Letter 1

9 1 0
                                    

Call

"Sis tara babad na tayo!" hila sakin ni Joyce patungo sa pool. Tinatamad pa akong magbabad bukod sa wala pa kasi dito ang kapatid nya.

"Maya na ako sis. Hintayin ko na kuya mo." pilit akong bumuo at magpakita ng ngiti sakanya. Itong babae talaga na  'to. Hindi muna ako sinabihan na late na darating ang kapatid nya.

Nililinis ko ang mga nagkalat na balat ng chitchiryang kinain nila. May mga butas ang mga ito sa gitna senyales na pang pulutan ang mga nasa mesa. Pinunasan ko din ang mesa at inayos ang mga twalyang basang basa na dahil sa pag gamit nila pagka ahon mula sa tubig.

Nakakapagtaka na kung bakit kahit isang text wala man akong natanggap galing sakanya. Pinag usapan naman namin kami kagabi na sasama kami sa lakad na ito kasama ang mga kaibigan namin.

Umupo ako sa isang sulok ng cottage namin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ito ng ilang minuto. Hindi ko maramdaman ang inis o galit sa pagkakataong to dahil mas nag aalala ako kung nasaan ba sya ngayon.

"Sino ka?" habang inaabot ko ang ulo ng tumakip sa mata ko. Basa at matanggap ang dating nya. Hindi sya iyon. Malabo dahil nararamdaman kong basa na ang mga kamay nito.

"Hinihintay mo sya? Hindi na darating yun." sagot nya sakin sabay pagtanggal ng kamay nya sa mga mata ko.

Sandaling nanlabo ang paningin ko dahil sa higpit ng kamay nya kanina.

"Darating yun Joem. Wala naman syang sinabing hindi sya makakadating e." pangungumbinsi ko sakanya at pati na rin sa sarili ko.

"Ikaw ang babae. Kung wala pa sya, tara na at samahan mo kami. Wag kana magmukmok dyan." pumasok na sya sa cottage at umambang hihilain ang kamay ko.

"Ariz, tara na!" hila hila nya ang kamay ko habang pinipigilan ko naman ang paglapit namin sa pool gamit ang paa ko.

"Bakit ba kasi? E ayoko pa maligo." inis na sabi ko sakanya.

"Sige. Bahala ka na nga." pagsuko nya.

Lagi nalang sya ang lumalapit sa akin tuwing nakikita nyang problemado ako kay Nald. Siguro dahil na rin sa magka edad kami at mas nagkakaintindihan kami.

Natapos ang lakad naming yon na hindi sya dumating o sumilip man lang. Kahit isang text o call wala din akong natanggap mula sakanya. Nag aalala ako pero may halo ng galit ngayon. Monthsary namin at mukhang di nya maalala! Sanang hindi na lang ako sumama dito. Kainis!

Umuwi akong hindi maipinta ang mukha ko. Busangot at lagi kong sinisipa ang madadaanang bato o dumi sa harapan ko. Alas dies na! Buwisit na lalaking to bakit hindi sya nagpaparamdam?!

Pinili ko nalang na mahiga na sa kwarto ko. Para mamayang dumating sina mama ay hindi na ako mautusang tumayo at magluto.

Tiningnan ko ang cellphone ko dahil sa ilang beses itong nag vibrate. Haaay. Ano na naman ngayon Joyce? Yung kapatid mo wala ng ginawa kundi idisappoint ako! Iritadong pag kausap ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa ang dumaan hanggang sa nagdesisyon akong tawagan sya. Ngunit hindi pa ako nakakapag dial ng kahit isang numero e tumunog na ang cellphone ko dahil sa tawag ni Joyce. Ano na naman ba gusto nya?

"Sis! Nasaan ka? Naaksidente si kuya kanina kaya di sya nakapunta sa lakad natin! Punta ka sa bahay dalian mo na! Lasing na lasing din sya. Kanina kapa nya hinahanap!" walang prenong sinabi ni Joyce.

"Lumang style na sis. Wala ka na bang bagong technique?"

"Seryoso nga to! Pakinggan mo ha?" narinig ko ang boses ni Nald na lasing nga at parang humihikbi pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Written LettersWhere stories live. Discover now