Nakabalik si Alexa sa condo niya dala ang wallet nito na naglalaman ng libo libong pera at mga valid IDs niya.
Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit hindi niya ito binuksan at siguraduhin kung may nabawas ba rito. Sa halip na magduda siya sa taong iyon ay pinagkakatiwalaan niya ito, sa halip na bilangin niya at e-check ang mga laman ng wallet niya pero kabisado siyang wala ni isa ang nabawas rito.
Bago pa man siya makaakyat sa elevator, tumungo muna siya sa cashier upang bayaran ang pagkaing inorder niya sa pananghalian at sa ganoon ay mabawi narin ang valid I.D. niyang nandoon.
Bumalik siya sa condo niya na bagsak ang paa't mga mata. Dalawang oras siyang gumagala sa labas kaya pagod ito.
Habang nakaupo sa mesa at umiinon ng tubig, hindi maialis kay Alexa ang mukha ng binata, hindi niya alam kung bakit pero noong nakita niya ang mukha nito ay biglang nagbago ang lahat.
Ayaw na niyang masaktan pa kaya hindi na siya nagpapaloko kahit na sino mang lalaki at kitang kita naman sa mukha ni Xandre ang pagkababaero at pagkamalapitin nito sa mga babae kaya ngayon pa lamang ay iniiwasan na niya ito dahil alam niya na kung magpapadala siya rito ay siya lang itong luhaan sa huli.
Ngunit kahit anong pilit niya sa sarili niya na huwag isipin ang binata but she couldn't help it. Patuloy paring gumugulo sa pag-iisip niya ang lalaking nakasayaw niya, ang lalaking naka date niya at ang lalaking naka-one night stand niya.
Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya alam kung sino ang lalaking ito, she even don't know the background of this guy, pero bakit? Bakit ganoon na lang kalakas ang epekto nito doon kay Alexa?
Wala nang ibang magawa si Alexa kung hindi ang palipasin ang oras na habang tumatakbo sa isip nito ang binata.
Bigla itong napatingala nang maisipan ang tanging solusyon upang malibang siya. Hindi niya kaya ang lahat ng 'to, para itong sirang plaka na pabalik balik sa isipan niya, ang mukha ni Xandre.
Agad itong nagtungo sa elevator upang pumunta sa grahe at nagmaneho patungo sa Mall.
Shopping ang tanging naisip niyang libangan, window shopping.
Maya maya ay nakarating ito sa mall na paborito niya.
Tama nga siya, nalibang siya sa ginagawa niya, naalis sa isip nito ang mukha ng binata at nasiyahan naman siya dahil dito.
Habang pumipili ng jeans, biglang napakunot ang noo nito nang makita ang lalaking nasa gilid niya.
“Ikaw?” gulat na tugon niya. Hindi niya maiwasang mainis. Pumunta nga siya rito sa mall upang malibang at makalimutan ang binatang iyon tapos ngayon? Makatagpo sila dito? Sa loob ng mall. Damn that destiny!
“Akala ko hindi na tayo magkikita pa ulit.” ngitong wika ni Xandre sa dalaga.
“Are you following me?” sarkastikang wika ni alexa sa binata. Hindi niya maiwasang mainis sa binata lalo na kapag nakita niya ang mga ngiti nito na animo'y mas lalo siya nitong iniinis.
“Following? Sa tingin mo? Sino nga ba ang sumusunod sa'tin? You're in the next of me. Ngayon? Sino ang sumusunod sa'tin? ” Ngiting wika ng binata. Halos puputok na sa galit si Alexa habang nakipagtunggali ito sa binata.
“Exuse me mister? Baka nakalimutan mong Jeans for Girls ito? At? Bakit ka nandito? Ngayon? Sino ang sumusunod sa'tin?” Iritadang wika ni Alexa.
Napailing na lang ang binata na animo'y wala nang maibigay na palusot sa dalaga.
Oo, sinusundan niya ang dalaga. Pero nagkataon naman na nagkatagpo sila sa mall na ito kaya sinamantala na niya ang pagkakataon.
