Chappy 1 : INTRODUCTION 1

93 0 0
                                    

*Bogsh*

*pak*

*krikk*

yan ang mga tunog ng nabasag na itlog na syang pinangbato sakin ng mga mahal kong schoolmate.

Grabe! ang sweet talaga nila.

First day of school nanaman ngayon at eto ako nangangamoy itlog!

Ang langsaaaaa!!

pero teka,parang may kulang??

*Splasshhhhhh*

sabi ko nga pasunod na! di nako nasanay.

Sa tuwing First day of school ganyan sila sakin. para bang pa welcome nila!

Ako nga pala si Aliiyah Krista Samonte. aka FATTY! Alam kong malayo sa pangalan ko ang Fatty pero nasesense ko naring alam nyo kung bakit yan ang nakagawiang itawag sa akin. haha.

Nagsimula akong binyagan sa pagiging "fatty" nung. . .

*flashback*

'Ouch'

sabi nung babaeng maarte na nakabunggo ko.

pero infairness maganda sya ha. parang walking barbie doll.

'sorry po' hingi ko ng paumanhin

'how dare you to touch her' sabi nung alipores nyang maldita na parang coloring book ang muka sa kapal ng make up.

'sorry,hindi ko sinasadya'nakayuko kong sabi

'its okay. FATTY!'

'O.O huh? hindi fatty pangalan ko'

'i dont care,simula ngayon yun na ang itatawag sayo ng mga St Mary University students' *wink* sabay walkout.

hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nya.

At simula nun yun na ang tawag sakin ng mga taga SMU.

Yung babaeng yun pala kanina sya si Zhanella Mary Escobar. Nagiisang anak ng mayari ng SMU si Miguel Escobar. Sikat ang pamilya nila sa pagiging business tycoon.

at dahil nga punong puno nako ng itlog at harina dumiretso nako sa CR at nagbihis. sa pang apat na taon ko ba naman dito sa SMU sanay nako. OO! SANAY NAKO. kada taon nalang ginaganito nila ako.

fourth year nako sa SMU highschool department.

Nakapagayos nako ng sarili at dumiretso na sa assigned room ko.

Jsb 209 English Subject 10:30-12:00 pm

dahil nga unang araw palang ng klase ngayon. ano pa bang aasahan natin? edi WALANG KLASE!. hmp.

after lunch pumunta nako sa next class ko at tulad ng una nag attendance lang at dismiss na.

nagaabang nako ng sasakyan ng maramdaman kong parang may nagmamatyag sa bawat kilos ko. paglingon ko sa kaliwa wala naman sa kanan wala din. pag tingin ko ulit sa kaliwa yun! may lalaking naka all black at nakasumbrero ng itim din.

lubdublubdub

*problema nun*

kinabahan akong bigla. buti nalang at may dumating ng jeep at nakasakay na ako.

*engkkk*

(tunog po ng gate)

'mama nandito na po ako'

'o anak kamusta first day mo?'

'as usual ma,ganun pa din sa previous years ko'

parang wala lang na sabi ko. Alam ni mama mga nangyayari sakin sa school. sinishare ko sa kanya kasi simula pagkabata sya na kasama ko. para na kaming magbestfriend nyan. yung papa ko. hindi ko alam. wala narin akong balak alamin pa. hindi ko narin tinatanong si mama about sa kanya dahil alam kong masasaktan at malulungkot lang sya pag naalala nya pa si papa.

Si mama lang din ang nagtataguyod sakin sa pangarawaraw at sa pag aaral ko sa isang University. Ayaw nya akong magaral sa public school dahil sabi nya kahit dito man lang makabawi sya. Tsaka kaya nya naman daw dahil may naiwan din yung mga magulang nya sa kanya which is yung lolo at lola ko na yumao na.Mag isa lang naman akong anak kaya ok lang

Hindi kami mahirap at lalong hindi kami mayaman. Sakto lang kung baga nakakaraos sa pang arawaraw.

8:30pm na nung matapos kaming magdinner at niligpit ko na ang mga dapat ligpitin at after nun nagpaalam na kay mama para matulog.

after ko mag shower at magpalit ng damit nag update lang ako ng social network ko at natulog na.

*ssssshhhhhhhh*

(tunog ng natutulog haha para bago naman)

AN:

Sorry kung medyo common yung takbo ng story pero tiwala lang. May uniqueness to promise! haha.

Patawad sa typos and wrong grammars.

Pa VOTE at FOLLOW naman po mga mahal. para ganahan si author mag Update.

salamatttt!

mahal ko kayo!

Godbless Us.

PS:

Wala pong pinagbasihan ang story na ito maliban sa pamagat na kung merong Diary ni Eya meron din dapat Diary ni FATTY! haha.

@christinerosary.

Diary ni FATTY by christinerosary.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon