pasta
Spaghetti sauce
Canned goods
Seasoning granules
Assorted biscuits
Instant noodles
3 canned of Condensed milk
Mayonnaise
3 canned of Evaporated milk
At iba pang mga cooking stuff."Andami naman neto!" Bulong ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong kumuha ng mga nasa listahan. Pagkatapos kong makompleto ang lahat ng ipinapabili sakin ni mommy ay babayaran ko na sana ang lahat ng iyon nang matigilan ako.
Haha what about my night snacks?
Kaya ayon pumunta ako sa may mga junkfoods at nagsimulang pumili. Bumili narin ako ng mga soda drinks.
Anyways, mamayang gabi na magaganap ang Christmas party. Isang araw narin ang nakalipas simula no'ng pumunta kami sa mall para bumili ng susuotin namin para sa party. Na-e-excite nga ako eh! Hihi.
Pagkatapos kung mamili ay binayaran ko na sa counter. Lumabas na ako ng Super market dala-dala ang tatlong malalaking plastic bags. Hayysss ke-bibigat naman kasi eh. Malas pa dahil naglakad lang ako! Watalayp! Kaya naisipan kong mag-trycy para mapadali ako. Kapag kasi Taxi, mahal. At saka malapit lang naman.
Lumingon-lingon muna ako, nagbabakasakaling makahanap ng trycy. Nandito parin ako sa may entrance ng Super market. No'ng may makita akong papalapit na trycy ay tumakbo ako, kahit bigat na bigat na ako sa tatlong plastic bags na to. Pero bago pa man ako makapunta sa 'tricycle stop'-- 'charott eh may 'Bus stop' nga eh. Haha' ---ay namalayan ko nalang na natumba ako. What the?
Kaya naman pala, nakalimutan ko palang may maliit na hagdanan pa, pero ang ginawa ko ay dire-diretso lang ako. Hayysss! At alam mo kung ano ang masaklap? Natapon lang naman ang mga laman ng isa sa mga plastic bag na dala ko. Great just great!
BINABASA MO ANG
The Amazona Meets Mr. Mahangin
Teen FictionEvery people dream to have a perfect relationship, but it is not based on how perfect the relationship is. It is based on two people who loved each other no matter what the faith may bring.