xx1:

9 1 0
                                    

"Good Morning po." Sabi ko ng nakangiti sa aming kapit bahay namay katandaan na.

Ngayon ay papasok na ako sa aking trabaho bilang isang Receptionist sa isang Hotel dito sa Makati.

Habang nakasakay sa bus ay kinuha ko ang aking earphones at nagpatugtog na lamang. Nang lumapit na yung kundoktor saka ko ibinigay ang aking bayad.

"Miss, wala ka pa sa trabaho mo nakagwantes kana kaagad. Kung ako sayo tanggalin ko muna iyan at baka madumihan." Sabi ng kundoktor saka inabot ang aking bayad.

Isang ngiti na lamang ang aking isinagot. Bakit nga ba kailangan ko pang mag gwantes eh wala pa naman ako sa Hotel?

Simple lang. Ayoko ng mangyari ulit yung dati.

--------

"Uy. Nandito kana pala. Pumunta ka na sa table mo. Nandoon si Sir!" -Pambungad saakin ni Rem dito sa restroom

"Bakit daw nandoon si Sir? Wala naman akong nagawa ah? Kakadating ko nga lang eh." Anobayan. Baka papagalitan nanaman ako ni Sir.

"Tongaks. Pano ko malalaman, ako ba sya? Hindi diba. Kaya pumunta kana roon para malaman mo. Jusko umagang umaga pinapahigh blood mo ako Ac." Sabi bya sabay alis sa restroom.

Sya si Kayla Morem. Kilala bilang Rem. Isa syang receptionist tulad ko.

Makapunta nga lang doon at baka hinihintay na ako ni Sir.

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na kaagad si Sir. Kahit sa malayuan ay kitang kita ko ang kanyang kagwapuhan. Oo gwapo si Sir. 25 years old pa lang sya kaya mas matanda sya saakin ng 3 years.

"Where have you been?" Tanong nito saakin nung makarating ako sa table ko. Eto nanaman tayo.

"Eh kasi Sir--"

"I told you to call me by my name." Pagpuputol nya saaking salita.

"Hello! Sir Ryder, nasa trabaho tayo ngayon. Kahit pa sabihin natin na close tayo. Di pwede ha?" Sabi ko sabay binigyan sya ng matamis na ngiti.

Napansin ko namang nanlambot ang ekspresyon nya dahil sa aking ngiti. Kaya napangisi ako at sinimulang ayusin ang table ko.

Hanggang ngayon ay nandito parin sya sa harap ko, pero hindi sya nagsasalita. Hindi ko na lang sya pinansin dahil aalis din naman sya dyaan.

"Oy! Kayong dalawa. Mamaya na ang landian. Trabaho muna. Nako!" Singit ni Rem. Nakalimutan ko ka table ko pala si Rem.

Tinignan ko naman si Ryder na hanggang ngayon ay nakatitig parin sya saakin. Dahil nakatitig sya ay kinindatan ko sya.

"Ugh! Fine. Do your job well. I'll go here later before your lunch." Sabi nito atsaka hinalikan ang aking noo. Kita ko naman sa mga mata nya na ayaw nya akong iwan pero wala syang magagawa.

"Ikaw naman kasi te, ayaw mo pang sagutin." Sabi ng katabi ko na may pailing iling pang nalalaman.

Nanliligaw ba sya? Hindi naman eh. Nagbibigay lang ng chocolates, roses, sabay kumain, at hinahatid ako pauwi.

"Hindi kaya"

"Anong hindi?! Hay nako. Ewan ko ba sayo Ac. " sabi nya habang umiiling

Di ko na lamang sya pinansin pa at baka kung saan pa mapunta ang aming usapan.

Sunod-sunod ang mga nagchecheck in dito sa Hotel. Kung sabagay ay sikat ito.

Tinanggal ko rin muna ang aking gwantes dahil pinagpapawisan na ang kamay ko. Kadire.

"Good Morning! Welcome to High Wind Hotel."

"Hi,Good Morning. I'd like to make a reservation for one day on the third weekend in March. Do you have any vacancies?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon