[11]Weird feeling

7 1 0
                                    

Kian's POV

Hey there guys! Watsup?
Btw, I'm Kian Kristofer Grande.
Ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa.. Bwahahaha.





Oh walang kokontra ha! Kasalan yan ni author! Siya ang nagsusulat eh,hehehe.

Pagkahatid ko kay Courtney ay dumeretso ako ng bahay. Pagkababa ko ng kotse ay sinalubong agad ako ni Manang Poring.

"Oh iho, akala ko ba ay kakain kayo ng Ate mo sa labas? Hindi ako nakapaghanda ng tanghalian. Nagugutom ka ba? Sandale lang at ipaghahanda kita, maupo ka muna sa sala, tatawagin na lamang kita kapag nahain ko na." Sunod-sunod na sabi niya kaya napangiti naman ako..


"Sige po Manang."




Naupo ako at isinandal ang ulo ko sa headrest ng sofa.



'Haaaaayyyy'




Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Pagod ako pero may tuwa akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kung bakit?



'Weird'



~_~



Naalala ko naman bigla yung paghatid ko kanina kay Courtney habang nasa kotse kami..




'Ang daldal niya,!'


FlASHBACK


"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kalagitnaan nang pagmamaneho ko.



"Ano sa tingin mo?" Mataray niya tugon.


"Sagotin mo nalang kasi."



"Oh sige, kunyari, ikaw---ako." Mahinahon niyang sabi pero may bahid na pagka-sarkastiko. "Tapos sayo yun nangyari? Ano sa tingin mong mararamdaman mo? Matutuwa ka ba? Magiging okay ka ba? Psh." Sarkastiko niyang usal habang nakaharap sakin at naka- crossed arm

Napailing naman ako sa katarayan niya. "Hindi ko alam na masama na pala ang magtanong ngayon?" Tanong ko habang sinusulyapan siya. Inirapan niya naman ako at humarap sa daan..




"Oo, masama ang magtanong! Lalo na kung me----" kusa niyang pinutol ang sasabihin niya.


"Lalo na kung ano?" Tanong ko



"Wala ka na don!" Inis na tugon niya.. Napangisi naman ako sa ka-cutan niya."Anong iningingisi-ngisi mo diyan!?" Inis at mataray niya uli'ng tanong..Mas lalo naman akong napangiti.



"Wala ka na don!" Pangagaya ko sa kanya.




"Psh!" Singhal niya.




"Masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong ko.




"Bakit may sugat bang hindi masakit? Ha?" Naghahamon'g tugon..




"Nagtatanong lang naman, masiyado'ng mainit ulo mo Psh."



"Wag ka na kasing magtanong! Okey!"




"Okeyy boss!"





"Wag mo nga akong maboss-boss! bossngalan kita diyan eh!" Inis na naman'g sabi niya kaya natawa ako. "Alam mo!?. hindi parin pumapasok sa sistema ko yung mga nangyari! Nagugulat parin ako! Kapatid mo ba talaga yung girlfriend ni kuya?" Tanong niya kaya tumango lang ako habang nagmamaneho. "At kilala mo na si kuya noon pa man?" Tanong niya ulit kaya tumango ulit ako. "Grabe! Masyado naman yatang pinapaliit ang mundo natin! Pambihira.! Yung mukha'ng ayaw mong makita, yun naman ang inihahain." Bulong niya sa panghuling linya pero narinig ko parin kaya napangisi ako.




The Amazona Meets Mr. MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon