Acceptance

4.8K 155 0
                                    

*Cia's POV

Hindi. Hindi totoo ito. This is just a damn nightmare. Masamang bangungot kung tatawagin ko. Ayoko ng ganito!

Ayokong tingnan kung paano ibaba ang bangkay ni Stefan kasama ang bangkay ni Maxine.

Unti-unti kong nilapitan ang bangkay ni Stefan kahit masakit kakayanin ko. Ngayon ko lang napansin ang Golden chain sa mga leeg nila. Nakabaon ito at halatang

Naaalala ko na ang lahat. Feeling ko napakasama ko! Napakamasarili ko! Nakaligtas ako? Mantalang si Stefan. Hindi! Ayoko na!

Ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ako. Kasabay ng pagkaramdam ko na may tao sa likod ko.

Tanda ko ang amoy ng pabango niya. Kaya hindi ako nagkakamaling siya nga yon.

"Alam kong nagluluksa ka ngayon. Pero uuwi na tayo. Hindi lang ikaw ang nabigla"

"Can you leave me? I just... I just need space."

Alam ko ang nararamdaman ni Denver. Nagluluksa din siya katulad ko. Masakit? Oo siyempre! Kahit ilang araw lang kami nagkakilala. Nalulungkot ako para sa kanya.

*Denver's POV

Hindi ko matanggap na ganun-ganun lang ang nangyari kay Stefan!

Shit!

Pinatay siya ng ginagalang niya! Napakasama mo Xyper!

Nalalapit na ang delubyong gusto nila! Ipaghihiganti kita Stefan! Wag kang mag-alala.

Alam ko na umpisa pa lang na nabuo ang R.D.K may magtatraydor na. Gusto nilang mapasakanila ang Supremong dati pa nila hinihiling.

Inayos ko ang sarili ko. Naghilamos ako. Sadyang hindi ko pa rin tanggap.! Kinuha na ng mga magulang ni Stefan ang bangkay niya. Mas maigi daw kung sa daegu ililibing ang bangkay ni Stefan.

Napahinto nalang ako sa pagtitig ko sa salamin ng mag vibrate ang phone ko.

From:Unknown Number

Nag-uumpisa pa lang ang delubyo. Wag mo nang hintayin na pati ang babaeng mahal monay madamay. Nawalan ka na ng kaibigan. Hindi mo naman siguro gugustuhing mawalan ng kaisa-isang mahal mo sa buhay diba?

Walanghiyang Clyde! Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Cia...

Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang hideout nila Clyde. Wala na kong paki kung mamatay din ako katulad ni Stefan. Basta maligtas lang si Cia.

Ramdam ko ang luhang pumapatak ngayon. Hindi ako sigurado sa gagawin ko.

Palubog na ang araw ng makarating ako sa hideout nila. Ngayon pa lang nagsisimula ang Delubyo. Delubyong matagal na nilang hinihiling.!

Pumasok ako sa loob ng hideout nila. Sobrang dilim at kahit katiting na ilaw wala kang makikita.

Naglalakad ako kung saan. Hindi ko alam ang patutunguhan ko. Or let's just say na. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Lakas din ng loob mong pumunta dito?"

"Psh. Hindi naman ikaw ang may ari neto diba?"

Bumungad agad sa harapan ko ang mukha ni Clyde. Gusto kong sapakin siya sa mukha pero wala pa akong lakas para gawin yun. Mag-isa lang ako at 5 sila. Alam kong may patalim sila. Ako wala.

"Gusto mo na din bang sumunod kay Stefan?"

"Eh kung isunod din kay kita?"

Napapikit nalang ako ng akmang tinutukan ako ni Clyde ng baril. Alam ko kahit anong oras ay maaaring mapasabog niya ang ulo ko.

"C-clyde? A-ano to?"

ACCIDENTALLY INLOVE WITH A GANGSTER [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon