Uncrowned Prom Queen's Remorse

30 1 7
                                    

The day before the Prom. This is it! Bukas na siya! Grabe! Di ako mapakali.

Pinagpapalo ko sa balikat ang best friend kong si Eugene.

"Aray naman... Ree sobra ka na! Nakita mo nang payat payat ko. Bubugbugin mo pa!" Reklamo niya habang hinihimas himas ang namumula niya nang balikat.

Itong si Eugene best friend ko ito since well, 4th year. So ibigsabihin one year pa lang. Nevermind that. Wala naman sigurong kailangan na minumum time para maging best friend mo ang isang tao.

"Eh... Sorry na Euge." You don't pronounce his nickname like 'Yuj'. You pronounce it like this 'U-ge'.

I know. I know. Ang weird and parang ang baduy. Pero iyon talaga ang purpose niyan. Para mang-inis. At tsaka sanay na naman siya diyan eh. Naimpluwensyahan ko na nga yung mga kaklase namin na tawagin siyang U-ge.

Tumingin sa kabilang direksyon si Euge."Hmph. Sorry ka diyan. Libre mo muna ko ng chicken."

Aba! Kailangan ko pang suhulan itong matampuhing bata!

Saktong sakto naman ay di ko namamalayan na dinadala na pala kami nang mga paa namin papunta sa canteen.

"Yung may kanin ah." Dagdag nito.

Choosy pa ang bata! Well, wala na akong magagawa. Nandito na eh. Tsaka best friend ko naman siya kaya maswerte siya.

Pagdating namin sa bilihan ng pagkain. Ilinabas ko ang wallet ko at binuksan ito para kumuha ng pera. Napansin kong sumisilip si Euge.

"Daming pera ah. Gawin mo nang two piece chicken para masaya." Tuwang tuwa nitong iniuutos sa akin.

"Ano ka? Sinuswerte? No way! Tama na yung isa. Kahit naman kumain ka nang two piece chicken ay di ka na tataba." Inis kong sinagot.

Two piece pa siyang nalalaman. Ang mahal mahal kaya ng chicken nila dito. Isang piraso 25 pesos. Hindi naman masarap yung chicken. Sandamakmak na harina.

"Ouch naman, Ree. Ang sakit nun ah." Hinawakan pa niya ng mahigpit yunh dibdib niya. Ang arte.

"Tse! Buti ka nga diyan hindi tumataba kahit anong kainin. Eh ako? Konting kain, tataba. Kailangan pang imonitor yung pagkain ko." Go lang Ree! Ibuhos mo lahat ng emosyon mo! Itaguyod mo ang bandila ng tumataba kahit konti lang kinakain!

"Te, Bibili po ba kayo?" Tanong nung baklang tindera.

"Ay! Opo. Sorry po. Bibili na po siya." Nagbow ako as a sign of excuse tapos binigay ko na yung 25 pesos kay Euge.

Narinig kung dumaing si Euge. "Sabi ko two piece eh." Ngumuso pa siya.

"Hoy! Wag kang ngumuso! Di ka cute." Saway ko sa kanya.

Kala mo naman cute. Di naman. Matapos niyang bilhin yung chicken harina with rice naghanap kami ng upuan. Habang naghahanap may narinig kaming isang boses ng lalaki na tumatawag kay Euge.

"Eugene!"

Lumingon kami sa likod at sinalubong ako ng mga petals ng rosas. Joke. Feelers lang ako. Nakita ko si Giselle. The love of my life.

"Uy! Selle! Bakit?" Tuwang tanong ni Euge habang ako di makatingin sa kanya nang maayos.

Ginalaw ng konti ni Giselle yung dalawang upuan sa magkabilang gilid niya. Oh my god... Pinapaupo niya ba kami? At sa tabi pa niya?

I can feel my heart just skipped a beat. Wait lang! Yung puso ko baka tumalon palabas ng ribcage ko!

"Ree! Uy! Upo ka na din. Anong tinatayo mo diyan?" Tanong ni Giselle.

Uncrowned Prom Queen's RemorseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon