Episode 5

5 1 0
                                    

Angel's POV

Pagkatapos ako iwan ng kambal.
Syempre inubos ko muna yung fries bago ako umalis.

Sayang kaya no! Laman tyan din yun.  Alas onse na nung lumabas ko ng Mcdo.

Wala ng masasakyan.
Ohmygash. Why I did not think about this? Dapat nakisabay nako kina Dush na. What a piece of art, angel.
Bravo.

No choice ako kundi maglakad pabalik ng dorm.

Dalawang kanto ang kailangan kong iliko bago makarating sa Dorm. And I can feel chills. Ohmygash.

Wag mo kasing takutin ang sarili mo Angel!
Pinapagalitan ko sarili ko.

Bago ako nagsimulang maglakad. Inayos ko yung sintas ng sapatos ko, malay mo mapasabak ako sa takbuhan.
Ang hirap kasi kapag nasa probinsya, mahirap ang sasakyan kapag ganitong oras na.

Tinali ko ang mahaba kong buhok, at sinuot ang hood ng jacket ko.

Nagmusic pa ako, para bawas chills.

Then larga na.
Naglakad na ako habang iniisip yung nangyari kanina.

Totoo nga na kung sino pa 'yung mayayaman sila pa yung magulo ang pamilya.

Pero maswerte parin sila kasi nakasama nila ang mga magulang nila.

Naisip ko nga sino kaya mga magulang ko? May mga kapatid ba ako? Or baka naman unwanted child ako kaya ako pinaampon?

I always thought of that pero ayoko mag overthink.

Sana makita ko na rin mga magulang ko, isip-isip ko habang nakahinga ng maluwag na last na kanto na yong lilikuin ko.

Hinanda ko muna sarili ko kasi ang dilim talaga netong dadaanan ko.

At naglakad na nga akoo,
*inhale *exhale *breaaaatthh
*breaaath *inhalee

"That won't help--"

"Wah!!!!!" Kakaripas na sana ako ng takbo ng mabilis naman akong nahuli nung nagsalita-wait?

"Ero?" Gulat na gulat na sabi ko.
Aba naman! Sino ba naman di nagugulat.

Susmaryosep naman! Akala ko tatakas na ang kaluluwa ko sa katawan, kung itong kasing tangkad ata ng kapre e bigla bigla magsasalita sa madilim na daanan! Josqo!

Tinignan nya lang ako ng walang emosyon. Ito palang ang padalawang emosyon or attitude na nakita ko sakanya, hm patatlo pala.

Una inosente na mabait.
Pangalawa, pilyo at bully.
Pangatlo, ito. Seryoso at diko mabasa? Hindi ko alam kung ano bang iniisip nya.

"A-anong ginagwa mo dito?" Sunod na tanong ko habang mariin na tinatanggal yung mahigpit na pagkakakapit nya sa braso ko.

Tinitigan nya lang parin ako.

"Uy...yung yung.braso ko kasi, ma-sakit" medyo nagmamakaawa kong paalala dito sa lalaking tigtig na titig parin sa mga mata ko tapos magkasalubong na yung kilay nya.

"Hey.." Saway ko sakanya, lalo kasing humihigpit yung pagkakapit nya.

Pinaulit-ulit ko pa syang sinabihan na bitawan ako kasi masakit talaga yung pagpapahawak nya sa braso ko. Tapos di nya ako kinikibo.

"ALAM KONG MAY DINADALA KANG PROBLEMA ERO! PERO WAG MO NAMAN AKONG IDAMAY! BITAWAN MO NGA AKO!" Sigaw ko sa pagmumukha nya. Nakakabadtrip sya.

Bigla bigla syang susulpot tapos mananakit sya.

Dahan-dahan nyang binitawan yung braso ko at lumambot yung way ng pagkakatingin nya sakin.

Iba-ibang emosyon ang nakita ko, nagagalit, nagiguilty, nasasaktan and he looks like he's lose because of those messing mixed emotion he has.
Medyo naguilty naman ako don sa pagsigaw ko sakanya.

"I'm sorry." Yun lang nasabi nya, tinignan nya pa yung, ewan ko baka namaga ko na na kamay tapos tinignan nya rin ako ng diretso sa mata na parang nagsosorry sya.
Tapos naglakad na sya paalis.

Medyo naguilt ako kasi, alam kong may problema sya dapat diko nalang sinigawan.
Hays, di na kasi bearable ang sakit nung kapit nya sa braso ko e.

Pero nakakaguilty parin na diko manlang kinonsider ang nararamdaman nya.
Bahala na nga

"Hey.." Pigil ko sa paglalakad nya.
Tinignan nya nanaman ako na parang nakakalunod yung mga tingin nya na yun.

Hindi ba naiinis ako sa lalaking to? Bakit ganito sya? Hindi ko sya maintindihan. Mean sya sa school tapos kapag wala ng tao na nakakakita sakanya sobrang soft nya tignan.

Ano ba talaga ero?

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya bago pa ako tuluyang malunod sa mga tigtig nya.

Tinaggal ko yung pagkakapit ko sa wrist nya.
At yumuko naman sya.

Hinintay ko syang magsalita ng halos isang minuto o dalawa. Pero wala syang sinabi.

"Uhm..I'm sorry kasi nasigawan kita. Its just. Uhmm-

"Pwede mo ba akong samahan?" Biglang tanong nya

Sa sobrang gulat ko sa sudden na tanong nya di agad ako nakasagot.

"Kung ayaw mo, okay lang naman" aamba na syang umalis pero pinigilan ko

"Sure!" Masigla kong sagot at malawak na ngiti ang ginawa ko.

Medyo tumaas naman kilay nya.
Tsh masungit parin!

Pero talagang nakakasurprise tong gabi na to dahil kinapitan nya ako sa kamay at nagsimulang maglakad sa diko alam na patutunguhan.
--------------------------
I know its short but my head has lot of ideas at this moment na gusto kong isulat.

Piero just held her hand! Ohmygash. I kennat. Lol
Kbye!
Do not be just a silent reader, comment what you want to saay. Mwa!

Typical AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon