Chapter 1 ~

308 12 1
                                    

Pagkalabas ni Luhan mula sa tent ni Baekhyun ay inabutan nya ang bisita nito sa tapat ng kanyang kotse. Nakangiti pa rin.

"Umm, nadala mo na ba yung mga gamit mo?" tanong sa kanya ng lalaki

"Wala akong kahit isa" sagot ni Luhan habang nakatungo pa rin

"Ahh ganun ba? Sige, ako na bahala. Pasok ka na dyan sa kotse" aya nito kay luhan

kahit punong puno ng pagtataka si Luhan ay pumasok pa rin sya sa loob ng kotse. Ano pa nga ba ang ikinatatakot nya? Ang mamatay? Kung pagkamatay lang din naman, ay parang matagal na itong nangyari sa kanya, dahil sa mga naranasan nya kay baekhyun..

Nagsimula ng umandar ang kotse at si luhan ay naiwan pa ring nakatulala. Nakatingin sa bintana, nakatingin sa kawalan. 

"Alam mo ba, gustong gusto ka ng anak ko" bigkas ng lalaki sa kanya.. pero hindi pa rin ito pinapansin ni Luhan at patuloy pa rin sya sa pagmumuni sa labas ng kotse.

"Umm. Ako nga pala si Junmyeon, ikaw si Luhan diba?" biglang napalingon si Luhan sa kanya

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtatanong ni Luhan sa lalaki

"Umm. Lagi kasi kaming nanunuod ng anak ko sa carnival nyo. Gustong gusto ka nga nya eh" parang biglang nabingi si Luhan dahil sa mga narinig nya..

"Ha? Ako? Gusto? Ano bang ginawa ko sa carnival na yun?"

"Malaki ang papel mo dun Luhan.."

"Wala akong kwenta" sagot nito sa kanya

"Hindi yan totoo, dahil hindi mabubuo ang carnival nyo kung wala ka"

"Mabilis lng akong mapalitan" mabilis na sagot sa kanya ni Luhan

"Ibang iba ka Luhan"

"Ano bang alam mo sa akin ha? Bakit kung makapagsalita ka dyan, akala mo, alam mo na ang lahat! Wala ka nung naghihirap ako, wala ka nung panahong gusto ko ng sumuko. Wala ka dun! Kaya wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat sa buhay ko!"

napatahimik si Junmyeon atsaka sya muling binigyan ng matamis na ngiti.. na sya namang pinagtaka lalo ni Luhan

"Wala nga ako dun. Kaya gusto kong bumawi ngayon." nanlaki ang mga mata ni Luhan ng marinig iyon kay junmyeon..

"Ano bang gusto mo sa akin?" pagtatanong ni Luhan sa kanya

"Oo nga pala.." tinignan ni Junmyeon si Luhan ng seryoso.. nawala ang mga ngiti nito sa kanyang mukha "Luhan.. gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo"

"H-hhaaa? P-pabor? Ano yun?" pagtatanong sa kanya ni Luhan

"Gusto ko sanang maging kaibigan ka ng anak ko" 

nanlaki ang mga mata ni Luhan matapos na marinig iyon sa mga labi ni Junmyeon. K-kaibigan?? Ni minsan ay hindi pa sya nagkaron nun. Ni hindi pa nga sya nakakakita ng tunay na magkakaibigan. 

Siguro nuon, may naituring na syang kaibigan nung nasa orphanage pa sya, pero ibang iba yun. Nung nasa orphanage pa sya, kitang kita ang pagtutunggali ng bawat isa. Pagtutunggali sa kung sino ang unang ma-ampon at kung sino ang dapat mahuli. 

"Kaibigan?? Malabo" sagot sa kanya ni Luhan

"Bakit naman??" paguusisa naman sa kanya ni Junmyeon

Checkmate [HunHan Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon