Episode 6

22 2 0
                                    

"Gusto mo bang pumasok?"  tanong ko dito sa lalaking kasama ko. Tinignan nya 'yung building na tinutuluyan namin.  

Sa totoo lang, sana wag na sya pumasok. Eh kasi naman 'tong lalaking to. Akala ko maingay to? Bakit parang wala ngang dila to eh. Antok na antok na ako tapos may pasok ako ng 7:30 bukas at heto ako kakauwi palang. 

Iniopen ko yung phone ko at tinignan kung anong oras na. 

Di na ako magtataka kung ala una na ng umaga. Aba naman, inikot ata namin buong bayan. Ang sakit na ng paa ko, napanis pa ata laway ko. As in, di nya ako kinausap miski niHo niHa, wala! Pambihira naman tong si Piero na 'to, sana kung gusto nya may kasama sa pagtotroll ng naglalakad edi pinasama ko nalang sana sakanya si Bantay ko at inampon  nya nalang sakanila para may mag alaga sa aso ko. Hays, iniwan ko kasi 'yon sa ampunan bawal kasi magdala ng aso dito sa dorm. 

"Pumasok kana."  sa wakas naman  nagsalita na sya, akala ko trip pa nyang magovernight at magpalamok dito sa labas e. 

"Okay, ingat ka." sagot ko naman sa antok na tono, nag-ilang hakbang ako nung maramdaman  kong umalis na rin si Ero sa wakas.

Tapos nagvibrate 'yong phone ko kaya napahinto ako. Kinuha ko ulit phone ko sa bulsa ng hoodie at tinignan kung sino magtitext ng ganitong oras.

1 New Message Received 

Leana

Hey, where are you?

Oh? Nagising pala sya. Nagtipa ako ng reply at napatingin muli sa oras.

1:09 AM

Wala sa sarili kong  binilang kung ilang oras nalang ang tulog ko bago mag six ng umaga. 

hmm, siguro mga 4 hours?  Ah 5 hours pa naman. 

5 lang? Wala nanaman ako matutututunan bukas, lutang nanaman ako.

Tsk, panigurado late ako neto bukas. Pano ba nama--

"5"

"5 bukas?" pagsabay nung boses sakin. Ohmy. Sino 'yon? Dahan-dahan ako tumingin sa likod ko at. 

"Wah!" sigaw ko, at tinulak kung sino man 'yong biglang kumapit sa balikat ko.

Sa kasamaang palat, naout-of-balance ako.  At maaga naman akong nasambot ni Ero bago ako bumagsak sa matigas na semento. (Pati ba naman sa romantic scence ng buhay ko masyado ng gasgas ang eksena) isip isip ko. 

Pero Mr. Kupido ito na ba 'yon? Bakit, bakit ang bango ng lalaking masungit na 'to? Pawis na pawis na 'to kanina nung naglalakad kami ah? Bakit ? Bakit ako? Ohmy baka mabaho na ako. 

"Wag ka kasing nanggugulat!" kunwari inis na sigaw ko sabay tulak ng mahina sakanya para kunwari di ako affected sa amoy nya. Hm, ano kaya pabango neto? Mahal siguro, richkid e. 

Inayos-ayos ko 'yong damit ko para kumalma. Hahaha ano ba naman Angel, easy ka lang.


"5 bukas ng hapon? Wala ka na bang klase nun?" tanong nya sakin

"Anong 5 pinagsasabi mo dyan??" pagtataray ko naman, tsh gusto ko na matulog eh!

"Tinatanong kita kanina kung anong oras tayo pwede magkita sabi mo 5." inosente nyang sagot. 

Medyo napatulala ako kasi, yan yun! Yan yung mukha nya nung nakausap ko sya sa Plaza. Mukhang bata na inosente tapos walang alam. Ang cute!

*Iling *iling Sinong cute? Wala!

"Ah? Nagtatanong ka pala? Diko narinig eh. " Sagot ko 

"So anong oras ka nga pwede?" medyo irita nyang tanong

Anong sinusungit-sungit neto? Napakabipolar na masungit na inosente na di maintindihan! Badtrip!

"Bakit ba? Ano bang pag-uusapan? Ha? Ano nanaman trip mo?" irita ko din na sagot. Wag sya papaloko sakin antok na antok na ako. 

"W-wala naman. G-gusto..ko lang naman ng kasama sana..ulit." siguro yung lamok lang na kumagat sakin yung nakarinig. Sobrang hina ng boses nya e. 

Aba' eto pang lamok, *pak! 

"Ano kamo?" tanong ko naman ulit habang hinihimas himas yung braso ko. Sakit nun ah, ikaw lamok nako ayusin mo. Nabaadtrip na ako. 

"Sabi kok sdfkdf" lalo pang humina.

" Ano ba kasi ero? Kung 'di ka pa inaantok. Pwes ako inaantok na ako. Antok na antok na sa totoo lang. Kaya please, kung ano man yang trip mo ipagpabukas mo nalang. Okay? Di ako galit pero antok na ako kaya sige bye bukas kana mangtrip." aalis na ako pero. 

"Wait." pigil sakin ni Ero at may pagkapit pa sa kamay ko, josqo wala na ba tong ikukulit pa?

"Gie? Piero? Bakit dito kayo sa labas"  malamang Leana wala ka sa loob. Tsh ayan sinundo na tuloy ako ni Leana.

Sinabi ko pala ito na paakyat na ako, hinintay siguro ako at natagalan. 

Tinignan ko si leana ng antok na hitsura. Tapos binalingan si Ero ng antok din na tingin.

"Give me your phone." utos nya.

Aba't-

"At talagang-"

"Your phone." matigas nyang sabi

"Fine" sagot ko para matapos na to.

Kinuha naman nya agad yun at nagtipa ng kung ano at umilaw yung phone nya sa bulsa. So? Wala ba sya load nakikitext pa sya tapos sarili lang nya titext nya? Ano bang pinagsasabi ko dito?

Pagkatapos nyang makitext sinuli naman nya agad 'yon.

"Here. Goodnight." masungit nyang sabi at nagmartsa na paalis. 

Aba lakas trip nun ah!

"Tch." inis kong baling kay Leana.

"What was that?" malisyosa nyang tanong

"Hay nako, bukas na. Super antok na ako. Nababawasan ang oras ng tulog ko. Argh." inis ko na sagot dahil pipikit na rin talaga ang mata ko. 

------------

I know its short. But its okay hahahaha

Thank you s nagbasa kung meron man mwa mwa hahaha


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Typical AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon