Ng imulat ni Luhan ang kanyang mga mata ay tila ba pumasok na naman sya sa mundo ng kamalasan. Tila, mas ginugusto nya pa ang matulog nalang habang buhay kaysa ang makita at makausap na naman ang mga taong kinamumuhian nya ng sobra..
Mabilis syang tumayo sa kinahihigaan, kumain ng umagahan na kung saan ay tira tirang kanin lamang at kakaunting ulam. Nakasanayan na rin ni luhan na ito ang kanyang kinakain. Dahil ito na rin ang nadaratnan nya, araw araw
Si Luhan ay kasalukuyang nasa isang carnival. Dito sya namamalagi, dahil inampon sya ng isang mayamang lalaki na nagmamay-ari ng carnival na iyon. Si Baekhyun.
Matapos nyang kumain ay naglakad lakad sya sa buong carnival at sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nakita nya si Chanyeol at Baekhyun na nage-ensayo para sa kanilang palabas para mamayang gabi.
Si Chanyeol ang paboritong anak anakan ni Baekhyun. Na kung tutuusin nga e si Chanyeol lamang ang tinuturing nya bilang anak anakan at ang iba ay tila walang kwenta na para sa kanya.
Sikat si chanyeol sa kanilang lugar bilang "fire eater" or "fire master" dahil sa magaling nitong mga palabas kung saan nagbubuga sya ng apoy. Samantalang si Luhan, tanging ang "kunwaring" pagpapalipad lamang nya ng mga bagay sa paligid ang naipapakita nya.
Karaniwan nga ay panimula lamang si Luhan para sa palabas ni Chanyeol. Hindi sya nabibigyang atensyon ng mga tao. Iyon din ang dahilan kung bakit galit sa kanya si baekhyun. Dahil "wala daw itong kwenta"
Naglakad syang muli papunta sa kung saan. Naupo sya panandalian sa may damuhan para magmuni muni. Nagiisip isip kung ano pa nga ba ang rason nya para mabuhay pa.
Labing dalawang taon pa lamang si Luhan pero ito na ang nasa isip nya. Marahil, ay dahil sa ipinapakitang kalupitan sa kanya ni baekhyun at sa araw araw na pagpapamukha sa kanya na wala syang kwenta.
"Psh, kailan ba ako nagkakwenta para sa iyo" bigkas ni Luhan sabay hagis ng batong kanyang napulot mula sa di kalayuan
muling tumayo si Luhan para bumalik na sa kanyang tent at magensayo na rin para sa palabas mamayang gabi. Naglalakad sya nuon ng mapansin nya ang isang magarang sasakyan na nakatigil sa harap ng tent ni baekhyun..
Bihirang tumanggap si baekhyun ng bisita. O kumausap ng ibang tao man lang. Kung kakausap man ito ng kung sino e yung tipong alam nya na malaki ang kikitain nya o may mahihita sya..
dahan dahang lumapit si Luhan sa tent ni baekhyun para sumilip sa kung sino man ang naandun.
Pagsilip ni Luhan ay nakita nya ang isang lalaki. May katandaan na pero hindi masyadong halata. Matikas ang tindig at halatang halata dito na anak mayaman o galing sa mayamang pamilya.
"Asahan mo naman, aalagaan ko sya ng mabuti. Ituturing ko sya bilang anak" sabi ng bisita ni baekhyun
"Pero, lahat ng mga bata dito ay mahalaga sa akin, itinuturing ko sila bilang bahagi ng buhay ko. Mahal na mahal ko sila, lalo na si Luhan dahil sya ay paborito ko.." bigkas ni Baekhyun
"Magkano ba ang kailangan mo? Magbibigay ako kahit 20 million pesos" sagot naman ng bisita ni baekhyun..
hindi alam ni Luhan ang mararamdaman nya. Para syang tumigas na parang yelo sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig at hindi alam ang sasabihin. Tumulo nalang bigla ang kanyang mga luha...
"Mahal na mahal ko si Luhan.. kaya sana, makapagbigay ka, kahit 30 million pesos" aya naman ni Baekhyun sa kanya.
Mabilis na kinuha ng kanyang bisita ang kanyang mga cheke. Inabot iyon kay Baekhyun. Bigla namang napangiti si Baekhyun pero pilit nya pa rin iyong itinatago dahil baka magbago ang isip ng kanyang bisita..
"Sana naman, pwede ko na syang dalhin ngayon" bigkas ng kanyang bisita
mas lalong umiyak si Luhan ng marinig iyon. Hindi dahil sa ibinenta sya, pero dahil sa pagsisinungaling ni baekhyun tungkol sa kanya.. Mahal? paborito? ni minsan hindi nya yun narinig mula sa mga labi ni baekhyun. Muli syang napasinghot at mabilis na naagaw ang atensyon ng dalawa
"Speaking of the Devil" bigkas ni baekhyun "pasok ka dito anak" aya nito kay Luhan..
dahan dahang pumasok si Luhan sa loob ng tent at lumapit kay baekhyun. Tumingin sya sa lalaking nasa kalapit nya at binigyan sya nito ng ubod tamis na pagngiti.
"Sige, isusunod ko nalang sya sa inyo" bigkas ni baekhyun sa lalaki
"Sige, mag-iintay ang kotse sa labas"
Nginitan ni baekhyun ang lalaki at ng makalabas ito ng tent ay tinignan ng masama si Luhan
"O ayan! magpasalamat ka at may gusto pang umampon sa iyo. Ayusin mo yang trabaho mo, wag kang tatanga tanga! Ayaw kong magsisi sya na binili ka nya sa akin dahil kung sakaling ibabalik ka nya, tandaan mo. HINDING HINDI NA KITA TATANGGAPIN"
tumungo si Luhan tanda ng kanyang pagsang ayon sa sinabi ni baekhyun..
"At oo nga pala, wala kang dadalhing kahit anong gamit dito. Mahiya ka naman, ang tagal na kitang pinapakain pero anong nahita ko sa iyo? wala diba? Yang damit mo, sige, iyo na yan. Pero babayaran mo pa rin yan sa akin pag tanda mo.. Kuha mo?"
tumango si luhan..
"SAGOT!!" sigaw sa kanya ni baekyhun
"O--opo" mangiyak ngiyak na sagot sa kanya ni Luhan
"O sya, lumabas ka na dun at nag-aantay na yung tatanga tangang bumili sa iyo. Sana lang hindi sya magsisi sa pagsasayang ng pera para sa iyo. HAHAHA"
BINABASA MO ANG
Checkmate [HunHan Fanfic]
Fanfiction“A simple PAWN is not just for sacrificing.. cause it can also defeat even the mighty king”