“Ahhh! Basta... Baka tayo nga talaga ang tinadhan para sa isat-isa. Tingnan mo? Palagi tayong pinaglalapit ni tadhana.” Ngiting tugon ni Xandre kay Alexa.
Napakunot noo na lang si Alexa at saka ito umalis sa Jean's Room at lumabas na lang ng Mall habang nakamartsa ang paa. Bad trip! Pumunta nga siya sa mall upang malibang ngunit pati ba naman dito nandito si Xandre? Tadhana nga ba ang tawag dito?
Napalingon ang dalaga nang mapansing panay sunod ang binata sa kanyang likuran, huminto ito at binigyan nang matulis na tingin.
“Are you teasing me? Kung iyon ang gusto mo, okay succes! You did it!” inis na tugon ni Alexa. Sa lahat na hindi niya gusto ay ang palagi siyang iniinis, she's mature enough to be treated like this.
Pero iba ang binatang ito, habang iniinis siya at kinukulit ay hindi niya maiwasang mapangiti sa isip. Niinis siya dito pero ang puso nito'y halos mabiak na sa kakatalon nang malakas. Wika nga nila, Actions speak louder than voice, kaya pinilit niyang ipinakita sa binata na hindi siya interisado sa kanya.
“Masama bang sinisiguro ko lang na napawi na ang galit mo? Alam mo ba? Ang mga taong galit at wala sa sarili habang naglalakad o 'di kaya'y nagmamaneho sa kalsada ay siyang dahilan ng pagkaaksidente? ” tugon ng binata.
Hindi maiwasang mapakunot noo ang dalaga sa mga pinagsasasabi ng binata. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasasabi nito, kung maging masaya ba siya dahil may pakialam ito sa kanya o magalit dahil patuloy ito sa pagsunod sa kanya na parang aso.
Ang totoo'y pinipigilan lang ni Alexa ang sarili niya na mahulog ang sarili kay Xandre sa mga ka-sweetan nito sa kanya. Kakabreak-up pa nga lang niya nitong nagdaang linggo tapos another love life nanaman? O should she say another pain nanaman?
Akmang bubuksan na sana niya ang kotse nang harangin ito ng binata.
“Tumabi ka nga diyan! ” Inis na tugon ni Alexa kay Xandre.
Nanatili parin itong nakaharang sa pinto ng kotse niya. Napabuntong hininga na lang ito habang hinihintay na umalis ang binata pero hindi. Napapikit mata na lang ito tsaka ibaling ang tingin sa deriksyon ng binata.
“Okay, what do you want?” Mahinang wika ni Alexa. Mas mabuti na atang direct to the point na ito at sa ganoon ay maiwasang mapahaba ang lahat ng 'to, at sa ganoon ay maiwasang mairita pa siya lalo.
“Ride you home.” tipid na tugon ni Xandre sa dalaga.
Biglang napailing si Alexa nang banggitin ng binata ang katatagang iyon.
Umirap na lang ito at saka ibinalik ang tingin sa binata.
“Deal. Hatid lang naman hindi ba?” sang-ayon pa nito sa gusto ng binata.
“Hmmm? More than that!” wika ng binata na siyang nagpapakunot noo sa dalaga.
Is he making his move?
“Ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong nito.
“I want to sleep beside you” ngiting wika ng binata kay Alexa. Hindi alam ni alexa ang nararamdaman niya matapos marinig ang binanggit ng binata. Totoo ba ito? O baka'y biro lang?
“Ano?” ang tanging lumalabas sa labi ng dalaga.
“'di joke lang. Alam ko namang hindi ka papayag, eh.” Wika pa ng binata kaya nakahinga naman nang maluwag ang dalaga matapos bawiin ng binata ang sinasabi nito. “So, lets go?” mahinang tugon ng binata bago niya binuksan ang pintuan ng kotse.
BINABASA MO ANG
Seduced 1: Xandre Villanueva
RomanceWARNING: R-18 "I like making lust with other girls, ngunit nang makilala kita, doon ko nalaman ang totoong pag-ibig." - Xandre Villanueva SEDUCED #1